Trenta y Tres

191 7 5
                                    

Dane

Hindi ko alam kung anong oras na pero pakiramdam ko hating gabi na. Natutulog na si Icarus sa tabi ko dahil malalim na ang paghinga niya samantalang ako kahit paghinga ay nahihirapan na ako dahil sa kaba.

Bakit ko nga pala naisipang pumunta sa lugar na'to? Naaning ba ako kaya ganun nalang ang naging desisyon ko? Parang ako na mismo ang naglagay sa sarili ko sa hukay.

And now I can't even close my eyes dahil hindi ako nakakatulog pag hindi si Kuya ang katabi ko. I am comfortable with Icarus but not as comfortable when I was with my brother.

Kuya Drew is like my pillow to me everytime we go sleep. Hayss.
Kahit wala pang 24 hours nami-miss ko na siya.

Tumayo na ako sa kama at pumunta sa pinto ng kwarto namin ni Icarus. Hindi kaagad ako lumabas instead dinikit ko nalang ang tenga ko sa pinto para makinig kung may nag-uusap na laban saamin o may balak na kainin kami ng buhay. Gladly wala naman akong narinig na kung ano kaya lumabas na ako ng kwarto at bumaba dahil may dalawang baitang na hagdan kasi ang bahay ni Santiago the aswang.

Pero bago pa ako makababa sa hagdan ay rinig ko na ang mga bulungan sa baba. Hindi nila ako napansin dahil medyo malayo ako sa kanila pero rinig ko parin ang mga sinasabi nila.

"Anong gagawin natin sa babae?" Rinig kong sabi ng isang lalaki kay Santiago the aswang.

Parang huminto yata ang pintig ng puso ko dahil sa narinig at pinagpawisan ng malamig. A-ako 'yon diba? Ako lang naman yung babae dito. Shit naman oh!

"Siguro kakatayin nalang muna natin pero sa ngayon unahin natin yung lalaki." Sagot ni Santiago the aswang.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba. Tapos bigla ko nalang narinig ang malakas na tibok ng puso ko. Si Icarus ang uunahin? Anong gagawin sa kaniya? Kakainin? Tapos ako kakatayin?! Mukha ba akong baboy?

Napatingin ako sa kusina na bukas ang pinto at nakita ko na kumukulo na ang tubig na nasa kawa at sigurado akong napaka-init non.

"Pero wala kabang napapansin sa babae o sa kanilang dalawa manlang? Parang may kakaiba sa dalawang 'yon." Sabi nung isa.

Napasign of the cross na lamang ako. Wala akong lahing aswang diba? Pero sana kahit ngayon lang sana naman may lahing aswang ako para hindi nila ako puntiryahin.


"Hindi kaya't siya ang apo ni Maricar?" Dugtong na nong isa.

Napalunok ako. Si Lola o kapangalan ni lola?

Napailing si Santiago the aswang. "Kung ganu'n nga paano natin malalaman 'yan? At may tao pa siyang kasama."

"Hindi mo ba naamoy na hindi tao ang kasama niya?" Nakangiseng sabi noong isa.

Muntik ko na silang batuhin ng tsinelas!. Kung ganu'n naman palang alam nila na hindi tao si Icarus e bakit gusto parin nila kaming ihawin dito?.

Gosh ganito naba na uhaw at gutom sa karne ng tao ang mga aswang na'to?. Pero hindi naman siguro lahat ng aswang ay masama diba?

At saka kung may mangyare mang masama daw saamin isigaw lang namin ang pangalan ni Mayu.

"Alam kong hindi tao, ngunit pinasok nila ang ating lugar."

"Hindi kaya't totoong sila'y naligaw lamang?" Pagtatanggol ng kausap ni Santiago the aswang. Muntik ko na siyang palakpakan. Very good kuya! Idol na kita.

Tapos ako dahil parang nababagot na ako sa pakikinig sa tsimiss nilang dalawa nag kunyare akong umuubo at kunyare bagong gising na inaantok pa.

"Hayyy." At kunyare nag inat-inat ako habang pababa ng hagdan at kunyare nagulat sa kanilang dalawa. This is how to act, watch me.

"Oh! Mang Santiago--'Mang?" Tanong ko sa isa na nakatingin saakin ng malalim.

"Mang Nestor, ija." Nakangiteng sabi niya kaya plastic akong ngumite.

"Gabi napo bakit gising pa po kayo? May iihawin po ba kayo dahil kumukulo na ang kawa?" Nakangise kong tanong sa kanila, nagtatapang tapangan lang ako dito pero nanghihina na ang tuhod ko.

"Haha. Wala naman ija, wala naman kaming iluluto. Kami'y nag ku-kwentuhan lamang." Sagot ni Mang Nestor.

Naalala ko ang sinabi ni Mayu saakin. Magtanong?

Napangise ako sa naisip. "Alam nyo po, may naikwento ang Lola ko dati saakin." Kunyareng kwento ko pero ever since hindi ko naman talaga nameet si Lola eh.

"Lola?" Curious na tanong ni Mang Nestor at hindi nakatakas saakin ang pagtitinginan nilang dalawa.

"Opo, Si Lola Maricar." Pagdidiin ko at ramdam kong natiligan silang dalawa.

Hahahaha. Akala niyo kayo ang huling halakhak? No way!.

Hindi ako makakapayag na bopis ang uwi ko sa bahay pag nagkataon.

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now