SPECIAL CHAPTER:WIVES DAY OFF

236 5 0
                                    

ENJOY READING, HONEYS🦋

SIX women was happily chit-chatting inside of the VIP room of 'The Great's Bar' owned by Dwight Vucevic, husband of Aubrey. It was ten A.M and they are having a good snacks and a lemonade juice. It was still early so the whole bar wasn't crowded, only the staff were there, preparing for the later.

Napahilot si Hera sa kaniyang tiyan nang maramdaman niyang gumagalaw ang bata sa sinapupunan niya. Malapit na siyang manganak, isang buwan mula ngayon ay lalabas na rin sa wakas ang baby girl niya.

Ang katabi niyang si Tiffany ay kaagad na napansin ang pagbabago ng emosiyon niya.

"Ayos ka lang, buntis?" Tiffany asked.

Dahil sa tanong ng kaibigan niyang si Tiffany ay napatingin na rin sa wakas ang apat pa nilang kasama na naging malapit niya na ring kaibigan.

Si Eloissa ang unang nagtanong. "Anong nararamdaman mo? Masakit na ba ang tiyan mo?"

Sumunod naman si Aubrey. "Baka manganganak ka na."

Gusto sana niyang mag-salita na ayos lang naman siya kaya lang ay sumingit na naman si Ysabella.

"Oh my god! Pero hindi mo pa due date di'ba?" Ysabella.

Napangiwi na lang siya sa sunud-sunod na tanong bago sumagot. "Ayos lang ako, naramdaman ko lang na sumipas si baby." Pinilit niyang ngumiti pero nauwi lang iyon sa ngiwi dahil naramdaman na naman niyang parang may naglulumikot sa loob ng tiyan niya.

Napapikit siya. "Oh god!" Nasambit niya sa mahinang boses.

"Gurl!" Napalakas ang boses ni Tiffany. "H'wag kang bumubulong-bulong dyan! Manganganak ka na ba?" Malakas ang boses na tanong ni Tiffany. "Nakakakaba naman iyang 'oh god'!"

"What if umuwi na tayo?" Suhestiyon ni Xyña, bakas ang pag-aalala sa mukha nito, gano'n din ang iba pang kababaehang naroon.

Si Aubrey ang sumagot kay Xyña. "What if? Wag ka na lang mag 'what if?' at umuwi na nga tayo."

Kaagad siyang umiling. "We just got here atsaka medyo malikot lang talaga iyong baby ko sa tiyan pero ayos lang naman ako." Nginitian niya ang mga naroon. "Minsan lang tayo magkaroon ng bonding kaya sulitin na natin," malapad ang ngiting aniya.

Mahinang hinaplos ni Tiffany ang umbok ng tiyan niya. "Mukhang excited nang lumabas ang inaanak ko, ah," nakangiting sambit ni Tiffany.

"Ninang din kami, ah." Nagtaas pa ng kamay si Aubrey.

"H'wag mo talaga akong kalimutan, mare," saad pa ni Eloissa.

Nginitian niya ang mga ito. "Oo naman basta sa araw ng binyag pinapaalala ko na, may rule ang asawa ko."

"Ano iyon?" Tanong ni Ysabella.

Malapad siyang ngumiti. "No gift, no entry."

Napatango-tango si Ysabella. "Narinig ko na rin iyan sa asawa ko no'ng binyag ni Dave."

Si Devin 'Dave' Vucevic ay ang panganay na anak ni Ysabella at ni Dwight.

Sumegunda naman si Aubrey. "Ganun din ang asawa ko. Sa tingin ko nga ay rule na nila or should I say, policy ng mga asawa natin."

They all agreed.

They continued their snacks while still conversing hanggang sa mapadpad ulit sila sa mga kani-kaniyang asawa na topic.

"Lagi rin ba kayong pinapagod ng mga asawa niyo?" Paunang tanong ni Tiffany.

Nangunot ang noo ni Hera at gano'n din si Eloissa na hindi kaagad nakuha ang pinupunto ni Tiffany.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Where stories live. Discover now