Kabanata 24

1.7K 40 6
                                    

Kabanata 24

DAPHNE POV

THIS is harder than i thought, para na akong baliw dito. Ilang oras na akong nakahiga pero hindi ako makaidlip dahil kanina pa ayaw magpapigil ang mga luha ko sa mata.

Two option; stay or leave. And I already choose to leave. For his life and his friends life. Hindi ko kaya pero kailangan kong iwanan siya para sa kaligtasan nila.

Ilang beses akong nag-isip kagabi hanggang ngayon. Pero I have too coz I need too. Masakit sa akin, sobra sobra pa. Ako na ang magsasakripisyo para sa lahat.

Hawak ko ang aking sling bag at naglalakad papasok sa silid ni Lucas. Tulog pa din siya at sa t'wing nagpupunta ako dito nahihirapan akong pumasok. Nanghihina ako habang papalapit sa kanya.

"You're still handsome kahit tulog ka," ani ko habang papalapit sa kama niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at nilaro-laro ito. Ang lambot talaga ng kamay niya 'di mo aakalain na lalaki.

"Lucas, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian pero sorry na kaagad." Hawak-hawak ko ang kamay niya at hinalikan ito habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko.

Hindi ko aakalain na magmamahal ako ng gan'to kalala. You made my life completed, you fulfill the darkness I felt.

"Mahal na mahal kita at sana paggising mo mahanap mo na ang nakatakdang babae para sayo. Lucas, hindi ako iyon... I'm just your worth while happiness. Kapag nahanap mo na siya sana hindi mo 'ko makalimutan," sabi ko at dahan-dahan hinawakan ang pisngi niya.

God, mahal na mahal ko siya pero bakit kailangan ng gan'to. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.

"Lucas..." bulong ko. "Mahal kita. Mahal na mahal. Pero kailangan kitang iwanan at pakawalan. Please take care of yourself, you deserve someone else and not me. Mamimiss ko ang mga yakap mo at halik, pero kailangan kitang kalimutan para sa mga kaibigan mo at sa buhay mo din."

Niyakap ko ang kamay niya at hinalikan ito. Ang hirap niyang iwan. Ang hirap niyang pakawalan. Walang tigil ang paglandas ng mga luha ko sa mata. Kailangan kong maging matatag at babaunin ko lahat ng pagmamahal na pinaramdam mo sa'kin.

"I love you." I whispered and kissed his forehead for the last time. "See you soon, my love."

Inalis ko ang wedding ring namin at dahan-dahan itong inilapag sa tabi niyang mesa. Malalim akong huminga habang nakatingin sa singsing.

Kahit mabigat sa loob ko ang pagbitaw sa kamay niya ay pinilit kong gawin. Wala pa ring tigil ang paglandas ng luha ko sa pisngi.

Bago ako lumabas ay nag-iwan ako ng letter. Inipit ko ito sa ilalim ng vase ng bulaklak kasama ang singsing.

Sumilip ako sa huling pagkakataon sabay ngiti ng pamamaalam. Baka magbago pa ang isip ko kapag 'di ako tuluyang umalis.

Tinatawagan ko ang number ni Felix para sabihin ang desisyon ko.

"Good choice, honey."

Tanging sabi niya pero hindi ko ito ikinatuwa.

Nasa labas na ako ng hospital bitbit ang slingbag ko. Isang van ang huminto sa harap ko at lumabas ang dalawang lalaki na nakaitim.

"Tara na po ma'am, naghihintay na si sir Felix at ang mga magulang niyo," anito.

Di ko pinakinggan ang sinabi niya at dire-diretso akong umupo at wala sa timpla ang tingin.

Ilang oras din ang byahe namin hanggang sa maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan tanda na dumating na kami.

Bumaba ako at isang napakalaking bahay ang bumungad sa akin. Iginiya ako ng mga lalaking kasama ko papasok sa loob at nakita ang mga magulang ko na kausap si Felix.

"Oh my god! Faye!" si Mommy.

Niyakap niya ako pero 'di ko ito tinugunan. Malamig ko silang tinitigan.

