Trenta y Uno

206 14 3
                                    

Dane

Mahigpit ang kapit ko kay Icarus habang mabilis siyang tumatakbo ngayon sa gitna ng kagubatan. Kung gaano kabilis ang takbo niya ay ganu'n rin kabilis ang pintig ng puso ko.

"Dahan-dahan lang." Mahinang boses na sabi ko sa kay Icarus.

"Hindi kita ipapahamak, Mahal ko."

"Alam ko naman! Pero aatakihin na'ko sa puso." Reklamo ko sa kaniya pero hindi na siya sumagot at bigla nalang kaming nakakita ng isang highway. Napakurap pa ako. Sa gitna ng kagubatan highway?.

Todo takbo parin si Icarus hanggang marating namin ang isang Welcome ng bayan.

Nanindig ang balahibo ko ng mabasa ang nakasulat sa ibabaw ng malaking wall.

Brgy. Aswang

Jusko. Tama ba 'tong pinasok ko? Pwede pa bang mag back-out?

Bumaba na ako kay Icarus na ngayon ay nag-anyong tao na. Binigay ko sa kaniya ang damit niya.

"P-papasok na tayo?" Nanginginig kong tanong sa kaniya matapos niyang magbihis.

"Mamaya nalang kaya?" Dugtong ko pa at inilibot ang paningin sa buong paligid. Madilim parin kahit malapit ng sumikat ang araw.

"Wala bang araw dito?" Tanono ko kay Icarus at nakangite siyang umiling.

Napatango ako. Oo nga naman, aswang nga pala sila, nagtaka pa'ko.

Maya maya pa ay nag-aya na ako kay Icarus na pumasok sa loob na magkahawak kamay. Kailangan kong umacting nang maayos kung hindi ay mamatay kaming dalawa dito na walang laman loob.

Narating namin ang buong brgy.
Pinagtitinginan kami ng tao este mga aswang dito sa loob ng kanilang lugar at maitim na nakatingin saaming dalawa ni Icarus at nagbubulung-bulungan pa sila. Maya maya pa ay may lalakeng lumapit saamin habang may ngite sa labi. Kung hindi ko lang alam, baka nadala na ako sa ngite niya.

"Napadaan kayo?" Tanong niya at napatingin ako kay Icarus na nakatingin saakin.

Binalik ko ulit ang tingin sa lalake at bahagyang lumunok at pilit na ngumite.

"Ako ho si Danita Henessa at ito po ang aking asawa, nasiraan po kami sasakyanat humanap po kami ng ibang mahihingian ng tulong at dito kami napadpad ng Asawa ko." Ngiteng pilit na sagot ko sa kaniya and I can feel Icarus froze of what I told this man infront of us.

"Siya po si Francisco Henessa." Pagpapakilala ko kay Icaruz. Bago kasi kami umalis binilinan kami ni Mayu na huwag gagamitin ang totoo naming pangalan sa kanila.

"Mabuti at dito kayo napadpad at hindi sa ibang baryo." Nakangiteng sagot niya saakin.

Mabuti?! Mabuti para may makain kayo! Oo!.

"Ah oo nga po eh. "

"Sinasabi niyong nasiraan kayo ng sasakyan hindi ba? Sa bahay muna kayo tumuloy hanggat hindi pa maayos ang inyong sasakyan kung ga'nun nga" Pag-ooffer niya saamin at napalunok ako.

Ito na... ito na ang katapusan ng buhay ko ng buhay namin.

"Ah nakakahiya naman po pero wala po kaming ibang mapapagpilian ng asawa ko. Sige po. Magbabayad po kami!" Mabilis na sabi ko sa kaniya.

"Hindi na kailangan." Nakangiteng sagot niya saakin pero may kakaiba sa mga ngite niya at alam ko na ang ibig sabihin ng mga 'yon.

"Sumunod kayo saakin." Nakangiteng sabi niya at nauna nang maglakad. Kumapit ako sa braso ni Icarus habang sumusunod kami sa lalake. Napapatingin nalang ako sa mga aswang na nakatingin saamin ngayon at tingin pa lang ay parang kakainin kami ng buo. Palihim akong napa sign of the cross.

Lord. Sana naman hindi kami mamatay dito.

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now