8. The Skyway 🛵

8.6K 242 83
                                    

"H-ha? A-ah? ah-ahh?" Hindi ko alam ang idadahilan ko sa kanya. Kusang umurong ang dila ko. At kahit ang eyeballs ko ay 'di makakibo.   

"I am so disappointed in you, Ms. Santos. You do realize that I hire you because I saw that something in you that other applicants don't have. Well, that something right now is just nowhere to be found." Napahinga siya nang malalim habang pabilis nang pabilis ang pagmamaneho niya. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Pero huli sa peripheral view ko ang manaka-nakang paglingon niya sa akin. Marahil ay napapansin na rin niya ang pamumula ng mukha ko.

"Sir, hindi naman kayo ang tinutukoy ko," tanggi ko. Diretso pa rin ang tingin ko sa daan habang hinihintay ang mga susunod niyang bulyaw.

"Sinong niloko mo, Mek-Mek? I heard everything."

"What do you mean? You listened to my conversation with Mark? You're not supposed to do that," mataray kong sabi habang pinagkukrus ang mga braso ko. This is how impulsive I am. Especially when it comes to my privacy.

"H'wag mong ibalik sa'kin ang sisi, and how dare you say that to me...," galit na bulyaw nito.

"Pero sir, mali nga talaga ang makinig sa usapan ng iba," maktol ko. I felt like he invaded my privacy.

"Now you're being didactic. Sino bang boss dito?"

Natahimik ako. Natakot ang mga nagtatago kong balahibo sa braso. Batid kong unang araw ko lang ngayon sa trabahong ito, at ilang oras pa lang kaming nagkakasama ng boss ko. Sa isip-isip ko ay baka sinusubukan lang ako ng lalaking 'to. Kailangan ko bang maging submissive sa kanya?

"Kakaiba ka talaga, Ms. Santos," dugtong nito na may tono ng pagkadismayado.

"Sorry na sir. Hindi ko dapat sinabi ang mga sinabi ko kanina. My bad, I'm really sorry. Sana maintidihan n'yo na first day ko lang ngayon sa first job kong 'to," mahinahon kong paliwanag habang pinipilit ang mukha kong ngumiti.

"'Yun na nga e, first day mo pa lang, binabastos mo na ako."

"Kung nabastos ko man kayo sir, humihingi na ako ng sorry. Aminin n'yo, at some point in your life, marami rin kayong nagawang pagkakamali pero dahil alam nating tao lang tayo na nagkakamali, ang mahalaga ay may note-to-self lagi tayo na hindi na natin iyon uulitin. Sorry na po sir."

Sa reaksyon ng mukha niya ay parang nairita pa siya sa mahaba kong paliwanag. "Hindi p'wede ang basta sorry lang. Get off my car now!"

Hindi agad nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya para mapagtantong seryoso nga siya sa sinabi niya. "Pero sir, teka lang. Wala akong masasakyan dito sa kalagitnaan ng skyway. At 'di ba pabalik pa tayo ng office?"

"Baba na sabi." Mabilis niyang ipinreno ang sasakyan para lalo akong kabahan.

"Pero pa'no ang pagbalik ko..."

At 'di na niya ako pinatapos sa aking litanya. "Baba na," ulit nito. Kapansin-pansin ang galit na reaksyon ng mukha niya. Kanina naman ay ayos pa itong makipag-usap sa akin. Nakasama pa nga siguro ang pagiging feeling close ko rito.

Agad kong binuksan ang pintuan ng SUV niya.

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na stranded sa gitna ng skyway. Pero ito na nga ang nangyayari ngayon. Hindi ba niya alam na maaari siyang mahuli ng mga awtoridad dahil sa pagbaba niya sa'kin sa lugar na 'yon? Pero isa nga siguro siyang masuwerteng nilalang at walang sumita sa kanya. Habang ang lahat ng kamalasan ay bukas loob na tinanggap ng katawan ko. Paano na ako ngayon? Ang bibilis pa ng mga sasakyan dito.

Agad kong kinontak si Ara. Pero hindi niya nasagot ang ilang ulit kong pagtawag sa kanya. Baka abala na naman ito kay Christian.

Bigla namang nag-text si Mark. "Bakit hindi ka na nagre-reply?" sabi nito sa text. Dahil sa sobrang desperado na ako sa sitwasyon ko ay tinawagan ko na si Mark. Naubos tuloy ang tinitipid kong load. Mabilis naman niya itong sinagot, na para bang sadya itong naghihintay ng tawag.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Where stories live. Discover now