CHAPTER 9

20 2 0
                                    


Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas siya sa library.

Ano bang problema niya nakita ko lang naman yun. diko pinakialaman maka stupid siya sakin tsk.

Nagpatuloy nalang ako sa paglilinis para matapos na agad.

Kinuha ko yung hagdanan para sa pag abot ng ibang libro. hindi ko na kasi abot yung bookshelf madaming alikabok sa pinaka taas kaya kailangan linisin.

Sinimulan ko nang akyatin ang hagdan nasa pangatlong apak ko palang pa akyat ay bigla akong na out balance.

Napapikit nalang ako ng mariin at hinintay ang masakit na pagbagsak ko sa sahig.

Ngunit ilang segundo pa ang dumaan ay hindi ko maramdaman ang masakit na pagbagsak sa sahig kaya dumilat ako.

Nanlaki ang mata ko ng mukha ni Demetri ang bumungad sakin.

Ngayon ko lang na realize na nasalo niya ako bago ako bumagsak sa sahig at ngayon ko lang rin na realize ang alkward ng position namin. tatayo na sana ako ng maayos ng biglang bumukas yung pinto ng library.

Bumungad samin ang mukha nina Lycia at Achelis they are not saying anything. naka tingin lang sila samin achelis expression darkened i can see that.

Agad naman akong bumitaw kay Demetri at umayos ng tayo.

"Ah, muntik na kasi akong mahulog buti nasalo ako ni Demetri." paliwag ko sakanilang dalawa.

"Diba?" tanong ko pa kay Demetri na na parang wala lang na nakatayo sa tabi ko ngunit wala akong nakuhang tugon.

Nakatingin lang siya kay Lycia at deretsyong nag lakad palabas ng library sungit naman non.

"Sundan ko lang." salita ni Lycia naka turo kung saan dumaan si Demetri.

"Ah sige." sagot ko ang alkward kasi.

"Bakit ka ulit bumalik may kailangan ka?" tanong ko kay Achelis naka tayo parin siya pintuan.

Hindi siya nag salita at deretsyong tingin na lumapit sa kinatatayuan ko.

Nang makalapit siya ay mahigpit niyang hinawakan pataas ang pala pulsuan ko. masama ang tingin niya napadaing ako sa higpit ng hawak niya.

"Aray! ano bang problema mo." inis kong tanong sakanya.

"Are you flirting with my brother?" galit niyang tanong.

Ano bang pinagsasabi niya bakit ko naman lalandiin kapatid niya.

"Ano bang pinagsasabi mo, bat ko naman siya lalandiin."

"Stop denying, you want my brother so you're seducing him." bwesit na to seduce mukha niya ano ako malandi.

"Anong seduce e muntik na nga ako mahulog nasalo niya ako alin yung seduce don." pikon kong sagot.

"You know you can't get me that's why you went to my brother and who's next? Circe? woman like you is a gold digger. in order to earn money you offer yourself para lang umahon sa kahirapan."

Parang napantig ang tenga ko sa sinabi niya. nag init ang mga mata ko at nangatal ang labi. gusto kong depensahan ang sarili ko pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

Sa galit ko ay sinampal ko siya at tumakbo palabas ng library habang nag uunahang tumulo yung luha ko.

Dumeretsyo ako palabas ng mansyon at pumunta sa likod. doon ako umupo at tahimik na humagulgol habang yakap yakap ang dalawang paa umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tuluyan ng mag dilim ang paligid ay saka lang ako tumayo at inayos ang sarili baka mag taka at mag alala sina Maia bakit ganto ang itsyura ko.

"SAAN ka galing?" tanong ni Maia pagka pasok ko palang sa kusina nag luluto sila para sa hapunan ng tatlo mamaya.

"Bakit maga ang mata mo umiyak kaba?" tanong niya ulit sakin umiling lang ako at ngumiti sakanya.

"Hindi napuwing lang ako doon sa garden nilinis ko kasi madami nang patay na dahon." pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka hindi ka umiyak?" paniniguradong tanong niya pa kaya tumango tango lang ako.

"Ako na diyan Lycia." punta ko kay Lycia at inagaw ang pang halo.

"Ayos kalang?" biglang tanong niya.

"Oo naman." nginitian ko siya para hindi na siya mag alala pa.

"Sige ayusin na namin ang dining ikaw na bahala diyan." sabi niya at tipid na ngumiti mabuti na rin yun hindi ko siya makikita.

I was so drown to my own thoughts that i forgot the pot is hot.

"Aww!" daing ko.

Tinignan ko yung hintuturo ko namumula yun dahil sa pagka paso.

Bigla nalang tumulo ang luha ko hindi ko. alam kung bakit akala ko na iyak ko na lahat kanina masakit parin talaga.

I was called gold digger and like a slut by someone who doesn't even know me. i may be lack of privilege in life but i won't do such thing.

Bakit ang dali niyang sabihin sakin ang mga salitang binitawan niya kanina.

Why it is so easy for him to say those sharp words to me?

Pinunasan ko ang luha ko nang marinig ko ang boses nila Maia papasok.

"Tapos na ba yan?" tanong ni Lycia sakin.

"Oo tapos na."

"Kami na mag dadala ng mga yan ikaw nalang mag handa ng pagkain natin dito." sabi ni Maia tumango lang ako sakanya hays buti naman.

Hindi kami sabay kumain sakanila at nakiki salo sa lamesa. dahil amo namin sila dito lang kami sa kusina kumakain.

"Hali na kayo kain na tayo." bungad ko sakanila ng maka pasok silang dalawa umupo naman sila agad at nag simula nang kumain.

"Narinig namin ang usapan nilang tatlo kanina uuwi raw ang parents nila bukas." basag ni Maia sa katahimikan.

"Si ma'am Calliope at sir Demetrio? Omg! my future in laws!! mamemeet ko sila bukas." energetic na sabi ni Maia kaya natawa nalang kami.

"Gaga in laws ka diyan." sabi ko.

"Wala tayong pasok bukas kasi sabado." si Lycia.

"Agahan natin pumunta dito bukas para mag linis." dagdag niya.

Tumango lang kami.


The Arrogant Beast Where stories live. Discover now