CHAPTER 20

746 23 0
                                    

ENJOY READING

NAKATULALA LANG Si Clinton habang naka-upo sa sala kasama ang mga kaibigan niyang nag-iinom.
Kahit anong pag-iisip niya ay hindi niya maisip kung bakit siya iniwan ni Hera sa penthouse niya at hindi man lang niya ito matawagan. Kahapon pa siya naiinis pero wala siyang magawa dahil pinuntahan na niya ang bahay kung saan nakatira si Hera pero sarado ang bahay nito nang pumunta siya dito kahapon.
Masaya sana siyang gigising dahil katabi niyang natulog si Hera pero hindi naman niya naisip na sa paggising niya ay hindi niya ito maabutan. Nagtatagis ang bagang niya habang nakakuyom ang kamao.

Bakit? Iyan lamang ang tanong niya.

"Easy,dude. Anong problema mo?" Tanong sa kaniya ni Deandree

Wala siyang maisagot sa kaibigan dahil ayaw naman talaga niyang sagutin.

"Wala ka ba'ng i-tsi-tsismis sa amin?" Pangungulit pa sa kaniya ni Ferrelle

"Inom na lang tayo at magpaka-lasing. Walang sasabihin sa atin ang tang'nang iyan" Ani Dwight

Ang mga kaibigan niya ay sumang-ayon sa sinabi ni Dwight.

"Eh, bakit pa tayo pumunta sa dito? Wala naman pala tayong malalaman na balita" Reklamo naman ni Delon.

"Napaka-tsismoso mo talaga" Ani Darius

Naiirita na siya sa pag-iingay ng mga kaibigan pero wala naman siyang magawa dahil kanina pa niya ang mga ito pinapaalis kaya lang ay wala namang nakikinig sa kaniya.

"Hey!Dude, mukha kang basahan alam mo ba?" Natatawang puna sa kaniya ni Deandree.
Sa totoo lang ay mula kahapon ay hindi pa siya naliligo. Nangangamoy alak narin ang katawan
niya pero wala siyang ibang gustong gawin kundi ang mag-inom.

"Ang baho niya rin" Segunda naman ni Frank.

"Bakit hindi tayo pumunta sa bar para mas masaya?" Aya sa kanila ni Dwight.

Alam na alam ni Clinton kung anong saya ang tinutukoy nito pero ayaw niya ng gawin iyon. Ayaw na niyang gawin ang mga bagay na gawain niya dati dahil may girlfriend na siya kahit pa iniwan siya nito ng walang paalam. Ni isang text ay hindi man lang sinabi ng magaling niyang girlfriend kung nasaan man ito ngayon. Hindi rin matawagan ang phone nito dahil nakapatay.

"Hindi na ako pwede" Tanging iyon ang binanggit niya pero ang mga kaibigan niya ay mabilis siyang pinaulanan ng mga tanong.

"At bakit?" Nakapamewang na tanong ni Dwight

"What do you mean by' Hindi ka na pwede'?" Dagdag na tanong ni Deandree

"May magagalit na ba?" Si Delon habang mapanuring nakatingin sa kaniya.

"Holy shit! May girlfriend ka na" Gulat na gulat na ani Darius.

"Wee?" Maya-maya ay sabay-sabay na ani ng mga kaibigan niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Yes. Kaya magsilayas na kayo" Pagtataboy niya sa mga ito.

"Buti may pumatol sayo" Tila nawawala sa sariling ani Deandree. Nalukot naman ang mukha niya dahil sa sinabi ng kaibigan.

"May girlfriend ka? E, mukha kang namatayan e" Si Dwight.

Napabuntong hininga na lang siya dahil nagsisimula na namang mag-ingay ang mga kaibigan niya.
Wala naman siyang gagawin kaya mas mabuting bisitahin niya ulit ang bahay nila Hera. Baka sakaling nandoon na ito.

Mabilis siyang nagpalit ng t-shirt at halos takbuhin niya ang elevator makababa lang mula sa penthouse niya.

"Hoy! Saan ka pupuntang, Animal ka?" Sigaw ni Deandree. Hindi na siyang nag-abala pa'ng lingunin ang mga ito kahit pa panay ang tawag nila sa pangalan niya.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon