“Kailan ang punta mo ro’n?” tanong ni Dale.

“Sa Monday.”

“May pasok pa kami no’n, e. Sayang!” ani Dale.

Sus...gusto lang nitong makasama si Trisha. Palibhasa’y patay na patay siya sa dalaga.

“How about you, Pauline? Sem break n’yo na iyon, ‘di ba?” baling sa akin ni Trisha.

“Naku, ayoko. Alam mo namang wala akong kahilig-hilig sa bundok. Narinig ko pa kay Freya na mahina raw ang signal do‘n. Baka mamatay lang ako sa boredom,” tanggi ko.

“Okay. Sa birthday n’yo na lang siguro ang balik ko. Isasabay ko na si Lucas.”

“Okay.”

Emma

Tiim-bagang kong binuksan ang laman ng malaking kahon na ipinadala ni Pauline sa bahay namin. Iyon ang gown na isusuot ko sa debu nito sa linggo. Sobrang ganda niyon at halatang mamahalin. Subalit sa halip na matuwa ay nakadama ako ng ngitngit. Ngali-ngali kong punitin ang damit o ‘di kaya ay itapon.

Kung ako lang ang masusunod ay hindi ako pupunta sa birthday nito. Kaya lang, ayokong makahalata ang babae.

Naigala ko ang paningin sa maliit naming bahay. Halos lahat ng kagamitang naroon ay galing kay Pauline. Mahilig itong magregalo lalo na sa tulad kong mahirap. Mabait si Pauline sa lahat. Palakaibigan at maunawain. Pero iyon ang dahilan kung bakit ako nasusuklam sa kanya!

Kung alam lang nito ang nararamdaman ko tuwing magkasama kami. Naiinis ako dahil gusto siya ng lahat, samantalang wala namang espesyal dito bukod sa maganda at anak ng mayamang tao. Kailangan ko lang talaga itong pakisamahan dahil ama niya ang nagpapaaral sa akin.

Gusto kong ipakita sa babae na hindi isang fairytail ang mundong ginagalawan niya. Hindi siya prinsesa at mas lalong walang prince charming na darating para mahalin siya.

Ilang sandali ay napangisi ako, pagkuwa’y may kinuha sa tokador. USB iyon na naglalaman ng isang video na sisira sa magandang imahe ni Pauline. Sa mismong kaarawan nito ay mapapanood ng mga kakilala nito na ang mabuting anak, disente at inosenteng si Pauline ay kabaligtaran ng lahat ng iyon. Tiyak na kukutyain siya sa buong school pagkatapos niyon.

Sana ay magustuhan niya ang regalo ko.



Pauline

ARAW NG mismong birthday namin ni Dale. Tulad ng usapan. Birthday ko ang pinaka-ise-celebrate ngayon dahil debu ko. Kapag nag-debu naman niya ay siya naman ang bida. Si

Si Dale na rin ang naging partner ko sa gabing iyon. Hindi pa kasi dumarating si Kuya Yuan. Hindi ko nga alam kung makakaabot ito. Wala kasi itong sinabi noong tumawag siya kahapon sa akin.

Sa mansion namin ginanap ang birthday ko dahil iyon ang gusto ni Mommy. Habang inaayusan ay kay lalim ng aking buntong-hininga. Ang tamlay-tamlay ng pakiramdam ko. Tatlong buwan na kasi ang nakalilipas at hindi na talaga kami nagkitang muli ni Lucas.

Sayang. Isa sana siya sa 18th dance ko mamaya. Baka nga ito pa ang gawin kong partner. Wala tuloy akong kabuhay-buhay. Sobrang excited ko pa naman sa debu ko pero dahil sa lalaki ay naglaho ang lahat ng iyon.

Ilang sandali ay tapos na akong ayusan kaya tumayo ako at naghanda pagbaba. Color red ang gown ko na mala-belle ang dating. Ako kasi si beauty at si Dale iyong beast, since siya ang partner ko. Siniguro ni Mommy na kumikinang ako ngayong gabi na parang bituin. Mula tainga ay may gintong alahas akong suot hanggang sa paa ko. Nakalugay ang aking kulot na buhok dahil iyon naman ang request ni Daddy. He loves my hair kasi. Or gusto lang din niyang matakpan ang likuran kong hubad dahil sa design ng gown.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now