26. The Bench (Part 1) 🎟

5.9K 155 72
                                    

[Now playing: One Ok Rock's Wherever You Are]

Doon ako napadpad sa may lamppost kung saan nakatayo ang isang mahabang bench. Ang natatanging bench, na hindi kinakasangkapan ng mga magkasintahang sabik na sabik sa isa't isa, sa malawak na park ng Fate Enchanted. Bigla kong naramdaman ang pagod ng mga paa ko. Ang pananakit ng dulo ng mga daliri ko sa paa. Daig ko pa ang umakyat ng bundok. Hindi ko alam kung ilang kilometro akong nagtatakbo. Parang tanga lang. Siguro gano'n nga talaga 'pag natatanga ka sa that thing called pag-ibig na 'yan.

Uupo na sana ako sa nag-iisang bench na 'yon nang may dalawang kyut na lalaking biglang umupo rito. Ang mas matangkad na lalaki ay may hawak na libro ng mga tula at binabasa niya ito sa kasama niya.

Pero napatigil siya sa pagbabasa nang mapansin ako. "Ate, uupo ka ba?"

"Ahhh, h-hindi. May hinahanap lang ako," tanggi ko.

Nagkatinginan silang dalawa at base sa reaksyon ng mga mukha nila ay para bang na-wirduhan sila sa akin. Kaya naman agad akong tumalikod sa kanila. "Sa inyo na lang ang bench na 'yan, mukha namang mas kailangan n'yo," bulong ko. Nagulat na lang ako sa bumulaga sa akin nang tuluyan na akong makaharap sa kabilang bahagi ng park. It's the least I expected. Bumulaga lang naman sa akin ang entrance ng Lovers' Maze & Chase na katabi ang maliit na booth nito kung saan may ilan pa ring taong bumibili ng ticket at kung saan mo p'wedeng tubusin ang lovers' photo. Hindi ko matandaang may bench pala sa tapat ng Lovers' Maze. O sadya lang bang 'di ko ito pinapansin noon. Parang ang mga kaibigan natin na mapapansin lang natin 'pag wala na tayong lovelife.

Bukas pa ang maze at wala sa isip kong pumasok na naman dito. Ayoko nang sumubok pa ulit. Ayoko nang maniwala. Nagsasawa na akong ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong hindi ko deserved. Hanggang sa mapansin kong may anino ng isang lalaking naglalakad papalapit sa akin. Naalala ko si Mark, na siyang laging nand'yan 'pag kailangan ko ng night and shining armour. Napasimangot ako nang makalampas ang aninong 'yon sa kinatatayuan ko. Akala ko'y si Mark na ito, na sasamahan ako sa park na 'yon. Dire-diretso lang sa paglalakad ang lalaking iyon na tulad ko'y anino lamang din ang kasama. Marahil ay bibili rin ito ng ticket, susubok sa maze at aasahang do'n niya makikita ang kanyang one true love. Napasimangot ako dahil sa ideyang sumagi sa isip ko.

"Ang hirap magdesisyon 'no? Kung tutuloy ka ba o hindi. P'wede kasing mas magulo lang ang buhay mo 'pag hinayaan mong pakialaman ito ng letseng maze na 'yan," sambit ng isang babaeng papalapit sa akin. Nakakagulat naman si ate. Hindi ko na namalayan ang pagdating niya dahil sa marahil ay doon ako nakapokus sa lalaking papasok sa maze.

"Tama ka, miss," sang-ayon ko rito habang pinagmamasdang maglaho ang anino ng lalaking kinain na ng maze.

Lumapit siya sa akin at huminto sa tabi ko. "So are you still going? Kahit na alam mong may uncontrollable consequences ang magiging desisyon mo?"

"Actually, wala talaga sa plano kong pumasok d'yan tonight. Ikaw ba?"

