Chapter 14: Proposed

18 2 24
                                    

Ipinapakilala ako ni Grandma sa mga kaibigan at mga bisita niya. Nangangawit na ang paa ko sa kalalakad at ang panga ko sa kangingiti.

May mga nangahas pa na i-set up ako sa blind date kasama ang mga anak at apo nila pero tumanggi ako. Jasen Chase is more than enough. Hindi ko alam kung paano siya magselos pero base sa ugali niya ay mahaba-habang paliwanagan at lambing ang magaganap.

Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako...

"You're already twenty five, Silence Heredith. Sure ka bang hindi mo ita-try ang mga offer na blind date?" Grandpa asked nang umupo ako sa table namin.

"Hindi po. I already have a boyfriend," I smiled wryly.

"Sino? Bakit hindi ko alam?" Singit ni Denver na nasa tabi ko at kumakain ng pizza.

"Jaze's father," bulong ko. Nanlaki ang mga mata niya at napaubo. Nagtalsikan tuloy ang kinakain niya kaya mabilis akong lumayo sa kaniya. "Kadiri ka, Sedeus Denver!" singhal ko.

"Seryoso ka?" Umuubo niyang tanong. Tumango ako.

"Bakit hindi mo isinama ang boyfriend mo?" tanong ni grandma.

"Nasa London po. May business trip at sa makalawa pa ang balik."

Naputol ang pag-uusap namin nang may dumating. Si daddy, tita Denise na mommy ni Selena, and Selena herself. Ang kapal ng make up nilang mag-ina kaya napangiwi ako.

Nagbatian lang sila doon at maya-maya ay dumating din ang mga Herrera. Selena immediately clung onto Philip's left arm and kissed him on his lips.

"Honey, you're here!"

Napairap ako. Tinapunan ako ni Divine ng nag-aalalang tingin, akala siguro ay hindi pa ako nakaka-move on. I smiled at her at inilapit ang bibig ko sa tainga niya.

"Mas gwapo diyan ang boyfriend ko," bulong ko. She eyed me doubtfully.

"May boyfriend ka talaga?" she asked. Tumango ako.

May anak na rin kami.

"Sister, congratulations for getting the female main role of director Adam's new series." Pekeng sabi ni Selena.

I looked at her indifferently and didn't answer her. She pitifully looked down and played her fingers.

"Tingnan mo 'yang anak mo, Santiago! Bastos, kinakausap e hindi namamansin," sumbong ni tita Denise.

"Silence," daddy warned. I coldly looked at them.

"Sinabi ko bang kausapin niya ako?" Pabalang na sabi ko. I heard daddy gasped in anger.

"Edith, please, respect your sister." mariing sabi ni Philip. Tinapunan ko siya nang malamig na tingin.

"I don't have a sister and your girlfriend doesn't deserve my respect," I said in an indifferent tone.

"You—"

"Enough! May mga bisita, o?" Galit na sabi ni grandma.

The party continued. The dinner ended. Bigayan na nang regalo. My grandma loves collecting bangles so I gave her a jade bangle.

Nang matapos ay nagulat ang lahat dahil biglang hinila ni Philip si Selena sa gitna. Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ni Selena at inilabas ang isang kahon.

Tita Denise was looking at me provocatively. I mentally rolled my eyes.

Huwag na ho kayong umasang magseselos ako dahil mas gwapo at mas mayaman ang boyfriend ko kaysa dyan sa magiging manugang niyong cheater naman.

Domineering NightWhere stories live. Discover now