Dos

267 11 0
                                    

Dane

"Ready?" Salubong saamin ni Mom ng nasa labas na kami.

I nod at siniko si kuya na busy sa pagmu-music. May headset pa nga at busy pag head-bang.

"Matagal ba ang biyahe Dad?" Tanong ko kay Daddy ng makasakay na kami sa kotse niya. Kami ang nasa likod ni Kuya at sila naman sa harapan.

"Hindi naman subrang tagal, Nak." Nakangiteng sabi niya kaya natahimik na ako nang magsimula na siyang magmaneho. One way trip lang kasi sila Daddy at Mommy. Meaning pagkarating namin doon aalis kaagad sila.

"Kuya" Bulong ko kay kuya pero hindi siya gumalaw kaya kinuha ko ang isa niyang headset at sinuot. Wala naman siyang reklamo kaya okay lang.

"DANE, GISING NA ANDITO NA TAYO!" Malakas ang boses ni Kuya ng sabihin niya yon kaya nagising kaagad ako. Hindi pala siya makaalis kasi nakahiga ako sa lap niya. Bumangon na ako at nagkusot ng mata.

"Ilang oras ang biyahe natin?" Tanong ko sa kaniya.

"Six hours." Sagot niya kaya gulat akong napatingin sa relo ko. Umalis kami kaninang six a.m, Alas dose na ng tanghali. Kaya pala gutom na'ko.

Sabay kaming lumabas ni Kuya ng sasakyan at napahinto ako sa nakita ko. Isang luma at malaking bahay. As in subrang laki talaga, old spanish mansion pa ata 'to.

"Wow, Eto talaga 'yon?" Manghang sabi ko kay Kuya kaya tumango siya.

"Yes. Yan ang bahay, Ang Bahay ni Lola"

Pumunta na kami sa pintuan at sumalubong saamin ang isang matandang babae na may mahabang buhok. Naghahalo ang itim at puti ng kulay ng buhok niya. I assume na siya ang lola namin?.

"Ikaw na pa iyan, Dane?" Nakangiteng sabi niya kaya pilit akong ngumite sa kaniya kahit nagtataasan na ang balahibo ko.

"Ako ang lola Maricar niyo. Hali ka apo" tapos ay hinigit niya ako at niyakap. Hindi ako nakaramdam ng init bagkus ay kilabot.

I don't want to be rude at her kaya yumakap ako pabalik.

"Nice meeting you po, ... L-lola" Hindi pa ako masyadong okay ng banggitin ko iyon.

"Pasok na kayo, nasa loob na ang magulang niyo." Tapos ay sumabay kami ni Kuya sa kaniya. Bastos na talaga 'tong kapatid ko hindi manlang bumati kay Lola kahit plastican lang.

"Kung alam mo bang may lason ang kakainin niyo, kakainin mo parin ba?" Out of the blue na tanong ni Kuya kaya sinagot ko nalang dahil sinapian na naman ulit siya ng matanong na espiritu.

"Siyempre hindi no!" Sagot ko.

Hindi na siya nagsalita kaya hindi na ako nagtaka. Si Kuya yung tipong hindi magsasalita pero mararamdaman mong andiyan siya.
Maingay talaga si Kuya sa totoo lang, pagkaming dalawa lang. Madaldal subra.

"Kung alam mong madudulas ka kapag dumaan ka, daanan ka parin ba?" Napakunot na talaga ang noo ko dahil sa mga random na tanong niya. Nakarating lang kami dito kung ano ng mga tanong ang pumapasok sa isip niya.

"Depende. Kung may daan na iba, syempre hindi, pero kung wala ng choice, edi gagapang nalang ako para hindi ako madulas." Sagot ko sa kaniya.

At naabutan namin sa sala sina Daddy and Mommy pati narin si Lola na nag t-tsaa. Sinabi na siguro nila na dito muna kaming dalawa ni kuya.

"Kuya ilan ang kwarto dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Pito."

"Three stories mansion 'to diba?" I asked

"Yeah. Let's go to the second floor." Hatak niya saakin.

"Mom! Libot po muna kami." Mom just nod at continue talking with our abuela.

"Kuya can't you feel the uneasiness in this place?" I asked randomly.

"Anong klase?" Tanong niya.

"Yung nangingilabot kalang bigla? Yung tipong parang may kasama kang iba kahit wala naman?. Something is watching you tapos hindi mo nakikita?." Tapos ay ngumiwe ako dahil pakiramdam ko ay ako kaagad ang nakilabutan.

"Praning kalang Dane, sabi ko sa'yo 'wag ng magkape." Tapos ay ngumise siya kaya pabiro ko siyang sinapak sa balikat.

"Kuya, Nakabasa ako ng story sa wattpad. About aswang and other creatures na hindi tulad natin"

"What about them?" Tanong niya at ngayon ko lang napansin na bitbit niya na ang mga bagahe namin. I didn't notice that earlier.

"Totoo bang pangit sila? Nakakatakot? Mahabang mga kuko?, Aswang, Kapre, Engkanto, Dewende, Manananggal, sigbin? At yung about sa yanggaw thingy?." Tanong ko sa kaniya at binuksan niya ang unang pinto. I assumed na dito ang dati niyang kwarto.

"You will know soon."

"Jezzz! Stop creeping me out, brother. Balak mo ba akong iharap sa kanila ha?" Angil ko.

He shrugged. "You didn't know baka nga ang iba kasama mo pa o nakakasalubong mo pa." And he smirked.

"Wtf?. Do you mean hindi lahat ng nakakasalubong ko ay tao?." I blinked and regret it immediately when he nods a bit. Nanlumo ako dahil sa naging tugon niya. Natatakot na tuloy akong lumabas.

"Based on my research. Creatures like 'aswang' is look like us."

"You mean wangis tao?" Curiously I asked.

"Yes. Nakakasalamuha mo pa nga minsan. Ten people, two of them aren't true either they're ghost or that creatures"

"Lahh. Ghod! Natatakot na'ko ha." I pouted.

"Timawo ang tawag sa isang nilalang na wangis tao. Did you see this?" Tinuro niya ang ibaba ng ilong at ibabaw ng labi. Yung parang guhit na gitna? Lahat tayo may ganun diba?.

"Pag walang ganito ang nakita mo. One billion percent they aren't human. At isa pa, nagsisimba pa sila, but be observant. When the uschass is raisin' and they excuse?. Ha! They're Timawa." Tapos ay ngumise siya yung nangaasar at nantatakot pa.

"Tapos sa likod mo"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now