“Kaya ako ang problemado ngayon? Pauline, naman! Napahiya ako sa daddy mo!”

“Hayaan mo na lang muna silang mag-isip na may relasyon tayo. Wala namang mawawala—”

“Anong wala? Maraming magbabago dahil sa ginawa mo!”

“Ano bang gusto mong gawin ko, ha? Sabihin ko sa kanilang hindi ikaw ang kasama ko nang gabing iyon? Itatanong nila kung sino at anong isasagot ko? Malalaman ni Dad na nagtungo ako sa Eco Bar! Baka ma-grounded ako sa bahay at tiyak na kukunin niya ang blackcard ko!”

“Kaya okay lang sa iyo na ako ang magulpi ng daddy ko?”

“OA mo! Tingnan mo nga at walang paglagyan ang tuwa ni Tito David. Botong-boto sa akin ang parents mo. Ang ganda ko naman kasi talaga...” confident ko pang dagdag.

“Ganda mong sabunutan!”

Sumimangot ako sa kaibigan. “Halika na. Tawag na tayo nina Mommy,” aya ko saka ito hinila paakyat ng hagdanan.

Tumabi kami ng upo sa mga parents namin na noon ay kasalukuyang nagdidiskusyon. Para naman kaming ikakasal kung magharap-harap ang mga ito.

“Paolo, tingnan mo naman ang anak ko. Gwapo, macho, varsity player, mabait. Hindi lugi si Pauline,” tila pangungumbinsi ni Tito DM kay daddy.

“Tsk!” iling ng aking ama.

“Paolo, naiintindihan ka namin dahil babae ang sa inyo. Pero hindi naman tama na makialam tayo sa relasyon ng mga bata. Kahit papaano ay may utak na ang mga iyan. At sigurado kaming hindi lolokohin ni Dale si Pauline,” segunda ni Tita Lucy.

“Tama si Balae, Paolo,” ani Mommy ngunit inirapan lang siya ng huli.

Matagal na katahimikan ang sumunod, pagkuwa’y huminga nang malalim si Daddy tanda ng pagsuko nito. Nakahinga kami nang maluwag dahil doon.

Paolo

“D-daddy...”

Itinigil ko ang ginagawa nang dumating si Pauline sa opisina. Bago matulog ay sinabihan ko ang anak na gusto ko siyang makausap doon. Naka-pantulog na itong pajama pagdating.

“Come here, Sweatheart,” malumanay kong utos sabay tapik sa aking hita. Lumapit naman ito at naupo roon just like she’s doing when she was a kid.

Hinaplos ko ang kulot niyang buhok habang napapabuntong-hininga. Parang kailan lang, sobrang liit pa ng bunso kong anak. Ngayon ay mas matangkap na ito sa mommy nila. Masyado ba akong naging abala sa trabaho kaya hindi ko napansing dalaga na ito?

Akala ko ay naglalaro pa rin ito ng mga manika niya. How I wish na ganoon pa rin siya. But I need to accept that she’s grown up now. Alam ko namang darating ang araw na magkakaroon ito ng crushes and boyfriends pero hindi ko lang akalain na sa ganitong edad niya iyon mangyayari. Para kasi sa akin ay masyado pa itong bata para makipagrelasyon.

Ngunit hindi ko kayang tumutol sa relasyon nila ni Dale. Natatakot kasi akong magrebelde rin ito tulad ng kuya niya kapag ginawa ko iyon, kaya kahit labag sa loob ko ay pikit-mata kong tinanggap ang lahat.

Hindi ako against kay Dale. Kung tutuusin ay mabuti na ring ito ang naging nobyo ng bunso ko. Kilala namin at nasubaybyan ko pa ang paglaki. Ngunit ewan ko ba. Sa sulok ng isip ko ay may pagtanggi sa binata. Para bang hindi sila nababagay sa isat-isa. Pareho silang childish at spoild. Mas maganda sanang matured na lalaki ang makarelasyon ng bunso ko. Kung mauwi man sa kasal ay mas panatag ako.

Kasal? Tsk! Hindi ko pa yata mapapayagan agad iyon!

Again, I just want a bright future for my daughter. Pero hindi ko rin gustong i-judge si Dale. Maaaring mag-matured pa ito pagdaan ng mga taon. Isa pa ay boyfriend pa lang naman. Naiinis lang ako dahil hindi man lang ito nanligaw sa bunso ko. O kahit ipaalam man lang sana sa amin ang relasyon nila. Well, pareho silang may kasalanan ni Pauline roon.

Until I Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon