19. The Specter (Part 2) 👻

6K 179 54
                                    

(Now playing: R5's Let's Not Be Alone Tonight)

Napatitig ako sa seryoso n'yang mukha. Hinintay ko siyang ngumiti pero ako yata ang hinihintay n'yang mag-react sa sinabi n'ya. "Grabe ka, naghihikab lang ang tao, nang-aakit kaagad?" bimbin kong protesta.

"There's something about your smile, and the way you look at me tonight bavy," seryoso pa nitong sabi. In turn, parang ako ang naaakit sa kanya.

"Baka naman gumaganda lang ako sa paningin mo. Gabi na kasi at madilim na rin," biro ko rito. Ayoko nang nagiging seryoso siya. Kinakabahan ako.

"That reminds me of something. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ang dali-dali sa FATE na ipamigay ang unit na 'to," pabulong pa nitong sabi. "Kasi raw may nagbabantay na matandang babae sa mismong unit na 'to."

Bigla kaming nakarinig ng mahinang kaluskos sa may balkonahe.

Ang balkonahe siguro ang pinakapaborito kong feature ng unit. Noong una kasing punta ko rito ay hindi ko na ito napansin dahil nga nagmamadali na kaming bumalik sa opisina. Akala ko'y basta pinto lang iyon—na pagbukas mo'y dead end na. Hindi ko inasahan na may balkonahe pa pala roon para mas ma-appreciate ko ang skyline ng siyudad habang nagkakape sa umaga at nag-eemote sa gabi.

Pero ngayong gabi, tinatakot ako ng balkonaheng iyon. Bahagyang nakabukas ang pintuang nagkukubli rito, at nang mapatingin ako sa bahaging iyon ay parang may malamig na hanging dumampi sa mga braso ko. Kaya naman kinilabutan talaga ako.

"Hala nanakot ka na. Ang bad n'yo. Akala ko pa naman mabait lang talaga ang kompanya n'yo," sabi ko rito habang nanginginig ako sa pagkaka-upo ko. Minsan ko nang nasabi sa kanya na takot talaga ako sa multo.

Tapos bigla na lang siyang tumawa nang malakas. "S'yempre nagbibiro lang ako. Pero hindi natin maalis sa mga hindi-natin-nakikitang kaibigan ang manahan sa mga lugar na 'di madalas magkatao. Unlike my unit na simula nang ma-furnished 'yon, lagi ko nang napupuntahan."

Bahagya akong umisod papalapit sa kanya. "Nakakainis ka. Pano na ako makakatulog dito ngayon? Pinilit-pilit mo akong mag-stay dito tapos tatakutin mo lang ako."

"Kaya nga kasama mo ako e," sabi n'ya na may nakakaloko pang ngiti.

"No, hindi tayo p'wedeng matulog together," protesta ko.

"O sinong may sabing tatabihan kita? Ang advance mo laging mag-isip, binibini."

"Whatever," mataray kong sabi.

"Okay. Tingnan natin kung gaano ka katapang. Pano ba 'yan, inaantok na rin ako. Punta na ako sa unit ko." At saka siya mabilis na lumabas ng kuwarto.

"Teka? Iiwan mo ako dito?" tawag ko rito. Tinakot-takot niya ako tapos basta basta na lang niya ako iiwanan. Hindi rin naman ako sanay matulog sa ibang bahay. At bilang ito ang unang gabi ko sa unit na 'to, takot pa ako, I'm looking forward to a sleepless night.

Tapos parang 'di n'ya ako narinig. Dirediresto lang siyang lumabas ng unit. Ayoko nang habulin pa siya. At bilang sa 'kin na 'tong condo na ito at dito na rin naman kami titira nina mama soon, dapat sanayin ko na ang sarili ko dito. Ikinandado ko muna ang pintuan na iniwan niyang nakabukas at saka naupo sa kama kong mas pinalambot ng comforter na personal choice ng isang Aki Rushton.