"I'm glad you're here, honey." Akmang yayakapin niya sana ako kung di lang ako umilag.

"Nasaan ang mga kaibigan ni Lucas?" tanong ko.

Ngumiti siya at lumingon. Nakita ko roon na hawak sila ng mga tauhan niya, sobrang hinanghina na sila. Kaagad akong lumapit sa kanila, nagulat pa sila ng makita ako pero 'di ko iyon pinansin.

"Dap, anong ginagawa mo dito?" kaagad na tanong ni Rhenzep.

"Uuwi na kayo, please kung hanapin ako ni Lucas... tell him, mahal na mahal ko siya at huwag na niya akong hanapin pa."

"Daphne, hindi mo kailangan gawin 'yan..." saad ni Cyrus.

Ngumiti ako sa kanya. "I'll be okay. H'wag niyong hayaan si Lucas na pumunta dito. Mapapahamak siya at di ko kayang makita na mangyari iyon. Please, Cyrus..." sabi ko at tumayo.

Hinarap ko si Felix at muling nagbago ang aura ng mukha ko.

"May usapan tayo, set them free in exchange you'll get me. Huwag mo akong lolokohin, if you are really a man... you have your words." Taas kilay kong sabi sa kanya.

"Take it easy, honey. I have my words." Suminyas siya sa kanyang mga tauhan saka nila inalis ang pagkakatali nina Cyrus.

Inalalayan sila ng mga tauhan niya palabas. Bago pa sila tuluyang makaalis ay nilingon ako ni Cyrus.

"Please... sabihin mo, huwag niya akong susundan. Please, Cyrus. Mag-iingat kayo." Kasabay no'n ay ang pagtalikod ko.

Lucas, please don't make any scenes anymore. I'm sorry.

Dalawang araw na ang lumipas at same as usual nakakulong lang ako sa kwarto. Hindi din kasi maganda ang pakiramdam ko.

Bumagon ako at pumasok sa banyo. Bumabaliktad na naman kasi ang sikmura ko.

After ng ilang minuto kung pagsuka, isang sigaw ang naririnig ko sa labas.

Boses iyon ni Felix at isa pang pamilyar na boses. Kaagad na nagwelga ang puso ko ng marinig iyon.

Bumaba ako at tinungo ang gate. I saw him crying at nagwawala sa labas.

"Lucas!"

"Dap..." he said.

"Umalis ka na," aniko.

Halata sa mukha niya ang gulat.

"What? Bakit mo 'to ginagawa?"

"This is for everyone's safety. Please, let me have it..."

"No!" Matigas niyang sabi.

"This is my final decision, Lucas... respect it. Mahal kita kaya kung mahal mo din ako irerespeto mo ang desisyon ko."

Ilang beses ko ng nakita na umiyak si Lucas pero hindi ganito kalala.

"Daphne," He shrugged. "I can't let you go. Hindi ka magdudusa sa kademonyohan nila. Dap, mahal na mahal kita. Huwag mo namang gawin 'to!"

"Lucas, tara na!" awat ng mga kaibigan niya sa kanya. Nagpupumiglas man siya ngunit naawat din nila.

Mapait akong ngumiti. Kahit maging ako man ay nasasaktan, Lucas. Wala akong choice kung 'di lang ito para sa'yo. Napapikit na lang ako habang pinagmamasdan ang bulto niyang palayo sa akin.

God, sana tama ang desisyon ko.

Hindi ko alam ang consequences ng desisyon kung ito pero sana, sana ikaw pa din ang huli ko, Lucas. Sana ikaw pa rin at ako pa rin ang hihintayin mo.

Sobrang bigat ng loob ko habang tinatanaw siya palayo sa akin, para akong nabagsakan ng bato at binlender ang puso ko. Durog na durog ang nangyayari. Gusto ko siyang pigilan kaso hindi ko pwedeng bawiin ang sinabi ko.

I made this decision for him. Kaya dapat kayanin ko. Kaya ko nga ba na iwanan ka?

Tears Of Loving Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें