CHAPTER 4

50 4 0
                                    


Tumakbo ako papuntang salas at nag tago sa likod ng mga sofa.

"Anong ginawa mo diyan?" bulong ng isang boses sa tenga ko kaya napalingon ako sa tabi ko.

Si Demetri.

"A-ah wala nagpapahinga lang napagod ako e." sagot ko.

"Pahinga sa likod ng sofa?" tanong niya.

"Oo bakit bawal ba dito ko trip magpahinga e."

Ang totoo pinag tataguan ko talaga kuya mong angry bird.

"Demetri hold her don't let her escape!" sigaw ni angry bird habang pa takbong papasok dito sa gawi namin ni Demetri nang tuluyan siyang makalapit sa amin hinawakan ko si Demetri sa magkaliwang baso at ginawang shield laban kay angry bird.

"What's going on? why are you holding me." si Demetri.

"Kakalbulhin ako ng kuya mo pag nahuli niya ako." sagot ko sakanya.

"Tumabi ka Demetri." matigas niyang sabi nag tatagalog pala to e.

"Pano i hawak niya ako." yan kasi common sense rin.

"Hindi ko naman alam na dadaan ka don kaya diko muna pinunasan!" pagrarason ko sa pagka slide niya papuntang kusina.

"Kasalanan mo rin naman dika tumitingin sa lalakaran mo." dagdag ko pa.

Ops mas lalo atang nagalit. mas masama na tingin niya sakin ngayon kamukha niya na talaga si angry bird.

"Dapat pinunasan mo agad para walang maaksedente." sagot niya sakin.

"A squatter behaviour, tss."

"Kuya!" si Demetri.

Napa tigil ako sa sinabi niya, ouch. medyo na hurt na ako don. anong karapatan niyang sabihin sakin yun pakyo siya.

Nawalan ako ng gana.

Binitawan ko ang magkabilang braso ni Demetri.

"Sorry ginawa kitang shield." sabi ko sakanya "sige." paalam ko.

KADARATING ko lang sa bahay sigawan agad ang bumungad sakin nag aaway na naman sila.

"Lumayas ka nalang at wag kanang umuwi wala kang kwenta!" sigaw ni mama kay papa habang pinag hahagis ang mga damit niya.

Hindi man lang nila ako napansing dumating.

Dumeretsyo ako sa kwarto ko at ni lock ang pinto. naupo ako sa madilim na sulok at niyakap ang mga paa at yumoko.

"Pagod na pagod na ako sayo uuwi ka lang pag gusto mo!" rinig kong sigaw ni mama.

"Hindi kana nahiya sa mga nakakakilala sayo nakikita kang kasama ang babae mo sa labas! nakakahiya ka!!" dun na ako tahimik na umiyak.

My father cheated to my mother. when i was 10. when he was working far away from us, while my father is sleeping my mother caught he's bag with a different sim card and try it on her phone and saw everything.

Ang mga litrato at videos nila ng babae niya.

I saw how my mother cried herself out that night, the pain in her eyes while hugging herself.

The view of her crying like that broke my heart i can't even do anything to ease her pain.

I never thought that my father is capable to do that to us. i always look at him highly and proudly telling stories about him to my classmate telling he's the best father i could ever have in this world.

He's the first man who broke my heart before any man could.

I hate him.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. kinanapa ko ang cellphone ko sa gilid ng unan ko.

"Sh t late na ako!"

Dali dali akong bumangon at dumeretsyo sa cr para maligo.

Pag labas ko sa kwarto as usual walang tao. wala rin si mama nasa trabaho na yon maaga kasi pasok niya. tiningnan ko ang lamesa may naka handa na doong pagkain at baon ko umupo ako at mabilis na kumain pagkatapos ay umalis na.

"Uy ayos kalang?" bungad ni Lycia sakin pagka upo ko sa upuan ko.

"Oo bakit?" tanong ko.

"Narinig namin sinabi ni Achelis sayo kahapon." sabi niya "gagong yun mukha lang yung pogi yung ugali hindi." sabat ni Maia na nandito na pala sa tabi namin.

"Buti pa si Circe baby ko." dagdag niya habang ngumingiti pa.

"Ano ba kayo diko naman dinamdam yun noh parang nothing lang." sagot ko sakanila.

"Oo nga pala sabi ni lolo Gregori kahapon sakin darating daw mga kaibigan nilang tatlo mamayang hapon." si Lycia.

"Ano naman ngayon." tanong ko.

"Anong ano naman ngayon ka diyan." sabat ni Maia "edi pag sisilbihan din natin sila sabi ni lolo."

“Bat kasali sila amo ba natin sila." pa taray kong sabi.

"Mag dala kamo sila ng sarili nilang taga pag silbi." dagdag ko pa ano sila sinuswerte.

"Gaga bisita nga kasi sila dapat asikasuhin." si Lycia.

"Ha?"

"Hatdog."

Tsk mga pa sarap sa buhay.

"Goodmorning class." umayos na ako ng upo ng marinig yun.

The Arrogant Beast Onde histórias criam vida. Descubra agora