Kabanata 34

1.8K 44 6
                                    

Kabanata 34

DAPHNE POV

NAGISING ako sa isang malambot na kama. Kaagad akong bumangon at hinanap ang kasama ko. Oh god, damn! We have just–napatakip na lang ako ng bibig ko.

Tinungo ko ang banyo at inayos ang sarili ko. Kinuha ko na muna ang damit niya, medyo ‘di nga lang kami same size.

Bumaba ako para alamin kung nandoon siya, I can't find him sa taas kaya baka nasa baba.

"Just damn go!"

Narinig ko ang pag-sigaw niya sa baba. May kausap ba siya o katawag. Aapak pa sana ako pababa ng marealize ko na wala pa akong suot na tsinelas.

Oh yeah, kay aga kung chismosa.

Umakyat muli ako at hinanap ang tsinelas ko sa kwarto niya.

Napadako ang tingin ko sa lamesa kung saan nakalagay ang lampshade. May isang maliit na box doon, acrylic box. Kinuha ko ito at binuksan, isang engagement ring ang nakalagay sa loob, isang silver ring na may diamond sa gitna.

Parang nadurog ako ng ma-gets ang ibig na sabihin. Para kanino kaya ito? Doon kaya sa kasama niyang babae nung sa ball? So ano 'yong nangyari sa amin kagabi, past time?

Mahina akong napahalakhak at hindi ko man lang namalayan ang pagpatak ng mga luha ko. Kaagad naman itong sinalo ng palad ko. Umasa kasi ako e.

Narinig ko ang yapak niya kaya kaagad kong ibinalik ang diamond ring sa acrylic box. Nagpanggap akong kakalabas lang sa banyo at tinitigan siya.

"Gising ka na pala?"

"Pwede bang bumalik na tayo sa hospital?"

"Sure. Ako na ang magmamaneho sayo, sasabay na kami."

Kami?

Nauna siyang naglakad pababa at sumunod naman ako. Sa baba nakita ko ang isang mestiza at morena na babae, nakaupo siya sa couch at nag-cecellphone.

Kaagad siyang tumayo ng makita si Lucas.

"Sorry if you waited," sabay beso nila sa isa't isa.

"It's okay."

Hinawakan ni Lucas ang bewang niya at tumingin sa akin.

"Daphne, this is Keyshia."

Tumango lang ako. Nagulat pa ako ng bigla niya itong hinalikan sa pisngi.

"My girlfriend," dugtong niya.

Ouch!

Hindi ito 'yong babaeng kasama niya sa ball.

"Nice to meet you…"

Sinusunog ako ng hapdi, sakit at pighati. Sakit no'n ah! Umasa sa wala.

Kahit habang nagmamaneho siya ay panay ang harutan nilang dalawa.

Kakasabi lang niyang ayaw niyang magpatali tas ngayon may ano na. Tanga ko din at nagpapaloko pa ako.

Pagdating namin sa ospital ay nauna na akong bumaba. Grabe ang harot nilang dalawa sa loob.

Pagpasok ko ay nakita ko si Gael na nakaupo sa kanyang higaan at nakangiti.

"Mama!"

Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Okay ka na ba?"

"Opo!" Nakangiti siya sa akin sabay tingin kay Cyrus. "Mama, sabi ni Tito Cyrus kapag okay na daw po ako mamamasyal kaming dalawa sa Enchanted Kingdom." Nakangiti siya habang sinasabi iyon. "Pero mama di po kita maisasama."

Tears Of Loving You (Madrigal Series)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon