CHAPTER 29

637 16 2
                                    

Enjoy Reading, Honeys.

Magdamag niyang binantayan ang dalaga, hinihintay na magising ito. Nang dumating ang papa nito ay tinapik nito ang balikat niya.

"Magdamag ka ng nagbantay, bumili ka kaya muna ng almusal mo at para kapag nagising si Hera ay sabay na kayong kumain." Anito sa kaniya.

Tumango siya rito at hinalikan ang nuo ni Hera bago naglakad palabas.
It's still early morning but his friends are in the waiting area.

"Kumusta?" Tanong ni Dwight.

"Hindi parin nagigising e" Walang buhay niya sagot.

"Ano ka ba. Magigising din iyon ngayon." Pagpapagaan ng mga kaibigan ng loob niya.

Kapagkuwan ay huminga siya ng malalim bago hinaral ang abogado niyang kaibigan na si Deandree. "Kumusta ang kaso?"

Matagumpay na ngiti ang isinukli sa kaniya ni Deandree. "Ofcourse nanalo tayo. Sapat na ang mga ebidensiyang ipinakita natin para makasuhan sila ng patong-patong na kaso. Physical injury, Sexual Harrassment, Child abuse. And oh! Marami rin pala silang kasalanan sa batas, from selling illegal drugs and some illegal deeds from underground society they are part of."

"Balita ko ay may mayayaman at mga halang ang bitukang nagtatrabaho sa gobyerno ang tumutulong sa organization na iyan." Ani Delon.

Si Darius ang sumagot."Yeah. Medyo nakaka-stress na nga. Kailangan namin ng matibay na ebidensiya at mas malakas na puwersa para matigil na ang Blaxk Organization."

"Goodluck buddy." Natatawang ani Dwight.

"Sige, lalabas lang ako para bumili ng almusal." Paalam niya sa mga kaibigan.

"Nah, may dala kami." Dahil sa sinabi ni Frank ay napatingin siya sa mga paper bag na may kilalang tatak na mga restuarant.

"Salamat." Pasasalamat niya sa mga kaibigan.

"Hindi naman ikaw ang pakakainin namin niyan e" Naka-ngising ani Dwight.

Agad na nalukot ang itsura niya.

Natigilan silang lahat nang narinig nilang sumisigaw si Hera sa loob.
Sabay-sabay silang pumasok sa loob dahilan para hindi sila magkasiya at masira ang pinto. Pero wala silang pakealam doon.

"MOMMYY HEELLP MEE!" sigaw ulit ni Hera habang nakapikit at lumuluha.

"NO DON'T TOUCHE ME.. DON'T TOUCH ME!" Sigaw nito ulit sa naghehesterikal na boses.

"Shhh. Its me.. it's me.. my princess. It's me. Your papa." Pagpapatahan ng ama kay Hera.

Siya naman ay mabilis itong nilapitan at akmang yayakapin nang magsumiksik ito sa gilid.

"No! Please.. no.no.no.no. please" Umiiyak na umiling ito.

"Hera" Malumanay niyang tawag sa pangalan nito, but it seems like she didn't hear him. She keeps uttering same words. She keeps on pleading.

Nang hawakan nito ang braso niya ay naramdaman niya ang panginginig nito kaya mabilis niya rin itong nabitawan.

"Hera" Nasasaktang tawag niya sa dalaga. Nasasaktan siya para dito. Why she have to suffer like this. She suffered enough, and now she is back in truama again.

"Anak" Naluluha ring tawag ng ama niya rito.

"Papa, he-l-p m-e.. h-help.. h-help me" Nagmamaka-awa ang boses nito.

Napaiyak ang ama nito at niyakap ng mahigpit si Hera. Akala niya ay itutulak nito ang ama kaya laking gulat niya nang yakapin nito ang ama ng mahigpit na parang takot itong pakawalan ang ama.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Where stories live. Discover now