Kabanata 1

4.8K 77 12
                                    

Kabanata 1

LUCAS POV 

NAGISING ako na sobrang sakit ng ulo ko. What happened last night? Napabalikwas ako ng bangon ng maalala na lasing ako kagabi. Kaagad kung inilibot ang tingin ko at maluwag na nakahinga ng makitang nasa condo ako. 

Tumayo ako at nagtungo sa kusina, napansin ko roon ang nakatakip na sopas. Napangiti lang ako ng makita ang isang maliit na papel roon.

'Enjoy your breakfast. Kung nababasa mo man ito siguro nasa office na ako pero nag-iwan ako ng sopas at may gamot na din dyan kung sakali man na masakit ang ulo mo.'

Nakalagay sa notes na naka-ipit sa gamot. 

"That girl," ani ko. Wait what, did I just smile?

Kinain ko ang sopas at ininom ang gamot na iniwan niya. Napagpasyahan ko na manood muna ng tv ng nag-ring ang phone ko.

"Kuya?" sagot ko.

"Punta raw tayo sa mansyon mamayang 12 pm, gusto tayong makausap nina mom at dad," marahan ang pagkakasabi niya.

"Bakit raw, kuya?" nagtataka ako at biglang nakaramdam ng kaba.

"Mom just call me, hindi sinabi ang dahilan pero I'm sure it's important…" saad niya.

"Susunduin ko lang si Daphne sa trabaho niya," ani ko.

"See you later then."

Si Kuya Markus mismo ang tumapos sa usapan namin. Napatingin ako sa oras, it's already 10:47 susunduin ko na si Daphne para may oras pa kami para makapag-handa.

On the way na ako sa pinagtatrabahuhan niya, hindi siya nagtatrabaho sa kumpanya namin dahil ayaw niya. Naaasar pa naman ako doon sa boss niya na wala ng ginawa ko kundi ang magpapansin sa asawa ko.

Inihinto ko ang kotse ko nang nasa harap na ako ng mataas na building ng Montecarlo Construction Company.

Dito nagtatrabaho si Daphne as secretary ng boss niya. It pissed me off dahil sa siya pa ang sekretarya ng boss niya eh sa dami ng aplikante. 

"Good morning, can I talk to Daphne Smith Madrigal, please?" tanong ko sa babae sa desk.

Tumingala siya at kinagat ang kanyang labi. Napairap na lang ako sa ginawa niya, yeah marami akong babae pero kapag hinaharap-harapan ko sa harapan nang asawa ko hindi ko kaya. Saka hindi siya ang tipo ko. 

Beside, I'm not in mood. I respect Daphne so much, kaya parati akong nagtataka kung bakit ang ilap niya minsan. I know she's hiding something pero ayoko namang makialam baka personal matters.

"Miss?" Malamig kong tanong dahil kanina pa siya nakatingin sakin ng malagkit.

"Uhm… sir-"

"Lucas? Anong ginagawa mo dito?" boses iyon mula sa aking likuran.

Humarap ako at ngumiti sa kanya.

"Hi baby, how are you?" I greeted her. Para ipamukha sa babae na nandito ako para sa asawa ko.

"Ang tanong ko ang sagutin mo," aniya.

"I'm here to pick you up. May pupuntahan tayo," sagot ko.

"What?" nagtataka niya akong tinitigan. Sinusuri kong kalokohan na naman ba ang pagpunta ko doon. 

"Hindi siya pwedeng umalis, it's still her working hours, Mr. Madrigal," sabat ng boss niya na kakarating lang.

Tinaasan ko siya ng kilay at matalim na tinitigan.

"Who cares? You can fire her if you want!" sagot ko.

Ngumisi siya. "I can't do that… your wife is irreplaceable,"

Tears Of Loving YouWhere stories live. Discover now