Diyes

167 10 0
                                    

Dane

Nagising ako mula sa ingay na nagmumula sa labas. I glanced at my side. Tulog din si Kuya. Hindi ko alam nakatulog pala kaming dalawa. Kinusot ko ang mata ko at bumangon. Ilaw lang mula sa bintana ang nakikita ko.

I open my tablet at napakamot ako ng ulo dahil alas tres palang ng madaling araw. Omyghad! Nagising bigla ang diwa ko ng may maalala ako.

Kapag daw nagising ka ng Alas dose hanggang alas tres ibig sabihin may nakatingin kayo. I blinked and glanced at my tablet. Exact three A.M.

"Devil's hour" I whispered at tinignan ang bintana ulit.

Nagmumula sa taas ang tunog sumilip ako ng bintana at tinignan ang taas. Bilog na bilog ang buwan pero kamuntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko ng makita kung ano ang nasa itaas at nasisinagan ng sinag ng buwan.

"Momm----hmmpfff" Sisigaw na sana ako ng may tumakip sa bibig. Mag po-protesta sana ako kaso nakilala ko ang amoy ni Kuya.

"Shut up, Dane." Bulong niya at binitawan ang bibig ko kaya nakahinga ako ng maayos at binalikan ang nilalang na lumilipad.

"Manananggal" I cried.

Mommy! Gusto ko ng umuwi!.

"She is."

"B-bakit andito 'yan?. Gumagala?" I whispered at sumilip ulit. Darn! Nasusuka ako.

"She's up to something"

"What could it be?" I asked and he just shrugged and continue watching the half human creature.

"We should find her other half." Hinampas ko si Kuya at pinandilatan ng mata.

"Don't you dare. Anong gusto mo ipain natin ang mga sarili natin ang tomorrow we will be dead meat?" I warned sarcastically.

"But we should"

"No, Kuya" Kaagad na putol ko sa sasabihin niya. Hindi ako papayag na umalis kami dito at hahanapin ang katawan ng manananggal.

"Paano kung makapasok 'yan dito?" Kinakabahang tanong ko.

Baka nabalitaan ng manananggal na may bagong dating dito kaya kami pinuntahan!.

"She can't" Kompyansang sagot ni Kuya kaya napatingin ako sa bintana.

Yung nilagay ni Kuya na parang mga ugat ng kahoy ay nakapalibot sa bintana.

"Yung langis" Shockingly ang langis na nilagay ni Kuya ay kumukulo!. Darn!

"That's the purpose"

"How long did you know about this stuffs?" I asked him.

"Year ago. I only searched." Sagot niya.

Hindi parin ako makapaniwala na may alam si Kuya sa mga ganitong bagay. Pwede na siyang mag tayo ng isang stall na pang-anti aswang. Para maging albularyo na siya.

"Let's go back to sleep." Hila niya saakin.

Nanlake ang mata ko sa inasta niya. People, this man beside me is my brother and I can't get of his attitude, paano pa ako makakatulog kung may nilalang na nag pa-flying trip malapit saamin?!.

"Paano pa'ko makakatulog kung may manananggal sa labas ha? Kuya?. Alam mo bang abot atay ang takot ko?" Asik ko ng pabulong sa kaniya.

He lazily rub his eyes. "Dane, Hindi yan makakapasok dito. Tulog kana, pupunta pa tayong bayan bukas."

T-tangina?

Hindi niya manlang alintana ang nilalang sa labas. Tapos heto siya at gusto ng matulog ulit?. E-invite ko kaya yung manananggal at ipatabi sa kaniya? On the second thought. No that's not a good idea. Baka mamatay na talaga ako sa takot pag lumapit pa'ko ng kaunti sa manananggal. Surely I can't fight with her long sharp nails that surely will dig into my chest and grab my heart!.

Pumunta ako sa tabi ni Kuya na natutulog na. Sumiksik ako sa tabi niya at nagtago sa kumot. Nakasilip parin sa bintana ang mata ko.

Nahigit ko ang hininga ko ng may nakita akong anino na lumalapit sa bintana. Pilit akong sumisiksik kay Kuya habang mahigpit ang kapit sa kumot. Damn! Sabi ng hindi talaga ako makakatulog eh. I swear this is the last vacation I will be in this house!.

"Hoo" Hinga ko ng unti-unting lumayo ang anino.

That was close. Muntik na'kong ma-heart attack.


...

SP

May I ask if you have experience something science can't explain? About creature? Or multo? Something paninindigan lang kayo ng balahibo?.

Trip To CapizWhere stories live. Discover now