Kabanata 31

1.6K 38 2
                                    

Kabanata 31

DAPHNE POV

PAGKAUWI ng bahay as usual, galit na naman siya. Kinuha ko ang foundation powder at inilagay ito sa braso ko.

May panibagong gasgas na naman kasi, hayst.

"Siguraduhin mo lang na wala kang sinabi kay Cyrus, kundi hindi lang ikaw ang malilintikan sa akin maging 'yang anak mo!"

Patuloy na tumatakbo sa utak ko iyan.  He'll hurt Gael. 'Wag lang talaga akong ubusin ni Felix. Isa ako sa papatay sa kanya kung gagawin niya iyon. He can hurt me but not my son.

He'll regret that.

Napapikit na lang ako habang pinagmamasdan ang dingding ng kwarto ko. If I could only change everything.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at bumaba. Hindi pa nakakaapak sa hagdan ng marinig ko ang mga boses sa kabilang silid.

Private room daw ito sabi ni Felix at hindi ako pwedeng nandito.

Sumilip ako sa isang maliit na siwang ng pinto, may mga kausap siyang lalaki. Nakatux silang lahat at ang iba ay may sigarilyo na hawak.

"Kailangan na talaga nating alisin sa mundo 'yang Aldric Madrigal na iyan, sila ang sakit sa ulo nating lahat."

Narinig ko na sabi ng lalaking naka-blue tux.

"Masyadong pakialamero na 'yang Aldric na iyan sa lahat ng plano natin."

"Anong plano mo Felix? Isang malaking tinik na si Aldric sa buhay natin!" Halos pasigaw ng sinabi ng katabi nung naka-blue tux.

Si Tito Aldric? Ang daddy ni Lucas?

Napahawak sa panga niya si Felix at matalim na nakatingin.

"Pinagbigyan ko din ng mahabang pasensya at panahon 'yang si Aldric, pero panahon na din na tapusin ang lahat. Masyadong malaking balakid na sila sa negosyo natin at 'yan… 'yan ang hindi maganda," aniya. Kinuha niya ang baso na may alak. "What makes you think ang dapat gawin?" tanong niya sabay tingin sa nagsasalita kanina na naka-blue tux.

Tumikhim ito. "What do you think?"

"Dapat burahin na 'yan sa mundo. Pero dapat planado natin ang lahat, alam niyo naman na malalaking angkan din ang kasangga nila," sabi naman ng isa sa katabi ni Felix.

"Alam ko na ang gusto niyong ipahiwatig pero dadahan-dahanin natin para mas masakit, di'ba?" ngumiti siya na parang demonyo.

Nagulat ako at kaagad na umalis sa lugar na iyon.

My mom and dad, just passed away. Kung baga wala na akong pamilya. Parating nasa mga magulang ni Felix si Gael. Doon ko muna iniiwan kapag alam kung wala sa kondisyon si Felix.

Binuksan ko ang fridge at kinuha ang lalagyan ng tubig. Hindi mawala sa isip ko ang narinig ko. Oh my god! They are planning to kill Tito Aldric.

Napapikit ako habang nakahawak ng baso, hindi ko man lang namalayan na nahulog ko na ang hawak kung lalagyan ng tubig at baso.

"Ma'am!" Kaagad akong napabalik sa aking ulirat ng marinig ang sigaw ng isang maid.

Lumunok ako at pinulot ang mga bubog.

"Ma'am, kami na po dyan," anila.

"Hindi, okay lang po."

Nakita ko na pababa si Felix at kasama niya ang kanyang mga bisita.

Sumenyas na muna siya na mauna sila at siya naman ay naiwan upang usisain ang nangyayari sa kusina.

Nakayuko ang mga maid habang palapit siya sa akin.

Tears Of Loving You (Madrigal Series)✓Where stories live. Discover now