CHAPTER 7

34 3 0
                                    


Saktong paglabas ko naman ay nasa labas si Maia nag pupunas ng mga bintana. agad naman siyang napa lingon sakin ng mapansin ako.

"Arin anong nangyare sa kamay mo!?" tanong niya sakin ng makalapit siya.

"Nahulog ko kasi yung baso nabasag." mahina kong sabi.

Nag aalala siyang tumingin sakin alam niyang takot akong masugatan.

"Tara sa baba gamutin natin yan baka ma enfection pa yan." sabi niya.

"Takpan mo nalang ilong mo para dimo ma amoy yung alcohol." dagdag niya tumango lang ako na parang batang pinag sasabihan ng nanay niya.

"Ayan ayos na." sabi niya kakatapos niya lang bendahan ang kamay ko.

"Salamat."

"Ano ba talaga nangyare bakit nabasag mo yung baso e sating tatlo ikaw ang pinaka ma ingat." usisa niya sakin sa pangyayare kanina.

"Ilalapag ko na nga sana kasi yung juice sa table niya kaso bigla siyang tumingin sakin nagulat ako kaya ayon." kwento ko.

"Sus, tumingin lang naman e bat ka nagulat."

"Kinabahan ako bigla e hindi ko alam kung bakit, kaka kape ko siguro to." sagot ko sakanya bilis kaya ng tibok ng puso ko kanina nung lumingon siya sakin.

"Bakit ka naman kinakabahan aber?" ang dami namang tanong nito.

"Hindi ko nga alam diba." sagot ko sakanya.

"Wehh ikaw ha may crush ka kay Achelis noh umamin ka." crush ako? sa angry bird na yun, pwe. wag nalang sama ng budhi ng lalaking yun sinigawan pa ako kanina pakyo siya sakin galit ako sakanya.

"Kadiri ka bat naman ako magkakaroon ng crush sa lalaking yun sama ng ugali non." depensa ko sa paratang niya.

"Eh bakit ka kinabahan nung tumingin siya sayo it's either crush mo siya o naaapektuhan ka sa presensya niya." sarap lagyan ng tape bunganga ng babaeng to kung ano ano sinasabi.

"At bakit ako ma aapektuhan sa presence niya sino ba siya." inis kong sagot sakanya.

"Saka manahimik kana nga porket wala si Circe e ako naman trip mo ngayon." sabi ko at umalis sa harap niya.

Lumabas ako ng mansyon para magpahangin umagaw ng atensyon ko. ang mga bulaklak sa garden sa gilid ng circle kaya lumapit ako don at umupo inamoy amoy ito bango naman.

Habang tinitignan ko ang mga bulaklak pumasok ulit sa utak ko ang nangyare kanina.

Kailangan niya ba akong sigawan tsk napaka panget niyang angry bird. bwesit na lalaking yun di man lang ako tinulungan nung nasugatan ako. bulag ba siya walang awa tskk napaka ungentleman pakyo talaga siya sakin.

Hindi ko namalayan na yung bulaklak na pala yung pinag buntungan ko ng inis. andami tuloy petals na natanggal ko na nadamay pa sa inis ko bwesit kasing lalaking yun.

"What are you doing to the flowers."

Napalingon naman ako sa likuran ko ng may biglang magsalita. pero walang tao nilibot ko tingin ko wala kaya tumingin ako sa balkonahe ng mansyon.

May gana pa talaga siyang kausapin ako pagkatapos niya akong sigawan. kapal ng mukha ng lalaking to.

Hindi ko siya sinagot inis na inirapan ko lang siya at pumasok ulit sa mansyon.

Bwesit na mukha yun mukhang angry bird.

Papasok na sana ako sa kusina para uminom ng tubig nang makita kong nandon si Demetri at Lycia kaya napatigil ako at nag tago sa gilid.

Nag hihiwa si Lycia ng mga lulutuin niya para sa hapunan mamaya habang naka upo si Demetri sa counter.

