4. The Boss 🚘

10.2K 270 67
                                    

"Yep," may kompiyansang sagot nito. Naka-ekis ang mga kamay at binti nito habang nakaupo sa kanyang swivel chair na bahagya niyang iniikot-ikot. Diretso sa mata ang titig niyang nanunuot. At kapansin-pansin din ang dalawang executive pen na nakasabit sa tux niya. "So tell me how we met before," patuloy nito sa napakapalalong tono.

"Seriously? Is that your question?" napabigla ko na namang tugon. "I mean," pinawalan ang hangin sa dibdib, huminga, at pinilit ngumiti, "Am I in the right room? Hehe."

Napabuntong-hininga na lang ito at ang maktol niya, "Iniwan mo lang naman ako sa restong 'yon last time without telling me your story... and after telling me that you sort of remember me."

"So you really don't remember me?" paglilinaw ko.

"Hindi pa ba obvious, Ms. Santos? It's not like I'll be asking you a question if I already have an answer," mataray nitong sambit. "So what's our story?"

"Our story? No. We don't have a story, sir." At kahit ako ay nagulat na naman sa naging sagot ko rito.

"Now, you're confusing me. The last time I check, it was you who told me that you remember me. Meaning, you and me have history."

"No, it was you, sir. Ikaw pa kaya 'yung tumawag sa'kin nang paalis na ako ng resto," mariin kong protesta. Oo, hindi talaga ako nagpatalo.

"No," mariing sagot nito. Ngayo'y bakas na ang inis sa mukha niya.

At bago pa ako muling makapagsalita ay bigla namang nagbukas ang pintuan ng opisina niya.

"Kuya, dad is looking for you," sabi ng lalaking pumasok na mukhang nagmamadali. Guwapo rin ito at medyo may hawig kay Mr. Yabang.

"Okay, let's go," sagot nito nang 'di man lang tumitingin sa akin. Para bang wala ako sa loob ng kuwartong 'yon. Kahit ang lalaking sumundo sa kanya ay 'di man lang din ako pinansin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa tuluyan kong mapansin ang totoong ganda ng kuwartong kinaroroonan. Paipis-ipis kong nilibot ang buong kuwarto at nasabi sa sarili, "P'wede na akong mabuhay sa lugar na ito." May istante ng libro sa isang bahagi nito. At maraming painting at pictures na nakakapit sa dingding. May lumang music player at mataas na patas ng vinyl. Pero ang pinaka-nagustuhan ko ay ang istante ng tila ba'y koleksyon nito ng mga mamahaling writing pen. Ang iba pa nga sa mga ito ay may naka-ukit na pangalan ng mga bansa. Mayro'n pang iba na para bang gawa sa totoong ginto ang kaha at mayro'n ding ilan na parang nagtataglay ng mga diamante. Sa parehong istante ay may ilan ding mga sticky note na nagkalat. Siyempre pa, hindi ko na binasa ang mga nakasulat doon at iniwasang hawakan ang mga nakikitang bagay sa paligid. Baka kung ano pang isipin ng CCTV sa'kin. I waited for almost 30 minutes pero di pa rin siya bumabalik. Hindi ko pa rin alam ang resulta ng interview ko, at hindi ko alam kung babalikan pa ba niya ako. Pero sabagay, dapat hindi na ako umasa. Siguro nga'y tuluyan na itong nagalit sa akin dahil sa impolite at tactless kong mga sagot dito kanina.

Nang tuluyan nang mag-sink in sa akin na ito talaga ang lalaking nakita sa KB noong nakaraang taon, naglakas loob na akong umalis doon.

"Ms. Santos?" tawag ng isang pamilyar na boses nang naglalakad na ako sa pasilyo ng opisina ni Mr. Yabang.

"I'm Third. Aki's brother. Sorry to have kept you waiting."

"Oh, hi! I'm fine. Who's Aki, by the way?" nagagalak kong tanong.

"The one you talked to earlier. Wait, really? You don't know...?" nagtatakang tugon nito.

"Oh, I'm sorry," putol ko rito. "It's not like we're done with the interview so I missed hearing that part."

Bahagya siyang napatawa. "Oh, by the way, he told me to let you know that you can go home now. He's quite busy today. We'll prob'ly call you when we have the result and all. So, thanks for coming today."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon