Kuwatro

223 8 0
                                    

Dane

"Kuyaa, bored na'ko dito sa kwarto. Ikutin natin tong bahay oh" Sabi ko kay kuya na busy sa pag lalagay ng kung anong bagay sa bintana. Para kasing halaman na parang ugat ng puno. Tinry kong kagatin kanina ang pait ng lasa.

"Ikutin mo mag-isa. Nasa akin ba paa mo?" Pagsupalpal niya saakin ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Umirap ako sa hangin dahil sa inis sa kaniya.

"Ehh. Gusto ko lang may kasama" I pouted.

"Magpasama ka kay Lola" Bagot na sagot niya kaya tinignan ko siya ng matalim kahit nakatalikod siya.

"Ayaw ko nga" kontra ko sa suhestiyon niya saakin.

"Edi matulog ka nalang, tutal kakaalis lang naman nila Dad." Sabi niya at nilagay ang ugat sa gilid ng bintana.

Oo nga pala. Kakaalis lang nila mom and dad. Pauwi na sila. Nanlulumo parin ako hanggang ngayon dahil talagang naiwan na kami dito. And heck were stuck here for a month and that absorb!.

"Over slept na ako, Kuya" sagot ko.

"Edi wag kang matulog problema ba'yon." Sabat niya na naman habang nilalagay na palamuti ang isang bote na may langis.

"Mukha kang unggoy na nakalambitin  diyan kuya. May pa langis langis kapa diyang nalalaman. Tapos trip mo pa atang mag gardening dito sa loob ng kwarto dahil diyan sa ugat na sinasabit mo." Sabi ko sa kaniya at umikot sa kama.

"Wala kang pake. Trip ko ng ganito para din naman ito sa kaligtasan nating dalawa kung gusto pa natin maabutan ni Mom and Dad dito na humihinga." Giit niya kaya napatigil ako sa pag-ikot ng kama at napa-upo nalang bigla.

"Ha? What are you talking about brother?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya dahil nag-iwan na naman siya ng bugtong sa isip ko.

"Just let me do this for our sake. Dane."

"Okay fine." Sabi ko at tinignan ang bawat sulok ng kwarto namin ni Kuya. Nice interior.

Iisang kama. Malaki pa. Iisang bintana tapos may veranda pa.
May sariling banyo. Saan kapa?

I glanced at the calendar.

"Full moon pala mamayang gabi." Tapos ay tumingin ako kay Kuya na muntik ng mahulog sa bintana.

"Anyare kuya? Unggoy na pala ngayon ay nahuhulog na." Pabirong sabi ko pero hindi siya tumawa. KJ.

"What did you say?" He asked kaya napakunot ang noo ko.

"Ang ano?" Lutang na sagot ko sa kaniya.

"Ngayong gabi ang full moon?" Namamawis na tanong niya saakin. Kaya tumango ako. "Yes."

Hindi siya sumagot pero bumaba na siya sa bintana. Siguro ay tapos na siya sa pag de-design.

"Iikutin natin ang Mansiyon, Dane. Para naman kung sakali man. Alam mo na ang pasikot-sikot dito." Mahinang boses na sabi niya at nauna ng lumabas ng kwarto.

"What do you mean by that kuya?, para ka talagang ano. Yung basta! Nag-iiwan nalang ng pala-isipan tapos mababaliw ako kaka-isip" maktol ko habang pasunod na sa kaniya.

Nasa second floor kami kaya binilang ko ang kwarto. Tatlo dito sa taas, siguro ay apat sa 3rd floor. Pito daw ang kwarto ng bahay na'to eh.

Huminto kami sa isang kwarto. Muntik pa nga akong mauntog sa likod ni Kuya eh. Mabuti nalang at nakapagpreno ako. Wow! Haha kotse lang?.

Tila nagdadalawang isip pa si Kuya kung bubuksan niya ba o hindi. Naiinip na ako kaya ako na mismo ang nag-bukas. Take note lumusot lang ako sa gilid niya para maka-daan.

"Omy, Wow" Usal ko nalang dahil music room pala ang kwartong 'to. Napansin ko ang isang piano sa gilid kaya nilapitan ko ito.

"Kuya, ganito din ang piano na nasa malapit sa kwarto natin." Baling ko kay Kuya na pumasok rin sa loob at masyado yatang tense o natatae lang talaga siya.

Tinutukoy ko ay yung nasa grand stairs na piano. Ganito din 'yon eh.

Feeling ko talaga nangangailangan ako ng gabay na mapa para malaman ang pasikot-sikot sa bahay na'to para hindi ako maligaw.

Ita-try ko'to bukas. Masubukan nga 'to.

"T-tara na, Dane" yaya ni Kuya kaya sumunod nalang ako sa kaniya.

Sumunod naman ang huling pinto o kwarto dito sa second floor.

"Baka mamaya gym area pala 'to kuya ha?" Sabi ko at pumasok na siya.

"Ahh mah" hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi ko dahil nalula ako kung ano ang meron sa loob.

A garden. A fvcking garden! How the fvck this happen?

Napa blink pa ako dahil halatang luma na ito. Tuyo narin kasi ang ibang mga bulaklak. No, lahat pala. Pero still maganda parin.

"Kuya? All around house ba'to? Bakit? B-bakit?" Tanong ko kay Kuya. Pero tahimik lang siyang nakatingin saakin.

"You will know soon." Tapos ay tipid siyang ngumite at hinila ako papalabas. Leaving my brain waiting for answer of confusion.

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now