CHAPTER 21

19 2 0
                                    


Nagising ako sa sinag ng araw na nangagaling sa bintana ng kwarto. Bumangon ako sa pagkakahiga at agad napa hawak sa batok ko. Ang sakit nito. Para bang may humampas sa akin sa parteng yon.

Tinignan ko ang suot kong damit. bago na ito. Sino ang nagbihis sa akin?

At nasaan ako? iginala ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto at nagpakawala ng buntong hininga. Nasa mansyon ako. Sa kwarto ko. Pano ako naka uwi?

Hinawakan ko ang ulo ko sa magkabilang kamay at inalala ang nangyare sakin.

Lumabas ako, nag lakad lakad ako hanggang sa mapadpad ako sa madilim na eskinita. May humarang sa aking malaking lalaki sinubukan kong tumakas ngunit may tatlong lalaking mapupula ang mata. Adik ang mga ito. Hinarangan nila ako at pagkatapos muntik na akong magahasa ng tinatawag nilang boss.

Napa hagulgol ako ng ma alala ang mga sinabi ng mga gagong iyon sa akin. Niyakap ko ang mga tuhod ko at yumuko doon at humikbi. Takot na takot ako. Pano kong natuloy ang plano nilang baboyin ako. Hindi ko iyon matatanggap. Mababaliw ako.

Mabuti na lang at dumating ang babaeng yon para iligtas ako. Laking pasalamat ko sakanya sa pag ligtas niya sa buhay ko. Wala na akong pakealam kong sa harap ko mismo namatay ang mga adik na iyon. Mga halang ang kaluluwa. Baka ilang kababaehan na akong nabiktima nila.

Nasa ganong posisyon ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Itinaas ko ang ulo ko para tignan kung sino yon.

May dala siyang pagkain tubig at gamot, bitbit ang tray. Dali dali niya yung nilapag sa study table ko ng makitang basa ng luha ang mukha ko. Sumampa siya sa kama at agad akong nilapitan agad niya akong kinulong sa bisig niya. Mas lalo akong napa hagulgol dahil doon.

Iyak lang ako ng iyak habang siya naman ay hinahaplos ang buhok ko. pinapatahan niya ako sa pamamagitan non. Hindi siya nag sasalita. Ng medyo tumahan na ako ay umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. Seryuso ang eskpresyon ng mukha niya habang naka tingin rin sakin. Hindi ko alam ang iniisip niya. Hinanap niya ba ako nung lumabas ako? Siya ba ang nag uwi sa akin dito sa mansyon o yung babae? Nag alala kaya siya sakin?

My body stiffened when he suddenly wipe my tears that rolling down to my cheeks.

"You need to eat." umalis siya sa kama at kinuha sa study table ang tray ng pagkain. Maingat niya yung nilapag sa kama.

Biglang kumalam ang tiyan ko kaya hinimas himas ko yon. Agad kong nilantakan ang pagkain dahil sa gutom na rin ako. Tahimik niya lang akong pinapanood at minsan ay inaabutan ng tubig. Pakiramdam ko tuloy alagang alaga niya ako. Lihim akong napangiti sa naiisip.

Ngayon ko lang napansin ang puyat niyang mga mata. The dark circle under his eye's are very clear. Nagpuyat ba ito kagabi? Anong ginawa niya at parang hindi siya natulog magdamag.

After I finish my food he gave me the tablet and water. Pagkatapos ay lumabas siya ulit sa kwarto para bumaba. Dala niya ang tray na wala ng laman. Bakit kaya siya ang nag aalaga sakin pwede namang sina ate Mirasol o ang anak nitong babae na si ate Doralyn.

Hanggang ngayon ay nag tataka parin ako kung paano ako nakarating dito sa mansyon. Alangan namang lumipad ako habang walang malay papunta dito.

Tumayo ako at pumunta sa harap ng full body mirror ko dito sa kwarto. Tinignan ko ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang napansin ang gasgas sa magkabila kong tuhod mayroon din sa bandang siko ko ngunit gasgas lang naman iyon kaya medyo hindi ako nag aalala. Mabuti at gasgas lang paano pag pinilit kong tumakas at nanlaban sa mga iyon. Hindi lang ito ang aabutin ko.

NALAMAN kong hindi pumasok si Achelis ng dahil sakin at kaya siya puyat ay dahil binantayan niya ako magdamag at inalagaan. Umiiyak daw ako habang natutulog at takot na takot.

The Arrogant Beast Where stories live. Discover now