Kabanata 30

1.7K 44 2
                                    

Kabanata 30

LUCAS POV

"WHAT? Iniwan n'yo 'ko? Akala ba sabay tayo papunta dyan, Angelo?"

"Chill okay, e si Cyrus kasi excited na pumunta dito kaya sumabay na ako. Matatagalan pa yata kayo dyan, diba hinihintay n'yo pa si Slytherin na bumalik?"

Nanggigigil ako habang hawak ang cellphone ko, lintik talaga na Angelo ito. Sabi niya kagabi bago kami umuwi galing sa bar na sabay kami pero ito siya nauna na sa event.

"Oh sige na, may magagawa pa ba ako e nandyan ka na," sabay patay ko sa tawag.

Wala talagang isang salita 'tong mga kaibigan ko. Nauna pa naman doon, sino naman ang excited nilang makita sa event.

"Mom, wala pa ba si Sly?" tanong ko kay Mommy.

"Ewan ko ba dyan sa kapatid mo, kung kailan tayo nagmamadali saka pa malalate ng gan'to," sagot ni mommy sa akin.

"Hayaan mo na Lucas, kilala mo naman si Sly, hangga't gusto niya magpapalate iyon dahil alam niyang may naghihintay sa kanya," sabat naman ni Kuya Markus.

"Palibhasa, sinasanay naman kasi natin kaya ayan kinalakihan na niyang maging brat," bulong ko.

"Just understand her, Lucas."

Napairap na lang ako at umupo sa couch.

Nandoon na kaya sila?

Teka nga ba't ko ba iniisip iyon?!

"Lucas baby!"

Kaagad niyang niyapos ang kanyang kamay sa braso ko.

"Cyrene, get your hands off me!"

"Why? 'Di mo ba ako namiss? I miss you!" aniya.

"Please, will you?!" Iritado kong sabi.

Umiling siyang parang bata at mas pinagsiksikan pa ang mukha sa aking dibdib.

"Cyrene, kapag 'di ka tumigil dyan, ako mismo ang magpapaalis sayo dito. Don't try my patience, you know me?!" banta ko. Nakasimangot siyang kumalas at umupo ng maayos.

"Lucas, didn't you miss me?"

"Why would my brother missed you, whore?" Sa boses pa lang na iyon 'di na ako pwedeng magkamali.

Slytherin Madrigal, my brat and sassy sister. Siya ang bunso namin, nag-iisang babae sa angkan ng Madrigal. Dapat mabait siya but kabaliktaran, trash talker, real talker, walang filter ang bibig kung magsalita… that's our bunso. 'Di nga namin alam kung saan niya namana ang ganyang ugali, grabe kung mamintas.

"Hi Sly!" bati ni Cyrene.

Itinaas ni Sly ang dalawa niyang kamay at sabay sabing, "No, don't dare came closer, whore!"

"Sly, nandito ka na pala?" si Ate Avy.

Lumingon siya. "Yes Ate, aalis na ba tayo?"

"Oo, kanina pa naiinip si Lucas sa kakahintay sayo," sagot ni Ate Avy.

Umirap lang siya sa akin at tinitigan si Cyrene.

"Ito," Sabay turo niya. "Isasama pa natin? Tsk, are you feeling well? Magsasama kayo ng plastic treaters at mukhang clown sa event? Hello, hindi iyon circus para magdala tayo ng clown, it's a ball… grand ball. My god!"

That's my sister, trash talker… real talker and brat.

"How dare you, I'm not a clown!"

Napairap na natatawa si Sly habang nakatingin kay Cyrene.

Tears Of Loving You (Madrigal Series)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon