Kabanata 2

2.9K 59 1
                                    

Kabanata 2

DAPHNE POV 

"SO, kailan mo balak sabihin?" tanong sa akin ni Maira.

Kasama ko ang mga kaibigan ko na sina Maira at Alicia.

"Maira, hindi ko alam. Kilala niyo si dad," sagot ko.

"Bes, paano ka na kapag? Hindi ka naman pwede sa amin kasi magkaibigan ang daddy natin. We're just worried, it's all about your safety," she said.

"Bahala na." 

"Bahala na? Kapag bumalik ka sa pamilya mo hindi ka na nila hahayaan na makatakas pa," Alicia said. I just smiled at her. 

Natatakot rin ako kasi baka gano'n ang mangyari pero wala akong choice kundi magdesisyon.

"Gano'n talaga siguro. Miserable talaga ang magiging buhay ko," sabi ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Faye, you have still a choice ang sabihin mo ang totoo kay Lucas, baka may maitulong siya. Isipin mo ang magiging buhay mo kapag bumalik ka sa mga magulang mo," nag-aalala na sabi ni Maira. 

"Hindi, hindi ko sasabihin. Walang makakaalam. At least minsan kung naranasan ang maging malaya, magmahal at masaktan. Buti nga naranasan ko pa 'yan," sandali akong tumigil at bahagyang tumawa. "That night where Lucas found me, the best night I've ever felt. I'm so happy that night, alam niyo sabi ko pa no'n ang saya maging malaya kaso pilit akong tinatakot nang nakaraan ko. Lahat ginawa ko just to be the perfect daughter they wanted, kaso kulang pa pala, sila na nga nag-de-desisyon para sa akin. Kaya bakit pa ba ako makikipagmatigasan kung sa kanila lang din ako ulit babagsak." 

"Faye, sabihin mo lang kay Lucas ang lahat. Maintindihan niya 'yan…" I saw a tears in Maira eyes while saying that.

"If I have a choice… kaso hindi gano'n kadali na maniwala si Lucas 'saka tutal masaya na siya bakit pa ako mag-aalala. This is the last weeks of the contract, hindi naman niya ako kaano-ano tapos tutulungan niya ako? Para sa'n?"

"Faye, kaibigan mo kami pero wala kaming maitutulong sa ‘yo. Kung pwede lang at hindi magkakalapit ang pamilya natin, kahit sa bahay ka na tumira pero wala eh. I'm sorry, we’re so sorry, Dap," Alicia said.

Lumapit ako sa kanila sabay yakap, "Girls, I'm so thankful to have you in my life. Kaya sapat na 'yong mga ginawa n’yo para sa 'kin, you already help me, a lot. Hindi ko nga alam kung pa-paano ko kayo babayaran pero having you guys already completed me," my eyes are starting to water. "I love you guys."

Kumalas sila at kanya kanyang punas ng kuha saka nagtawanan. 

Alicia hold my hands and pressed it. "Kapag nakapagdesisyon ka, sabihan mo kami ha. Pero, hindi kami magsasawang sabihin na… subukan mong sabihin kay Lucas. Kahit kunting baka sakali lang."

I just smiled at her, she pinched my cheeks. I really love this friends, sila ang naging tulay ko para makapag-tago ng mahabang panahon. I owe them a lot.

"Basta, kung kaya mo, sabihin mo ha."

Sasagot sana ako kung hindi lang kami nakarinig ng boses sa'ming likuran.

"Anong sasabihin?"

Napalingon kami, gulat ng makita si Ate Avy. Narinig kaya niya ang mga pinag-usapan namin? 

"Ate?"

"Anong sasabihin kay Lucas, Daphne?" diretsong tanong ni Ate Avy. Kita ko na seryoso siya sa tanong niya.

"Ah wala-"

"Daphne?" 

"Ate, wala po." Tinaasan niya ako ng kilay. Huminga ako ng malalim at yumuko, pinipigilan na muling umiyak, ang hirap tuloy huminga.

Tears Of Loving You (Madrigal Series)✓Where stories live. Discover now