CHAPTER 18

20 1 0
                                    


Napa bangon ako sa pagkakahiga ng makarinig ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

"Anak? tulog kana ba?" si mama pala, kadarating niya lang din siguro.

tumayo ako at lumakad papunta sa pintuan ko para buksan iyon.

"Hindi pa ma, kadarating ko lang din.galing ako sa mansyon" bungad kong ani sakanya at yumoko para magmano sakanya.

"May sinabi ba siya sayo?" tukoy niya sa mama ni Achelis, tumango ako sakanya bilang sagot.

"Ma, bakit ka pumayag na sa mansyon muna ako tumira?" tanong ko sakanya dahil gusto ko talagang malaman kung bakit siya sumang-ayon.Tumayo siya at pumunta sa lamesa at kumuha ng baso at kumuha ng tubig sa despincer at uminom.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay binalik niya ang ginamit niyang baso at lumamit sakin dito sa maliit naming sala at umupo sa tabi ko.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at kinulong sa palad niya. "Aalis ako anak" agad namang kumunot ang noo ko pagkarinig ng sagot niyang iyon.

Nagtatakha ko siyang tinignan. Nag halo agad ang emosyon ko at kung ano ano na ang pumasok sa isip ko.Aalis siya, iiwan niya ako? saan siya pupunta.

"Saan ma?" mahina kong sabi habang naka yuko at naka tingin sa mga kamay naming magka hawak. Siya nalang ang meron ako dahil iniwan na kami ni papa at sumama sa iba.

"Maayos na yung papelis at passport ko papunta sa Austrilia anak" doon na ako tuluyang umiyak ng marinig ko iyon sakanya. Niyakap niya ako at hinagod ako likod ko.

"Ma naman eh iiwan mo ako ditong mag isa?" hagulgol kong sabi sa balikat niya,rinig ko naman ang pagsinghot niya na umiiyak rin siya kaya mas lalo akong napahagulgol.

"Para sayo to anak, para sayo lahat to. Kaya sana maintindihan mo si mama" sabi niya habang hinahalikan ang noo ko at hinahagod ang buhok ko "Kukunin kita, susunod ka sa akin kaya wag ka nang umiyak" pagpapatahan niya sa akin.

Wala naman akong magagawa kung hindi intindihin ang desesyon niya kung yun ang tingin niyang ikakabuti naming mag ina at ikakaganda ng buhay ko rerespetuhin ko ang desesyon niya.iintindihin ko.

Nang medyo tumahan na ako ay lumayo ako sakanya at tinanong siya "Kailan ka aalis ma?" tanong ko sakanya sa mahinang boses.

"Bukas ng hapon anak" mas lalo akong nalungkot. Ang bilis naman parang gusto ko nalang tuloy dumikit sakanya at wag nang kumawala.

"Ang bilis naman agad ma" sabi ko sakanya "Hindi ba pweding next week?" tanong ko sakanya umaasahang sasagotin niya ng oo.

"Hindi pwede anak, naka schedule na kasi yung flight ko sa araw na iyon" bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti sakanya at tumayo sa maliit naming sofa.

"Tulungan na kitang mag impake ma!" ani ko na pilit pinapasigla ang boses at tumalikod sakanya pumasok ako sa kwarto niya at nag punas ng luha.Ano nang gagawin ko ngayon.

Natapos ang gabi na tinulungan ko siyang mag impake ng mga damit at dadalhin niya doon sa Austrilia pinagluto ko rin siya at inasikaso. Doon ako natulog sa kwarto niya, magkatabi kaming natulog. Mahigpit ang yakap ko kay mama habang natutulog siya nagising ako ng alas dos at tanging ginawa lang ay tahimik na umiyak sa tabi niya. Mamimiss ko siya ng sobra.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok at nilaan ang natitirang oras para makasama si mama. Pinilit niya pa akong pumasok nung una ngunit sumuko rin nang makitang wala talaga akong balak pumasok. Pumunta kami sa mall at parke at eninjoy ang oras naming mag ina. Napuno na ata ng cellphone ko sa litrato naming dalawa kaka picture ko.

Pagsapit ng hapon ay umuwi na kami sa bahay at naghanda na siya para sa flight niya. Ang bilis ng oras.

Tapos na siyang mag bihis at lumabas ng kwarto. Ngumiti ako sakanya "Ang ganda mo ma" sabi ko "Aysus Arin binobola mo na naman ako" sabi niya na mahina kong kinatawa.

The Arrogant Beast Where stories live. Discover now