Bente-Dos

146 7 0
                                    

Dane


"Dane, Faster!."

"Teka lang Kuya, Sigurado kaba dito?." Nag-aalalang tanong ko sa kaniya at tinignan ang nasa ibaba bago tumingin ulit sa pinto ng kwarto namin ni Kuya.

Mag-aalas dose na ng gabi at bigla nalang nag-announce si Kuya saakin na kailangan daw naming tumakas mula sa bahay na'to. All of a sudden, sa totoo lang hindi ko maintindihan si Kuya.

Actually, sinuggest ko naman sa kaniya na mag hagdanan nalang kami pero sinamaan niya lang ako ng tingin at kailangan daw sa bintana kami dadaan, like hello?. Bali-bali buto namin panigurado.

"Just jump!" Singhal niya saakin. Muli akong napatingin sa ilalim at nag-sign of the cross at umiling. "No, Kuya. Hindi ako tatalon hanggat hindi mo sinasabi saakin kung bakit tayo aalis dito." Sagot ko sa kaniya at muling umiling sa kaniya.

Kanina lang okay pa naman, and now. Aalis nadaw kami, subra siyang nagmamadali e pwede namang ipabukas nalang kung aalis talaga kami dito at kung aalis nga kami dito, saan kami pupunta? O kung may pupuntahan ba kami?. Dahil sa totoo lang wala akong kakilala dito kahit nga ata si Kuya, wala rin. Malayo rin sa mga bahay ang bahay ni Lola Maricar. And lastly, gabi na, Takot ako sa dilim. Sa aswang at kung ano ano pang nilalang. Ano 'yon swallowed your fear? Or face your fear?.

"Dane!" Galit na sigaw ni Kuya saakin at napaatras ako dahil sa gulat at kaba. Galit na talaga siya.

"No!" Matapang na sagot ko sa kaniya.

"Dane!, wala na tayong oras! Just jump!" Singhal niya saakin at muli akong umiling.

"Tell me the reason first!" Singhal ko pabalik sa kaniya.

Magsasalita siya ng makarinig kami ng mga yabag. Palakas ng palakas at papalapit ng papalapit.

Nagkatinginan kami ni Kuya. Maya-maya pa ay sunod-sunod na katok na ang narinig namin mula sa pintuan.

Shit! Ano 'yan? Hating gabi binubulabog kami ni Lola Maricar. Pupunta na sana ako sa pinto para pag-buksan si Lola Maricar o si Nanay Esmeralda ng higitin ni Kuya ang braso ko.

"Wag. 'Wag mong bubuksan." Pag-pigil niya saakin.

"P-pero, Kuya. Baka may emergency." Kunot noong sagot ko sa kaniya. But he just look at me.

"Tumalon kana." Instead na sumagot iba ang sinabi niya.

Iiling na sana ako ulit ng mapatingin ako sa langis na nakasabit sa bintana ng kwarto namin ni Kuya. Umaapaw na ito ngayon dahil sa grabe ang pagkakulo. Shit! May aswang!.

"Kuya!" Sigaw ko at itunuro ang langis kaya napatingin siya dito. Natakot narin ako dahil parang magigiba na ang pinto namin dahil sa lakas ng kalampag. Kung dati katok lang ngayon naman ay kalampag na

"Talon na, Dane!" Sigaw niya dala narin ng takot ay tumalon na ako pababa. Dinig ko pa ang paghampas ng hangin sa mukha ko at tinignan ang pinto na unti-unting nabubuksan na ng tuluyan. Pikit mata akong tumalon at handa ng mabalian ng buto 'wag lang kainin ng aswang.

May brasong yumakap saakin at pareho kaming tumalon pababa.

Ready na akong mabalian ng buto pero wala akong sakit na naramdaman pero alam kong nasa lupa na ako.

I open my eyes and my eyes widen in horror ng makita ko kung bakit hindi ako nasaktan.

Si Kuya ang nasa ibaba ko! For the second time around. He saved me again from falling.

Napatayo ako dahil sa taranta at tinulungan siyang tumayo.

Dala-dala rin namin ang mga gamit namin wala kaming tinira ni isa. Sana naman hindi nasira ang Laptop ko na nasa bag.

Napatingala ako sa bintana at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko si Lola Maricar at Nanay Esmeralda pati narin ang mga hindi ko kilalang mga tao na ready na atang tumalon pababa dito saamin.

Napaatras ako dahil sa gulat. "A-anong" Hindi makapaniwalang anas ko at napakapit kay Kuya.

"Shit! Takbo, Dane!."

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now