17. The Confessions (Part 2) 💋

6.8K 199 39
                                    

Kahit ako ay nabigla rin sa naturan ko. Kinabahan ako sa mga tingin niya. Hindi ko inaasahan ang bilis ng mga pangyayari, ang paglapit ng mga mukha namin hanggang sa naramdaman ko na ang mainit niyang hininga, ang malambot niyang mga labi na unti-unting nagpapamanhid sa mga labi ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya na bahagyang humahatak sa ulo ko para mas pagdikitin ang mga mukha namin. Hindi ako makagalaw. Nanghihina ang katawan ko. Hindi ko siya magawang hawakan habang tuwid na tuwid ang mga braso ko na namamanhid sa pagkakabagsak nito. Hindi ko rin siya kayang tingnan sa mga mata niya dahilan para ipikit ko na lang ang mga mata ko at mas maramdaman ang pamamasa ng mga labi ko. Hanggang sa ibinababa niya ang kanang kamay niya sa may likuran ko para idiin ang katawan niya sa akin. Nito ko na lang naigalaw ang mga kamay ko para abutin ang baywang niya. Unti-unti ko ring ibinuka ang mga labi ko at ginaya ang galaw ng mga labi niya. At dahil dito ay mas bumilis nga ang paggalaw ng mga labi niya. Pero naagaw ang atensyon ko ng nakakikiliti niyang stubble sa mukha. Para imulat ko ang mga mata ko, magising sa katotohanan at umalpas sa pagkakayapos niya sa akin.

"Sir, hindi tama 'to," sambit ko habang nakatitig sa mga labi niya. Hindi ako makapaniwalang dumampi iyon sa mismong mga labi ko.

"Anong mali sa ginawa natin? Hindi mo ba nagustuhan? You said you like me, too," nagtatakang tugon nito habang sinusuklay niya nang pataas ang buhok niya. Ang g'wapo niya talaga, bulong ng ovaries ko.

"Pero s-sir," nag-aalangan kong sabi. "F-first kiss ko 'yon," dugtong ko para mas lalo kong maramdaman ang pag-init ng mukha ko.

Napangiti siya. "E 'di ituloy natin para mas romantic."

"Baliw ka sir. O ako ba ang nababaliw dahil sa mga iniisip ko, na alam kong imposibleng mangyari? Please naman sir, h'wag mo na akong sanayin sa mga ganitong bagay."

"Hindi kita maintidihan, bave," sambit nito. Sadyang iba ang pagkakabigkas niya sa letrang b na naging v para maging mapanghibok ang tunog nito.

"Sir."

"Yes, bave."

"Kung panaginip lang ang lahat ng ito, tulungan mo naman akong gisingin ang sarili ko."

"I'll kiss you again," sambit niya. "If that's the only way to prove to you that I like you, and that my feelings are real. I have always liked you since the day you found me at the restaurant. At nang makabalik tayo sa resto noong isang araw, too bad noon ko lang na-realize lahat. That every day since then, mas tumitindi pa itong nararamdaman ko." 

"But why? Hindi ako maganda. Hindi rin ako..."

"Stop it. Who said you're not beautiful. You are beautiful, Mica."

"Any girl could be in that restaurant. On that same time."

"But you're the one who came. You happended to forget your resumé so that I'll find it and realize that you're fit for the job, the perfect assistant I was looking for." 

"That's why you hired me?"

"I hired you because you are very persistent. You kept calling HRD and going back to the office. You even reached out to Third."

"Pero ako pa rin ang pinili mo, sir, kahit na may iba pa namang candidates for the post."

"Actually, it's Dad who initially chose you."

"Why? Why me?"

"They saw something in you. Something that would help me get over my depression and all the dramas I have in my life."

"I don't understand, sir."

"They knew I like you."

"At okay lang sa kanila 'yon?"

"There's never been an issue with them. As you know, my mom is not also from a very rich clan. No offense."

"So they want you to fall in love?"

"And to forget. To fully forget."

"Pero may amnesia ka na."

"But you can't take away all the nightmares."

"Oh so it has always been so hard for you. Sorry sir, kung napaka-tigas ng ulo ko. Hindi ko iniisip ang sitwasyon mo."

"But that made me feel normal. You treated me like I don't have amnesia or something which others fail to do, almost all the time."

At saka ko siya niyakap nang mahigpit. Hindi na niya nagawang magluto pa ng specialty niya dahil biglang tumawag sa kanya si Sir Third para sabihing hinahanap na siya sa opisina. Nagmadali na lang kaming silipin ang condo-ko-raw na siya naman talagang sadya namin. Tulad nga ng sabi niya, studio-type lang ito at walang bedroom. Pagpasok mo ay makikita mo na agad ang kama na katabi ng living area. Nagustuhan ko rin ang kyut na sink sa tabi ng restroom. Semi-furnished na ang unit at sa tingin ko ay handa nang tumanggap ng bagong may-ari.

"Pero sir sino nga si Victoria sa buhay mo?" tanong ko rito habang nasa sasakyan na kami pabalik ng opisina.

Napaigtad ito dahil sa naturan ako. "Let's not talk about her right now. Ang mahalaga ay gusto kita at gusto mo rin ako," sagot nito. Seryoso ang mukha niya at halatang ayaw na namang magkuwento.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Where stories live. Discover now