CHAPTER 6

1K 26 0
                                    

Happy reading honeys!

Nang makasakay ang dalaga sa loob ng kotse ay literal na nanginginig siya dahil sa lamig. Nagsumiksik siya sa gilid nag babakasaling maibsan ang lamig na nararamdaman.

"You cold?" Biglang tanong ng Professor nito sa kaniya.

"Ayos l-lang -po ak-o," Nanginginig na sagot niya.

"Damn! you are shaking!" Napakasersyoso ng itsura nito na hindi niya alam kung galit ba ito o sadyang nakakatakot lang talaga ang itsura nito.

"Baba na la-ng po ako," Nauutal na pahayag niya.
Baka kasi ayaw siya nito sa loob dahil nabasa lang ang loob ng sasakyan ng professor niya dahil sa kaniya.

"And why would you do that?" Kunot-nuong tanong ng binata sa kaniya.

"Ahm...kasi p-po galit kayo dahil nabasa ko yung kotse niyo?" Nakangiwing tugon ng dalaga.

"Sinong may sabing galit ako?"
Ngayon magkasalubong na magkasalubong na ang kilay nito.

Napatahimik naman ang dalaga dahil hindi niya na makayanan ang lamig.

"Shit!"

Dinig niyang mura ng katabi.  Pagkatapos ay ini-off ang aircon ng sasakyan.  Medyo naman nawala ang lamig na nararamdaman niya kaya lang ay kahit nakapatay na ang aircon ay nanginginig parin ang katawan niya. Nagulat na lang siya ng may pumalibot sa kaniyang coat.
Napa-angat naman ang tingin niya sa professor niyang nasa unahan lang ang tingin. Hindi parin umaandar ang kotse.

"Ayos lang po ako. Baka mabasa ko pa po ang coat niyo," Pahayag niya at akmang tatanggalin ang coat kaya lang ay pinigilan siya ng binata.

"Isuot mo 'yan kung ayaw mo akong magalit." Napakaseryosong anito sa kaniya.

Napatahimik naman ang dalaga dahil tila may kakaibang init siyang naramdaman sa katawan nang saglit na mapadapo ang mainit at malalaki nitong palad sa braso niya.
Parang gusto niyang yakapin ang professor kahit na natatakot siya dito. Gusto niyang malaman kung ano sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig nitong tila pag hinawakan ka ay hindi ka na makakawala. Gusto niyang maramdaman kung ano sa pakiramdam ang mayakap ang malapad nitong dibdib na parang napakantigas.

"Ituro mo na lang sa akin ang daan pauwi sa inyo,"

Napabalik siya sa realidad nang marinig ang boses ng professor niya.  Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil sa kung anu-anong naiisip niya. Buti na lang at hindi alam ng professor nila ang mga nasa-isip niya.

"Sige po," Maikiling tugon niya. 

Naging tahimik lang ang byahe nila. Nagsasalita lang siya tuwing itinuturo ang tamang daan pauwi sa bahay nila. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating rin sila. Ang ulan ay malakas parin.

"Salamat po ng marami Sir Clinton," Buong pusong pasasalamat niya. Kahit nakakatakot ang aura ng professor ay mabait naman pala ito.

Pangalawang beses na siya nitong tinulungan.
No'ng una'y pinahiram din siya nito ng jacket. At ngayon naman ay hinatid siya sa bahay nila at pinahiram ng coat.

"Nga pala, ibabalik ko na lang po bukas yung jacket na pinahiram niyo sa akin at itong coat niyo pag natuyo na,"

Sabi niya bago siya lumabas. Kaya lang ay pinigilan siya ng binata.
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito.

Hindi sumagot ang binata bagkus ay tinanggal nito ang pagkakasampay ng coat sa balikat niya at inilagay yun sa ulo niya.

"Wala akong payong. Hope this will do," Tipid na paliwanag nito.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Where stories live. Discover now