Bente-Nuebe

141 7 0
                                    


Dane

Bumalik ako sa kwarto namin ni Kuya matapos akong kausapin ni Mayu. Napapa-isip parin ako kung gusto ko bang pumunta at sumang-ayon sa plano niya?.

Ipinilig ko ang ulo ko at tinignan si Kuya na mahimbing na natutulog. I smiled. Ang gwapo talaga ng Kuya ko pero kung sakali man papayag kaya siya?.

"Mahal ko"

Nanindig na naman ulit ang balahibo ko dahil sa tinig na 'yon. Andito na naman siya. Alam kaya 'to ni Mayu, kung oo, anong gagawin niya?.

"Asan ka?" I whispered.

Umihip ang malakas na hangin at parang tinuturo nito ang isa pang pinto. I quickly go there and open the door. Na surpresa ako dahil isa palang terrace sa likod ng mala-fairy na bahay sa kwartong 'to!.

"Omyghod" My lips parted in agape and amused. Ang ganda. Sa likod pala ng mala-fairy na bahay ay mayroong isang napakagandang lawa. I was mesmerize by the view I am seeing right now.

"Mahal ko"

"Ay kabayo!" I shouted in shock. Natawa ang taong-lobo sa harapan ko.

"Isa akong lobo, hindi isang kabayo." He chuckled and I sigh.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa labis na gulat na naramdaman dahil sa taong-lobo na ngayon ay nakangite at natatawa sa harapan ko.

"Bakit andito kana naman?" I asked him.

Nakangite niya akong tinignan. "Kung nasaan ka ay asahan mong nandoon rin ako." Sagot niya.

I breathe deeply. "Bakit wala ka sa Manila?"

He chuckled. "Ngayon lamang ang itinakda."

"Ayan ka na naman sa Alien rumor phenomenon mo." Angil ko at natawa siya ng bahagya sa sinabi ko.

Humilig ako sa gilid ng kahoy na sandigan ng terrace. "Malayo ba ang barangay ng mga Aswang?" I asked him bluntly.

Natawa siya ng bahagya. "Gusto mo bang pumunta sa mapanganib na lugar na 'yon, Mahal ko?" Tanong niya at napangiwe pa ako dahil hindi niya talaga ako tatantanan sa pag tawag sa'kin ng endearment niya.

"Mapanganib? Judgmental, Bakit nakapunta kana ba 'don?" Tanong ko sa kaniya. Natawa pa ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko sa kaniya. I have the guts to tell him that he's judgmental, why me. I immidiately screamed the word 'dangerous' to that creatures called 'aswang'

"Sila ang kadahilanan kung bakit namatay ang aking kapatid." Nakangiteng sagot niya saakin at nakita ko kung paano kumislap ang kulay ginto niyang mga mata. Kunan ko kaya 'to ng mata tapos isangla ko? Magkano kaya?.

"E bakit parang masaya kapa? Ngite-ngite kapa diyan eh." Sabi ko

"Wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin. Malungkot ako ngunit idinadaan ko lamang ito sa ngite."

"Ay wow. Sana all naman." Komento ko. Ako kasi ay masyadong madamdamin. Kapag malungkot ako malungkot talaga ako.

"Pupunta ka ba doon?"

"Haa? Saan?"

"Sa bayan ng mga Aswang. Ilang bukid lamang ang pagitan mula rito." Nakangiteng sagot niya saakin at muntik na akong mahilo dahil sa sagot niya.

Anong akala niya saakin lumilipad? Ilang bukid? Aabutin ata kami ng dalawang linggo o buwan bago ako makarating sa bayan ng mga aswang na'yon. Pero sa tingin ko doon ang sagot sa ibang mga tanong ko.

"Grabe. Ilang bukid lang pala, next year tayo makakarating." Sarkastikong sagot ko at tumawa siya ng mahina. Grabe naman ang lalakeng-lobo na'to kung tumawa ang hinhin. Sigurado akong naabutan pa nito si José Rizal.

"Ngunit may alam akong malapit na daraanan." Nakangiteng sabi niya pa saakin at tinap ang ulo ko. Naramdaman ko ulit ang kuryenteng dumadaloy na nagmumula sa kaniya pero lagi ng lagi kong ginagawa binalewala ko nalang ito.


"Short-cut? No way!. Hindi ako dadaan pag short-cut." Mabilis na sabi ko sa kaniya.

Naalala ko kasi ang sinabi ni Ma'am Precious noong nasa grade-7 pa lamang ako. Three advice ang title ng story na'yon. First: Don't take short-cut, Second: Don't be curious (pero hindi ko maiwasan), Third: Don't let anger control you.

"Hindi naman." Sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Siguro pupunta akong bayan na'yon tapos hindi ko nalang isasama si Kuya. Pwede naman siguro 'yon no? Para kung sakaling ma instant hapunan ako 'don hindi siya madadamay.

"Dane?"

"Oh shit!" Tarantang mura ko ng marinig ko ang boses ni Kuya. Tinignan ko si Wolf guy na nakangite na naman ulit at ng balingan ko ng tingin ang relos ko. 5:37 A.M! Shit! Bakit ba ang bilis ng oras?!.

Pagbalik ko ng tingin sa harapan ko ay wala na ang taong lobo. Napailing ulit ako. Hindi ko na naman natanong ang pangalan niya.

"Dane?" Bumukas ang pinto at si Kuya ang iniluwa noon.

"Anong ginagawa mo dito?" Magkasabay na tanong namin.

Napakamot ako sa batok. "Wala. Nagpahangin lang Kuya. Tara sa kusina." Sabay hila sa kaniya paalis sa terrace.

Umihip na naman ang hangin.

"Andito lamang ako"

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now