Kabanata 29

1.8K 45 3
                                    

Kabanata 29

DAPHNE POV

MANGHANG-mangha ako sa mga disenyo sa loob ng grand ball. It's very unique, elegant and catchy.

"Mama, can I explore here please?"

Lumebel ako sa kanya at pinisil ang kanyang ilong.

"Sure. Basta isama mo si Ate Ash mo," sagot ko.

Inilibot ko ang mga mata ko ngunit hindi nito makita ang hinahanap niya.

"I'll be with a talk to my business partners, you stay here." Napayoko na lang ako sa sinabi ni Felix.

Ginala ko ang mga mata ko para maghanap hindi ko alam. If I only know na boring itong ball edi sana nasa rest house na lang ako sa Palawan at nagpa-iwan doon.

Nagulat na lang ako ng may humawak sa akin na kamay. Napalingon ako kaagad at si Cyrus ito kasama ang mga kaibigan niya.

"Parang 'di tayo tumatanda sa itsura natin," aniya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Akala ko kung ano na.

"Andito din pala kayo," masayang bati ko.

"Ang ganda natin… palagi naman HAHA," si Idris.

Ang gwapo talaga ng mga kaibigan ni Lucas. Sayang nga lang at puro babaero.

"Nasaan siya?" kaagad na tanong ni Cyrus.

"Kasama si Ash. Kilala mo pa ba si Ashley Montemayor?"

"Ash Montemayor?" sabat naman ni Jedrick. "Syempre, sino ba ang makakalimot sa kanya e isa sa pinakamaganda sa lahi ng mga Montemayor."

"Sayang naman at 'di niya makikilala ang mga mukong na 'to," sabi niya.

"Mamaya siguro babalik sila," sabi ko.

"Madrigal clan is not here yet."

Kaagad akong napatingin sa likod nila. Si Ethan, nakasuot siya ng tux at nakapamulsa pa.

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Ethan. Ano ba naman ang sasabihin ko, alangan mag feeling close ako.

"So… while waiting for them, can you join us for  drink?" Angelo asked.

"Sure."

Marami din kaming napag-usapan at nagkatuwaan pa kami. Loko pa din pala ang mga 'to.

"Dude!"

Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi ni Angelo.

Parang nadudulas ang wine glass sa kamay ko. Shit!

"Hey Dap, wanna meet Drake?" Lintik na Cyrus 'to.

Lumunok ako at dahan-dahan na humarap sa kanya. Parang nag-slow mo ang lahat, shit he's staring at me.

"Daphne this is Drake… Drake Jaxon." Pagpapakilala ni Cyrus sa isang gwapo, matangkad, mistiso, maputi in short PERFECT. "Ashley's ex."

So siya pala ang ex ni Ashley. Sinayang niya si Ashley? For sake.

"Ate Dap…"

Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Ashley at Gael doon. Halata na gulat na gulat si Ashley ng makita si Drake.

Mas ikinagulat ko ang sumunod na nangyari. Kaagad na tumakbo si Gael papunta sa pwesto ni Lucas at niyakap siya.

"Papa…"

Nakita ko ang paglunok ni Ashley. Habang ang puso ko ay tumatalon na sa kaba.

Kaagad na lumapit si Ashley at kinuha si Gael.

Tears Of Loving YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum