Kabanata 15

2.2K 52 7
                                    

Kabanata 15

Isla Mujeres De La Costa (Madrigal's Private Island)

DAPHNE POV

5 AM na kami ng dumating sa Isla na tinutukoy ni Lucas, kasama namin ang mga kaibigan niya. Medyo kampante ako dahil hindi kami lang dalawa ang nandito, kilala ko 'tong si Lucas lalo na ang sarili ko madali akong mauto lalo na sa nakakamatay niyang ngiti.

"Oh, 'di ka ba komportable dito?" tanong niya. Kasama ko siya dito sa loob ng kwarto, nakahiga siya sa kama habang ako nakatayo sa gilid ng sliding door. Hindi ko kayang samahan siya sa loob para akong sinusunog sa mga tingin niya, ang lagkit.

"You're asking if I'm comfortable, siguro medyo..." sagot ko sa kanya.

"Bakit naman?"

"Lucas, ilan ba ang rooms dito?" sarkastiko ko siyang tinanong.

Kumunot bigla ang noo niya sa tanong ko.

"This rest house has a lot of rooms from two master bedroom, eight guestrooms. Why?" kahit nagtataka siya ay sinagot niya pa din ako.

"See, this rest house have a wide rooms. Bakit ka nandito? Don't tell dito ka matutulog?"

"Bakit, ayaw mo? Wala naman sigurong masama diba, I also have rights na matulog kung saan ko gusto," aniya at hindi man lang gumagalaw sa pagkakahiga at muling ipinikit ang mga mata niya. Isinangala niya ang kanyang braso sa mukha niya at hindi ako pinapansin.

"Gosh, pa'no naman akong naasar na dahil nandito ka!"

"Naaasar?"

Namimilosopo pa ang bwesit. Masama akong nakatingin sa kanya, kanina pa ako naasar.

"Yes, kaya since madami naman ang kwarto rito, I'll be the one na magaadjust sayo. Kaya goodnight, sleep well!" aniko 'saka naglakad patungo sa pinto.

Hindi pa ako nakarating sa may pinto ng bigla niya akong hilain dahilan para mapahiga kami sa sahig dalawa.

"Let me go!"

"Ikaw pa talaga ang may sabi niyan e umuungol ka naman kapag nasa ibabaw mo ako. Ilang beses nang may nangyari sa atin, Dap. And I would love doing that again and again."

Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ni Lucas. Feeling ko ang pula nang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Ang bastos talaga!

Umalis naman siya sa pagkakaibabaw sa akin at inalalayan akong bumangon din.

"Ewan ko sa 'yo, Lucas! Ang bastos ng bibig mo!"

"Fine. Hindi ako dito matutulog, pero kung kailan mo ng tulong ko... don't be hesitate to call me."

"I will."

Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya sa gilid ng lampshade.

Nang lumabas siya ay kaagad akong tumayo at humiga sa kama. That guy, ang gago talaga kahit kailan. Bakit para ang sakit yata ng katawan ko?

Umidlip muna ako, pagod lang siguro ito sa byahe kagabi.

SUNOD-sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto kaya nagising ako.

"Ma'am, baba na po kayo para kumain," ani ng isa sa kasambahay dito.

Oo, may maid dito... instant nga e.

Ang sakit ng katawan ko! Para akong nasagasaan ng bulldozer.

"Mamaya na po. Ang sakit po ng katawan ko," sagot ko at ipinikit ang mga mata.

Shit pati ulo ko sumasabay. Hinilot ko ito pero hindi yata uso ang hilot sa ulo ko grabe ang sakit.

Mahigpit na lang akong napahawak sa bedsheets, púta ang sakit ng ulo ko.

Tears Of Loving YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora