Trenta y Kuwatro

203 6 4
                                    


Dane

"Sabi ng lola Maricar ko bago ako matulog noon, maghanda daw ako parati kasi hindi ako normal. Siguro ginagawa lang 'yon ni Lola para patulugin ako dahil hindi ko natutulog." Kunyareng pag kwento ko sa kanilang dalawa. Ang tapang naman ng atay kong kumausap ng dalawang aswang ngayon.

Grabe ang best actress ko talaga. Akalain niyo 'yon? Pati aswang palong-palo sa acting ko. Naks bilib na talaga ako sa galing mong magsinungaling Dane!.

Hindi nakatakas saakin ang pagtinginan nilang dalawa at napailing si Santiago the aswang at napangite.

"May punto ang iyong lola, ija. Baka nga ikaw ay isang espesyal." Ani ni Mang Nestor. Si Idol, pinag tanggol ako nito kanina eh, pero espesyal mo mukha mo!.

Kunyare na sana akong tatawa ng bigla kaming may narinig na pagsabog at sa biglaang pangyayare yakap-yakap na ako ni Icarus at ang dalawang aswang sa harapan ko ay biglang naging itim na pusa at biglang nawala sa harapan namin.

Isang malaking what the fvck! Para akong aatakehin sa puso dahil sa nakita ko. Actual na transformation ang nangyare.

Napahawak ako kay Icarus at napaisip. Diba magka-away ang pusa at aso?


Isinantabi ko ang pag-iisip ng ganu'n at nagtanong kay Icarus.

"A-anong nangyayare?" Nang makarinig ulit ng pagsabog. I think malapit 'yon sa amin dahil yumanig bigla. Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdam ng takot.

Tinignan ako ni Icarus ng malalim hindi ko alam pero biglang kumalabog ng malakas ang puso ko dahil sa mga titig na 'yon.

"Ramdam na ramdam ko ang kaniyang emosyon." Biglang sabi niya at hindi ko alam pero bigla akong tumakbo papalabas ng bahay at naabutan kong nagkaka-gulo ang mga tao este aswang. May ibang mga bahay na nasusunog at napako ang paningin ko sa lalaking nag-aalab ang mata sa subrang galit.

May mga aswang na biglang naging aso at astang kakagatin siya pero parang walang epekto sa kaniya 'yon at parang basurang itinatapon ang mga nilalang na gustong manakit sa kaniya. He's so powerful.

I can feel his rage kahit na ilang metro ang layo ko sa kaniya. Dumaan sa likod ko ang malaking aso at alam kung si Icarus 'yon. Walang habas din niyang sinasakmal ang mga aswang--halimaw---aso---pusa---ibon na nakikita niya.

Habang ako napako ang mga paa at nakatayo habang pinagmamasdan ang mga pangyayare.

My lips parted in shock when I saw my brother's eyes flickered in so much rage. Nag-aalab na parang apoy ang mga mata niya. Hindi ako makapaniwala na napakalakas niya ngayon. Parang hindi na siya ang kuya ko sa subrang iba na ang nakikita ko ang mga mata niya.

Gone the cold-sweet eyes of my brother and replaced with rage.

Pakiramdam ko ako ang may kasalanan nito. Bakit ako umalis? Bakit ako pumunta dito? Ano ngaba ang pakay ko rito? Bakit?.

"ILABAS NIYO SIYA!" My brother yelled at napabalik ako nito mula sa pag-iisip.

May bigla siyang binato sa kabilang bahagi at bigla 'yong sumabog at may biglang umatake sa kaniya na malaking ibon ngunit bigla lamang itong bumagsak sa lupa na naging tao na dahil may kung anong nakatarak sa ulo nito.

I took a step at pupunta na sana sa kaniya but something hard hitted my head.

Sakto ang pagharap niya saakin ang siyang pag luhod ko. Akala niyo mahihimatay ako dahil doon? Hindi pa no.

My vision went blurry and I can't  breathe properly.

He's eyes softened but when he saw me covered with my own blood. Nakita ko na naman ang mga mata niyang nagliliyab na parang apoy sa galit.

Bakit? Bakit parang hindi na siya ang kapatid ko? Bakit nakita ko na naman ulit ang mga matang 'yon---katulad ng mga matang nakikita ko sa panaginip ko. Ang taong nagmamay-ari nun ang maaring tumapos sa buhay ko.

May humampas na naman saakin ulit at napahiga na ako sa lupa---barely breathing. My eyes went red and black and lastly I saw my brother was running unto me.

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now