CHAPTER 6

40 4 0
                                    


Nang nasa kalsada na kami ng village hinarap ko si Lycia. nakayuko lang siya at tahimik na sumusunod sa lakad ko nasa gilid niya si Maia.

"Bakit mo sinunod ang utos ng bruhang yun Lycia."

"Hindi naman siya yung amo mo e!" tanong ko sakanya because i know her. she's not gonna let anyone do that, disrespect to her. matalino siya.

"Arin wag muna nating itanong sakanya yan ngayon." awat ni Maia.

"Gusto kong malaman kung bakit." pinal kong sagot kay Maia.

"Kasi sabi ni Demetri sundin ko siya."

Mahinang sagot ni Lycia sapat na para marinig namin nakayuko parin siya hanggang ngayon.

Tanginang Demetri akala ko pa naman mabait siya. may pa sigaw sigaw pa siya ng kuya nung sinabihan ako ni Achelis ng squatter magkapatid nga sila masasama ang ugali.

"Pumayag ka naman." ani ko.

"Anong gusto mong gawin ko sawayin siya?"

"Kailangan ko ang trabahong to." dagdag niya.

Napabuntong hininga nalang ako
we don't have any choice amo namin sila and we badly need this job to earn money.

"Sorry." ani ko sakanya at niyakap siya.

"Group hug!" sigaw ni Maia at nakiyakap narin samin she's trying to lighten the mood.

"May iba paba silang pinagawa sayo? sinaktan kaba nila?" tanong ko sakanya simple lang siyang umiling sakin nakahinga naman kami ng maluwag ni Maia sa pag iling niya.

"Uwi na us mga sis gabing gabi na lagot ako nito pag uwi." si Maia.

LUNCH namin ngayon at nasa cafeteria kami kumakain kasama si Dave. ang becky naming kaibigan.

"Gusto kong lumipat sa Sanders Academy wah girl alam mo ba madaming pogi don kaso ang mahal ng tuition pangyayamin talaga." dinig namin sa kabilang table.

"Oo nga eh nandoon lahat ng mayayamang anak ng mga bussiness man at bussiness tycoons at ibang elites family."

"Hindi lang yun girl doon rin nag aaral ang anak ng mga Valkyrie, Waskin, Palma, Adler, Silvan at Saavreda."

Valkyrie?

"To the O to the M to the G ang swerte naman ng mga school mates nila."

"Ito pa mga dzaii bumalik na raw galing states ang Valkyrie brothers."

"Wahhh!! Omg talaga?!!"

Tsk ang iingay naman nila sino ba yang pinag uusapan nila at kilig na kilig sila at ano Sanders Academy?

Diko alam yan ah.

"Uy alam niyo ba yung Sanders Academy?" tanong ko sakanilang tatlo habang sumosubo ng pagkain.

"Ano kaba bakla hindi mo alam yun?" maarting boses na tanong ni Dave.

"Hindi." kibit balikat kong sagot.

"Gaga sikat na school yun puro mayayaman lang nag aaral don." sabat ni Lycia.

"Balita ko nga 300k per month don e" si Maia.

"Ha!? 300 thousand!!" napalakas yung sigaw ko kaya napalingon yung ibang students sakin nag peace sign lang ako at hilaw na ngumiti.

"Gaga kayo ang laki naman gold ba yang school nayan."

"Sus ano kaba sis 25 sentabo lang yan sakanila mga mayayaman nag aaral don." sagot ni Maia sakin.

"Oo nga bakla parang wala lang yan sakanila.p" sang ayon pa ni Dave sa sinabi ni Maia.

The Arrogant Beast Where stories live. Discover now