Chapter 13: Invitation To Grandma's Birthday

19 3 17
                                    

"Baby, I missed you so much." Napangiti ako dahil iyon ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang tawag ni Jasen.

Nasa business trip kasi ito sa London kaya mahigit isang linggo kaming hindi magkikita. Pang-anim na araw niya na 'to at miss na miss ko na siya.

"I missed you too," I softly said. Narinig ko ang mahina at nakaaakit niyang tawang nagpakagat sa akin sa ibabang labi ko.

"Damn, baby! I just want to come home and cage you in my arms," he huskily said, making my heart raced as all of my blood rose to my face- making me blushed so hard.

Para akong high school na teenager na kinikilig dahil nakausap ko ang crush ko sa kabilang section. I touched my right cheek, hoping the heat on my face will subside.

"M-Magtigil k-ka!" Nauutal ko pang suway. Lalo akong nahiya dahil muli kong narinig ang mumunting halakhak niya sa kabilang linya.

"Ba't nautal?" Ramdam kong nakangiti siya nang itanong niya iyon. "Oy, kinikilig siya." Pang-aasar niya sa akin.

Tumaas ang kilay ko kahit hindi niya nakikita.

"Ikaw din naman." Bara ko sa kaniya at umirap sa kawalan. "Happy pill mo nga ako kasi ilang beses kang tumawa ngayong umaga." I proudly added.

Narinig ko ang pagsabog ng malakas niyang tawa.

"My baby's right! You're my happiness, indeed." Sang-ayon niya sa akin kaya napawi ang pagkapikon ko.

"Have you eaten your dinner?" I changed the topic dahil hindi ko kinaya ang panglalandi niya.

"Yes po." Malambing niyang sinambit. "Ikaw?"

"Opo, kumain na rin." Nakangiti kong tugon.

Nagkwentuhan lang kami habang nasa byahe ako papunta sa Starlight dahil ngayon ang released date ng advertisement ng bagong kotse ng Maze.

Nasabi ko na rin pala sa kaniya ang tungkol dito at nanghinayang siya dahil wala siya rito para suportahan ako.

"Ingat ka dyan, baby. I love you." Napangiti ako sa paraan ng pagpapaalam niya.

"Ingat ka rin, I love you more," sambit ko.

Nakita ko si Denver nang papasok ako sa loob ng elevator. Hinigit niya ako kaya tinapakan ko ang sapatos niya.

"Mamaya mo, ma-scandal tayo!" Galit kong singhal.

"Akala mo naman gusto kong ma-scandal sa 'yo." Pambabara niya at iniikot ang mga mata niya. Iniabot niya ang isang eleganteng vintage style envelope sa akin. "Oh," sambit niya.

Nagtatakang kinuha ko iyon. "Ano 'to?"

"It's an invitation for grandma's birthday. Gusto nila ni grandpa na pumunta ka," tugon niya. Tumango ako at itinago ang imbitasyon.

Inayusan ako at pinagsoot ng maroon maxi dress at silver wedge sandals. Dumeretso kami sa Maze Company.

Nakita ko si Kassandra na dati kong manager kasama ang pinakamamahal niyang alagang si Selena at ex kong si Philip.

"Ate Sai, dito!" Napailing ako sa kaingayan ni JK. Naagaw kasi niya ang pansin ng medias at nagsimulang manguha ng pictures.

"Sister!" Hinarang ako ng walang hiya bago pa man ako makapunta sa front row.

"Wala akong kapatid," mariin kong sabi. Nagpapaawa siyang tumingin kay Philip.

"Honey," Selena said in an aggrieved tone. Malamig kong tiningnan si Philip dahil napansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.

Domineering NightWhere stories live. Discover now