"Really? Pareho pala tayo. Dinala lang ako ng paa ko sa lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit. Kung ako ang dating ako, siguro iisipin kong dinala ako rito ng universe dahil sa lugar na ito ko makikilala ang soulmate ko," aniya na parang matagal na niyang kilala ang kausap niya.

Bahagya akong napangiti. "Pareho nga tayo. So ano nang plano mo ngayon? Tinatawag ka rin ba ng maze?"

"Oo e. Pero kaya ko pa naman itong tiisin," sagot niya.

"So mag-isa ka lang rin?"

"Ayoko mang aminin pero oo. Loner ako tonight," pag-amin niya.

"Siguro gusto mo lang din ng kausap?"

"Siguro nga," tipid niyang sagot. Sa tuwing pagmamasdan ko ang mga mata niya ay para bang gusto ko na lang magkaroon ng isang ate. 'Yung nasasabihan ko ng mga bagay na 'di ko masabi kay mama o kay Ara. 'Yung mas personal. Mas masaya siguro kung nagkaroon ako ng kapatid. "Kuwentuhan mo naman ako," dugtong niya.

"Ano bang gusto mong marinig?" tanong ko.

"Gusto kong makarinig ng isang totoong kuwento. 'Yung tipo ng mga istorya na hindi mo mababasa sa mga libro o mapapanood sa mga pelikula."

Muli akong napangiti. Ang dami talaga naming pagkakatulad ng babaeng ito. "Ang dami mo nang nasabi. Ikaw na lang ang mag-kuwento. Sa palagay ko, ikaw ang maraming baong istorya," sabi ko.

"Basta willing kang makinig," tipid niyang sagot. Gusto ko ang trip nitong si ate, talking to a stranger and learning a lot from it. Parang may nabasa na akong ganito.

"Ako pa. Napupuyat nga ako sa kababasa ng mga libro para lang makatuklas ng mga bagong kuwento," sabi ko.

"Teka wala na ang dalawang lalaki sa bench na 'yon," sabi nito nang mapalingon sa bench na katapat ng maze. "Gusto mong maupo?"

"Ay, 'buti naman, umalis na sila. Kanina pang masakit ang paa ko. Tara?"

Nagmadali kaming pumunta roon para 'di na maunahan ng iba pang dumadaan sa may lamppost. Para kaming mga bata na kasali sa larong 'Trip to Jerusalem'.

Pero sa pag-upo ko rito ay napansin ko agad ang isang bookmark na marahil ay naiwan ng isa sa dalawang lalaking kaaalis lamang dito. Nagkatinginan kami ng babaeng kasama ko. "Kung ako ang dating ako, iisipin kong naiwan niya ang bookmark na 'to para hanapin ko siya. Para mabuo ko ang sarili ko. Para sa happy ending ko," ma-drama kong sabi. Kala niya siguro siya lang ang may gano'ng hugot.

"'Yun ay kung magugustuhan ka niya, because obviously, he's not into girls," natatawa niyang tugon.

"Grabe ka naman. Malay mo, sobrang close lang talaga sila sa isa't isa."

"P'wede naman. Maybe they're just into poetry at nadala lang sila ng mga nababasa nila."

O para lang kaming dalawa. We've just met and now we're talking about other people's lives. "Wait lang. Lumayo na tayo sa usapan na 'tin. Kala ko kukuwentuhan mo ako?"

Natahimik siya. "You know what, I see a great deal of myself in you. Parang ang dami nating pagkakatulad."

"And that's the same thought crossing my mind right now," pag-sang ayon ko.

May ngiti sa mukha niya. "So what's your name? Kanina pa tayong nag-uusap, hindi pa naman natin kilala ang pangalan ng isa't isa. I'm not a killer. Hindi rin kita aaluking sumali sa ano mang networking scam na uso ngayon," sambit niya. "Sorry, FC lang talaga ako. Call me Mica," dugtong niya, sabay lahad ng kamay sa akin.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Where stories live. Discover now