Kabanata 21

1.3K 37 1
                                    

Kabanata 21

DAPHNE POV

MAG-IISANG linggo ng huli kaming magkita ni Lucas. Ni tawag ay di niya ginawa sa akin. Nag-text na din ako pero wala din akong napala. I try to call him but out of coverage ang cellphone niya kahit phone ng mga kaibigan niya ay nakapatay din. Iba kasi ang kutob ko simula ng umalis sila, wala din akong tiwala dito sa mga bantay ko. Feeling ko lahat ng bantay dito nasa akin lahat ng mga mata.

Alam mo 'yong bawat kilos mo nakatingin sila. Bawat galaw ko ay bilang nila. Kulang na lang pati sa banyo sundan nila ako. Katulad na lang kanina ng nagpunta ako sa kabilang rest house, pinagbawalan nila ako e no‘ng nandyan naman sina Lucas nakakapasok ako e ngayon hindi na pwede. Feeling ko bilanggo ako dito. Kung kakain man may bantay ako sa likod. Pati sa pagpasok ko nasa labas sila ng pinto ng kwarto ko naghihintay.

Hayst! Ewan ko na nga lang kung anong dahilan kung bakit ayaw nila akong iwan mag-isa kahit saglit lang. Like one hour gano‘n. Bakit ba kasi hindi ko matawagan ang cp ni Lucas, may balak ba siyang ikulong ako dito? Gusto ko na lang habulin nina Felix kesa sa ganito, dinaig ko na ang preso at asawa ng pangulo sa dami ng bantay. Kaya para hindi ako lalo na mabwisit sa kanila, nagkulong na lang ako sa kwarto. Edi no choice sila kundi ang manatili sa labas ng kwarto ko. Hindi ko din ma-enjoy ang view sa terrace kung makikita ko din sila sa labas.

*TOK TOK TOK*

"Ma'am, baka gusto niyo pong mag-merienda muna?"

Napairap na lang ako at nagpipigil sa asar. "Huwag na po, busog pa ako."

"Sige po."

Bahala kayo dyan. Basta ako konti lang ang pasensya ko at ma-uupakan ko na kayo isa isa. Lagot din sa ‘kin 'yang Lucas na 'yan. Sana naman lang mag-update kung ano na, wala e mamumuti na lang 'tong mata ko sa kakahintay sa kanya pero wala.

Kapag 'yon hindi pa din nag-update bukas, siguraduhin niya lang na nakahanda siya ng long bond paper na may back to back explanation. Dahil kung wala siyang gano‘n pagbalik bahala siya dahil hinding-hindi ko siya papansin… mamuti na lang ang buhok niya. Sana masarap ulam mo dyan at di ka mabulunan.

Nakasimangot akong hinarap ang cellphone ko at nagbabakasakali na in any minute may reply siya. Pero umabot na lang ang hours wala. Nagtataka na ako kung talaga bang meeting ang pupuntahan nila. Humikab na naman ako, all I want to do is sleep.

Naging hobby ko na 'yan, ewan ko ba… this past days ko lang naramdaman yan. Siguro dahil na din sa bagot kaya ko nararamdaman na it's better to sleep kesa maboring ng buong araw.

Nagising na lang ako na kumakalam na naman ang sikmura ko. Ano ba 'yan? Anong oras na ba? Nakasimangot akong bumangon at hinanap ang cellphone ko. Oh shit! Nahulog pala… kasi naman ba't di ko ba nalagay ng maayos sa tabi ng lampshade. Gladly, hindi nabasag kundi wala na ang phone ko. Talagang napamura ako nang makita ang oras. Kaya pala! It's already 7 pm. It's not that bad pero gutom na ako. Bumaba ako at nagtungo sa kusina.

"Ma'am, kakain na po ba kayo?" tanong naman kaagad ng kasama ko dito.

Tumango ako at tila ba nag-crave ng something to eat after dinner.

"Ano pong niluto niyong ulam?"

"Ah chop suey po ma'am," sagot ng isa sa maid's.

"Pahanda po ba kayo?" tanong naman ng katabi niya.

Tumango ako at ngumiti 'saka umupo sa dining chair. I open my phone to check if Lucas had called me nor text me back. But all I got is nothing. I open my facebook at napansin sa friend suggestions ang pamilyar na pangalan. Beatrice Gonzales. I stalk her profile at public lahat ng post niya. While scrolling nakita ko ang post niya kagabi. Nasa bar siya dahil na din sa background. May hawak siyang baso at nasa likuran niya ay sina Ethan na may katabing mga babae. Naglalaro yata sila ng Beer pong.

Tears Of Loving You (Madrigal Series)✓Where stories live. Discover now