Kahit isang beses sa buhay ko ay hindi ko na-imagine na magkakaroon ako ng sariling condo. Pinagmasdan ko ang buong kuwarto at bahagyang napangiti. Hindi ako makapaniwala sa mga sorpresa sa 'kin ng universe.

Hanggang sa bigla na lang akong nakarinig ng ungol. Ungol ng isang matandang babae na para bang nakakulong lang sa loob ng kuwarto ang tunog. Nakakatindig balahibo. At habang hawak ko ang unan ko ay dali-dali akong kumaripas ng takbo, palabas ng unit ko, para hanapin ang Aki na 'yon.

"Sir! Buksan mo!" sigaw ko habang kinakatok ko nang mabilis ang pintuan ng condo n'ya. Takot na takot talaga ako. Feeling ko hinahabol ako ng matandang babae. Nai-imagine ko pa ang hitsura nito habang palabas ng unit ko. "Bilisan mo, please!"

"Ano?" pagalit nitong sabi nang buksan na n'ya ang pinto. "Matutulog na ang tao e, bakit ba?"

"E kasi, kasi, may m-matandang babaeng umiiyak s-sa..."

"Ha? Tinatakot mo lang ang sarili mo."

"Hindi. Totoo ang narinig ko," sabi ko habang unti-unting isinisiksik ang sarili ko sa loob ng unit n'ya.

"Anong ginagawa mo?" pagmamasungit niya habang pinipigilan akong pumasok sa loob ng unit niya.

"Ah, e... p'wedeng dito muna ako sa unit mo? Kahit ngayong gabi lang. Tutal kasalanan mo naman ang lahat," giit ko.

"Excuses. Gusto mo lang makasama ako e. May pagnanasa ka talaga sa 'kin," asar pa nito. Pero hindi ko na 'yon balak pang patulan kasi natatakot na nga talaga ako. Saka ko pa lang napansin na naka-boxer shorts na lang pala siya. Pero nakasuot naman ito ng sando kaya hindi ko pa rin nasilayan ang nagtatago n'yang abs. "Sige na, do'n ka na sa kuwarto ko. Do'n na lang ako sa guest room. Teka ni-lock mo ba unit mo? Tsk tsk tsk. I take it you didn't. Sige ako na rin magsasara," galit pa nitong sabi. "Kukunin ko na rin comforter mo para naman may magamit ako sa guest room."

"Thank you," sabi ko at dali-daling pumasok sa malawak n'yang kuwarto, ni-lock ko ito at agad nahiga sa mabango n'yang kama, na parang sa 'kin talaga ito. Hindi tulad sa ibang bahay na first time akong matutulog, sa kuwartong iyon ay mabilis at mahimbing akong nakatulog. Umaga na agad nang magising ako.

"Good morning," bati ko rito paglabas ko ng kuwarto n'ya.

"Masarap bang matulog sa kama ko?"

"Hindi."

"E ba't ang late mo nang magising?"

"E kasi tinakot-takot mo ako kagabi. Nakakainis ka talaga."

"Ikaw na nga ang pinatulog ko sa kuwarto ko, maiinis ka pa sa 'kin. Anyway, magbihis ka na. Mag-breakfast muna tayo sa baba."

"Teka. Samahan mo muna ako sa unit ko."

"Aba 'oy maliwanag na. Wala nang multo do'n ngayon."

"Sige manakot ka pa."

Sa huli ay sinamahan pa rin naman n'ya ako. "Ah nandito pala ang phone ko. Kagabi ko pa 'to hinahanap," sabi n'ya na may nakakalokong ngiti.

"Clumsy kasi."

"Teka, may ipaparinig pala ako sayo. 'Yung paborito kong ringtone. H'wag ka lang matatakot."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. "Pakshet ka!" bulyaw ko rito. 

✖✖✖ ODHWMN ✖✖✖

Author's Note: If you enjoy this update, please vote (click the star below) and might as well share this story to your pals. Labyu!

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Where stories live. Discover now