21. The Secret 🙊

6.3K 176 48
                                    

Alam kong narinig niyang lahat, kaya alam ko ring dapat wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Pero ano pa nga ba ang maggagawa ko kung nasa harapan ko na siya. Mas awkward naman siguro kung bigla na lang akong aalis sa kuwartong 'yon tulad ng ginawa ng dalawang babaeng pakialamera kanina. Yep, mabilis silang nakatakas sa kahihiyang ako lang mag-isa ang humarap.

Moment of truth na. Nagtagpo na ang mga mata namin ni Victoria. Kaya naman laking gulat ko nang ngumiti siya sa akin. "Mica, right? Don't worry, oh. No. I know, I'm not supposed to hear any of that. Although, that is... not a classy thing to do, especially when you work for a COO," pauna niya na halatang may pag-aalinlangan sa tono. "But yeah, don't worry; I'll just pretend I didn't hear that. Would that make you feel better?" dagdag pa niya.

"Ugh. This is so awkward. Honestly, hindi ko alam ang sasabihin ko sa 'yo, Victoria," nakatungo kong sabi.

"Vicky na lang. I don't wanna be nosy but before I totally delete that from my memory, can you like confirm to me what's going on with you guys? What's the real score now?" aniya na masigla ang tono.

"Vicky. I'm afraid I'm not really sure what I shall tell you." Ngayon ay magkatabi na ang mga repleksyon namin sa salamin sa loob ng kuwartong iyon para siguro ipaalaala sa 'kin kung gaano kaganda ang katabi ko.

"But you guys just kissed, didn't you?" pag-uusisa pa niya habang nag-aapply ng lipstick. Gulong-gulo ako kaya naman lalong 'di ako makasagot sa mga interogasyon niya. "Tell me, please. I ought to know that...." At sandali siyang tumigil sa pagsasalita na para bang may malalim na iniisip. "Oh... I get it now. Iniisip mo bang may relasyon kami ng boss mo kaya nag-aalinlangan kang mag-kuwento?"

Natigilan ako sa naturan niya. "Wala ba?" Kita ko ang pagkabalisa ng mukha ko na animo'y nakatitig sa akin. At saka ako muling napatitig sa repleksyon ni Vicky.

"Sabi ko na nga ba," napapailing niyang tugon. "Ano bang sabi niya sa 'yo?" dagdag pa niya habang ibinabalik ang lipstick na ginamit sa kanyang glam kit.

Si Sir Aki, wala naman siyang malinaw na sinabi. Para ngang ayaw pa niyang pag-usapan namin itong si Vicky. Kaya naman di maaalis sa 'kin ang isipin na may relasyon silang dalawa.

Nang matapos siyang mag-freshen up ay niyaya na niya ako sa pantry para do'n na lang namin ituloy ang biglaang pag-uusap namin. Sabi niya, malihim daw talaga itong si Sir Aki kahit sa kanya. "So all this time, akala mo may something sa 'min?" tanong pa niya na para bang natatawa pa sa ideyang 'yon.

"Kinda," pa-cool kong tugon.

"I knew it. Hindi na dapat ako natutulog sa condo niya. People will not understand. Pinipilit lang kasi ako ng lalaking 'yon. Lagi niyang sinasabi na mas gusto raw niya na may tumitira sa bahay niya kaysa naman sa bakante ito at may tumira pang bad spirits. Ang superstitious niya, 'di ba? Kaya nga in-offer niya sa 'kin ang condo niyang 'yon. Tutal lagi rin naman siyang wala ro'n. Such a sweet friend, 'di ba? Mas gusto kasi no'ng umuwi sa mansion," kuwento niya habang napapatango lang ako sa mga sinasabi niya. "Bakit ba ang tahimik mo, Mica? Kanina pa akong daldal nang daldal dito, baka mapanis na laway mo. Mahirap na. Baka hindi ka na niya i-kiss ulit," asar pa niya na para bang kinikilig pa para sa akin.

"Eeehh. Nakakainis ka Vicky," nahihiya kong sabi. "So friends lang talaga kayo?"

"Yes, we're friends. At 'di mo kailangang magselos, okay? What else is bothering you?"

"I really want to know more about his past...," sabi ko. "Like who's that real mysterious Mica because it appears I'm the only person who doesn't know her." 

"Well, lucky you, you've got the perfect person to tell you all that."

"Really? So you know her as well?"

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя