Trenta y Dos

120 7 10
                                    


Dane

"I never thought that this kind of place was really that scary. I thought this is all existing in a book." I mumbled and Icarus looked at me.

"Gusto mo nang umuwi?" He asked and I sigh bago umiling.

"Plano 'to. Nag-aalala lang ako na baka hindi tayo maabutan ng umaga dito." I answered honestly.

He smiled slightly. "At sa tingin mo hahayaan ko nalang na may mangyareng masama saating dalawa dito?."

Napangite nalang din ako ng sabihin niya 'yun. I know Icarus won't leave me here, I know he's there always and he won't have second thought to protect me and I'm thankful to be with him right now.

Anyway, nakalimutan kong sabihin na nasa sala kami ngayon ng bahay ng aswang na nagngangalang Santiago de Lapaz batchoy, pero syempre joke lang 'yung batchoy.

He's living alone and I doubt that. Marami akong naririnig na tunog ng mga tiktik, edi marami sila dito. Sinong niloko niya.

Napaayos lang ako ng upo ng makita kong lumabas galing sa kusina yung aswang.

"Danita at Francisco, may gusto ba kayong kainin at ipaghahanda ko kayo?." Tanong nito sa amin.

Hindi ko alam pero parang nabali na yata ang ulo ko kakailing sa sa sinabi niya.

Umubo ako. "Haha! H'wag napo! Salamat pero busog pa po talaga kami. Salamat nalang po" Ngumite ako at ngumiwe.

Mamatay nalang ako sa gutom kesa sa kumain ng kapwa ko tao. Bahala kayo diyan.

"

Ganu'n ba?"

"Opo! Opo!" Mabilis na sagot ko sa kaniya at ramdam kong namamawis na talaga ang noo ko dahil sa subrang kaba.

Sino ba namang hindi? Ikaw kaya makaharap ng face to face at sa malapitan ang aswang tignan natin kung hindi ka manginig sa kaba lalo na't dalawa lang kami ni Icarus kahit pa sabihin nating malakas si Icarus at werewolves hindi parin namin sila kakayanin.

Dalawa lang kami samantalang sila buong barangay. Nakakakilabot.

"Maari po bang malaman namin ang aming magiging silid?" Pag-iiba ng usapan ni Icarus.

Oo nga pala, iisa lang ang kwarto namin. HINDI PWEDE! Pero anong magagawa ko?

Anong plano ko? Baka magtaka itong aswang sa harapan ko kapag sinabi kong hindi kami pwedeng magtabi ni Icarus dahil ang pagpapakilala ko asawa ko siya. Bakit ba kasi hindi kapatid nalang ang sinabi ko?. Hayyy.

"Ang pangatlong pinto" Nakangiteng sagot niya saamin bago bumalik ng kusina.

Heh! Neknek mong aswang ka! As far as I know hindi ka naman mag-gugulay diyan! Magluluto kalang naman ng tao.

"Napakalikot ng iyong pag-iisip, Mahal ko." Nakangiseng sambit ni Icarus saakin habang papunta kami sa kwarto namin.

"Likot mo mukha mo." Sagot ko sa kaniya at natawa na lamang niya.

Nang makapasok kami sa loob ng kwarto I immidiately locked the door for extra safety at tinignan kung may bintana and gladly meron nga na kung sakali pwedeng maging emergancy exit namin ni Icarus.

"Hindi ko alam na ganito ka pala ka bilis, Mahal ko." Napataas ang kilay ko ng ibalik ko ang paningin kay Icarus.

Agad na nagsalubong ang kilay ko ng marealize ang pinagsasabi niya.

Hinubad ko kaagad ang tsinelas na suot ko bago ibato sa kaniya.

"Tigilan mo'ko! Nanggigigil ako sa'yo." Asar na sabi ko at tumawa lang naman siya sa tinuran ko.

"Busy ako kaka-isip ng plano sa isip ko tapos ikaw tawa lang ng tawa? E kung ipakain kaya kita sa aswang?" Singhal ko at muntik ng umusok ang ilong sa inis.

"Mahal, kahit pa iharap mo'ko sa manananggal hindi na ako takot. Takot lang naman ako kapag mapapahamak ka." And he winked.

Napaypay ko ang sarili ko.  Gosh! Can werevolves know how to flirt? My answer is diffenitely a big Yes for me.

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now