Tahimik siyang pinapanood habang umiinom, kita ang ilang sa mukha ni Lycia.

May gusto ba siya kay Lycia? gaga ang taray ni anteh tinititigan. kinikilig tuloy ako sa nakikita ko nakita ko na tong scene na to sa kdrama eh.

"Ehem ehem." tikhim ko bago tuluyang pumasok sa kusina.

Kita ko naman ang pag lingon nilang dalawa sakin.

"Arin nandito ka pala." parang gulat niyang sabi "kanina kapa?" tanong niya pa alam na alam ko ang scene na to eh.

"Hindi kaka pasok ko lang." pag sisinungaling ko at pumunta sa ref at kumuha ng baso para uminom ng tubig.

"Bakit may benda ang kamay mo? anong nangyare diyan?" tanong niya ng mapansin ang benda sa kamay ko.

"Ah ito." tingin ko sa kamay ko "wala to wag kang mag alala."

Nilingon ko naman ang gawi ni Demetri naka tingin din siya sa kamay ko na may benda.

"Sigurado ka?" paninigurado niya kaya tumango lang ako.

"Oo, sige dun na ako sa dining ayusin ko yung lamesa para ready na mamaya." baka ma istorbo ko pa moment niyo eh.

Bago ako lumabas sa kusina nginitian ko siya at kinindatan hahahah.

KASALUKUYAN kong inaayos ang lamesa para sa hapunan nilang tatlo mamaya ng biglang dumaan si Circe naka unipormi pa siya habang nakasabit sa balikat niya ang bag niya halatang kadarating lang may pulang manstya ang puti niyang kwelyu parang lipstick.

"Hi Arin!" masigla niyang bati sakin habang naka ngisi alam ko na tong ganitong pormahan.

Playboy.

"Hello akyat kana at magbihis malapit na ang dinner time." deretsya kong sabi sakanya.

"Paki tawag narin yung kuya mong angry bird para bumaba." dagdag ko.

"Si kuya? he just left." sabi niya.

Saan naman pupunta yun gabi na pake ko ba dun bahala siya sa buhay niya.

"Ah ganon ba sige akyat kana." hindi na ako nag tanong baka sabihin curious ako eh pero saan kaya yun pupunta.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag aayos sa lamesa. at pumunta na sa kusina para tulungan sina Maia kunin ang mga dishes at kanin para ilagay dito.

"Ops wag kana tumulong may sugat yang kamay mo fresh pa yan sis kami na dito." pigil ni Maia sakin nang akma kong kukunin yung isang potahe.

"Oo nga pala, sige kayo na." hinayaan ko nalang sila at naupo sa counter.

NATAPOS na ang dinner ay wala pa rin siya hindi pa siya bumabalik tsk ano bang pake ko sa masamang angry bird na yun.

Pinaterhan ko nalang siya ng ulam baka kasi dipa kumakain yun AMO ko pa naman yun.

Saan ba kasi yun pumunta.

Tumayo ako sa upuan ng kitchen counter para iligpit yung pina tira kong pagkain. para ilagay sa ref dahil sa tagal niyang dumating ng bigla siyang lumitaw at pumasok sa kusina.

May bitbit siyang plastic hindi ko alam kung anong laman non. naka tingin siya sakin pababa sa kamay kong may benda.

"Ah kain kana pinatirhan kita ng pagkain." sabi ko at ni lapag ulit yung hawak kong uulamin niya.

Saka umalis sa counter palabas sa kusina lalampasan ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang pala pulsuhan ko at binigay yung hawak niyang plastic.

Tinignan ko siya pero naka iwas ang tingin niya.

Tinanggap ko yung plastic at mag tatanong sana kung ano to pero agad siyang umalis pagka tanggap ko ng plastic palabas ng kusina.

Tinignan ko yung laman ng plastic.

Gamot at betadine, bulak, alcohol at malaking bandage.

Ito yung dahilan kaya siya umalis kanina?

Napangiti nalang ako.

The Arrogant Beast Where stories live. Discover now