Kabanata 5

2.5K 52 0
                                    

Kabanata 5

LUCAS POV

"HINDI ka na nasanay kay Idris, Lucas." Natatawa na sabi ni Rhenzep.

Umirap lang ako sa sobrang asar sa kanila. Binitin pa nila ako kanina, mga bwisit.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" pikon ko na tanong sa kanila.

"Wala lang. Saka hindi ka naman busy, bakit may pinag-kaka-abalahan ka ba kanina bago kami dumating?" Mapanuri na sabi ni Ethan.

"Wala."

"Wala pero kung harapin mo kami kanina para kang nabitin sa ere, ah..." turan naman ni Jedrick.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa but damn I'm out of control. Parang may kung anong sumisilab sa akin habang naghahalikan kami kanina. Lumunok ako sa sinabi niya at nagkunwari na walang pakialam.

"Wala. Pwede bang nagpapahinga lang ako," sagot ko. Nagsalin ako ng alak sa baso. Tanghaling tapat at nag-i-inuman kami.

"Pero Lucas, bakit kasi hindi na lang siya?" tanong ni Cyrus sa akin.

"Sino?"

"Si Daphne..." sagot niya. "Mabait, maganda at higit sa lahat hindi katulad ng mga humaharot sayo na halos binigay na ang buong katawan mapansin mo lang."

Bakit nga ba hindi na lang ikaw? 

"Ayaw ko siyang umasa at 'saka–"

"Ayaw mo siyang umasa o ikaw ang natatakot dahil baka ikaw ang masaktan? Takot ka na maramdaman ang ginawa mo sa mga babae mo, di'ba?" sabat naman ni Ethan.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Ethan. Hindi kaya may punto siya, kaya ko ayaw magkaroon ng seryosong pag-ibig dahil natatakot akong maramdaman ang naramdaman ng mga babaeng niloko ko. Naging kami ni Nica, she's my first love, naramdaman ko na ang masaktan--masakit pa sa nadapa ka.

"I don't want her to leave me," mahinang sabi ko. Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko, what the–did I said that–fvcking hell!

"Woahh! Ano ulit 'yon, Lucas? You don't want her to leave you? Eh wala ka namang ginagawa para patunayan 'yan..." react ni Angelo.

"You know–" 

"Nahuhulog ka na ba?"

Marahas akong huminga at tumingin sa kanila ng seryoso.

"I want to know more about Daphne, kaya gusto ko sanang magstay pa siya dito kaso aalis na raw siya after matapos nitong contract," sabi ko sa kanila.

"Bakit hindi mo pigilan?" tanong naman ni Idris.

Hindi ko na siya sinagot at nagsalin pa ng alak sa baso ko at ininom ito ng diretso.

"I don't know how? Okay, hindi ko alam. Minahal ko naman si Nica pero when it comes to Daphne... tumba ako," sabi ko.

Humalakhak sila ng tawa sa sinabi ko. What's funny?

"Pakiulit nga, Lucas Aristone Salazar Madrigal?" Natatawa na sabi ni Cyrus.

"Ewan ko na nga sa inyo!" sabi ko. Hindi ko na sila pinansin at mas tinuon ang pansin sa iniinom ko.

"Maiba tayo, nabalitaan mo na ba ang strive combat battle?" biglang sabat ni Rhenzep.

"Strive combat battle?" takang tanong ni Ethan.

Tumango siya. "Oo, sa great arena pa din ang combat battle at isa sa mga napiling maki-duel ay ang La Costa Navis," sagot niya.

"May mga napili na ba na isasali na galing sa La Costa Navis?" tanong ni Jedrick.

"Wala pa. Hindi niyo ba alam 'to?" 

Tears Of Loving You (Madrigal Series)✓Where stories live. Discover now