CHAPTER 31

931 24 7
                                    

Enjoy reading, Honeys.

Ilang buwan matapos niyang manganak ay bumalik siya sa pag-aaral. Medyo nahirapan pa siya dahil hindi niya na kaklase ang mga kaibigan niya dahil nahuli siya ng isang taon. Pero ayos lang naman iyon, ang mahalaga hindi siya tumigil kahit pa napaka-hirap ang maging-ina habang nag-aaral ka. Bumalik ulit siya sa first year college dahil hindi naman niya natapos iyon.

"Hera, hindi pwedeng hindi ka na naman sasama sa amin dahil group project 'to." Tukoy ng kaklase niya sa group project na ibinigay sa kanila ng propesor nila.

Magmula nang mag-aral siya ulit ay hindi siya sumasama-sama sa kahit na anong gala ng mga naging kaibigan niya. Minsan ay kapag may group project pa ay ginagawa niya na ang naka-assigned sa kaniya para maka-uwi siya ng maaga. Nagb-breast feed din kasi siya. Minsan ay nanakit ang breast niya dahil tuwing gabi lang naman niya nab-breast feed ang anak.
Kaso mukhang nakakahiya naman ngayon kung hindi na naman siya sasama sa mga ka-group mates niya.

"Sige, saan ba gagawin?" Tanong niya sa kaklase niyang bakla na si Joey.

Tuwang-tuwa naman ito dahil sa narinig. "Grabe, sa wakas napapayag kitang sumama sa amin. Siguro naman hindi magagalit ang asawa mo kung medyo matatagalan tayo."

Kahit nag-aalangan ay umiling parin siya.

"Bakit naman tayo matatagalan?" Hindi niya ipinahalata na ayaw niya ng sumama sa kanila.

"Ano ka ba! Hindi porque nanay ka na ay hindi ka na pwedeng gumala." Anito sa kaniya.
Ang bawat nakarinig naman na ibang kaklase niya ay sumang-ayon din.

"Parang Pamper day mo na rin 'to noh!" Dagdag pa nito.

Napa-ngiti siya sa sinabi nito. Oo nga naman, magmula no'ng manganak siya ay hands-on siya sa pagiging asawa at ina. Siguro naman kahit minsan ay magsaya siya na hindi ang asawa at anak niya ang kasama.
Lagi naman silang lumalabas at masaya siya dahil don pero siguro subukan niya ring lumabas kasama naman ang ibang taong naging kaibigan niya na.

Matapos ang klase nila ay sumabay siya sa mga ka-group mates niya papunta sa bahay ni Joey kung saan gagawin ang project. Actually madali lang naman talagang gawin iyon pero gusto lang talagang mag-bonding ng mga kaklase niya, might as well enjoyed it.

Nang makarating sa condo ni Joey ay umupo siya sa pang-isahang sofa. Nasa siyam silang magkaka-grupo. Apat na babae;kasama siya, at limang lalaki.

Inilabas niya ang lahat ng mga materials para maumpisahan na ang project nila. Kaya lang ay napatigil siya nang mapansing hindi naman kumikilos ang mga ka-grupo niya.

"Bakit?" Dahan-dahan niyang ipinalibot ang tingin sa kanila.

"Masyado pang maaga." Reklamo ng ka-grupo niyang si Warren.

"Oo nga, kain muna tayo." Aya naman ni Joey.

Huminga siya ng malalim bago ngumiti sa mga ka-grupo. "Okay."

Pero ramdam niya ng sumasakit ang breast niya. Sana naman hindi mabasa ang uniform niya dahil nararamdaman na niyang tumutulo ang gatas niya.
Kahit hindi siya komportable at may iniindang sakit ay naki-sabay parin siya sa mga ka-grupo.

Mabilis siyang tumanggi nang alukan siya ng alak ni Warren. Akala niya ay simpleng bonding lang, hindi naman niya alam na mag-iinuman pala ang mga ka-grupo niya. Nag-sisimula na siyang mainis kaya naman kinuha niya ang lahat ng gagamitin para sa group project at sinimulang mag-isa.

"Masyado ka namang nagmamadali, Hera." Ani ni Warren na hula niya ay lasing na.

"Kailangan ko ng umuwi, e" Kahit naiinis siya dahil sa ilang oras na nasayang nila ay ngumiti parin siya.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang