CHAPTER 19

684 20 1
                                    

Warning: This chapter contains sensitive topic!

ENJOY READING

NAGISING SIYAng mag-isa na lang sa kama. Now she felt empty and lonely. Hindi siya pwedeng maging mahina at mas lalong hindi na dapat siya nagpapa-apekto sa nakaraan niya. Pero paano?
Hindi ganun kadali ang makalimot.... well nakalimutan na pala niya kaya lang ay naalala parin ulit niya. See! Ang hirap mag move on.

Habang ipinapalibot ni Hera ang tingin sa buong silid Nahagip ng mga mata niya ang isang tray'ng may lamang pagkain, sa tabi nito ay may puting papel.
Walang buhay siyang tumayo at dinampot ang papel.

        Hey,Princess i hope you'll have a good morning.
I left early to give you space and time. I want you to be okay and be free from our.. to your past. I want you to smile again.

It's hard for me to leave you alone but i know that's what you need. Besides I'm the reason why you've been through a lot, so who am i to demand right?
Just always be careful and when you went home i want you to wear your smile again.

I'm so sorry. But don't forget that I love you and I will always be by your side whenever you need me.
                                            
                                                                  -Daddy

Kailan ba uli siya ngingiti? Mali... dapat ang tanong ay ngingiti pa ba ulit siya?

Nahiga ulit siya sa kama dahil wala siyang ganang kumain. Habang nakatitig sa salamin ay mabilis na bumalik na naman sa kaniya ang nakaraan niya.

Nasa kusina siya at maganang kumakain ng almusal.
Sabi kasi ng daddy niya dapat marami daw siyang kaining mga masusustansiyang pagkain.
Hindi niya mapigilang hindi mapasimangot dahil namimiss na niya ang ama. Lagi kasi itong busy at minsan lang silang magkasama.

Napasubsob ang mukha niya sa sahig na tiles nang itulak siya ng ina. Kahit na palagi siyang sinasaktan ng ina ay hindi parin siya sanay. Nakakaramdam parin siya ng matinding kirot sa kaniyang dibdib ,mas masakit nga ang puso niya kesa sa mga pambubugbog ng ina.

"Umakyat ka na sa kwarto mo at huwag na huwag ka'ng lalabas!" Pasigaw na utos ng ina at nakaturo sa pintuan habang matatalim na nakatitig sa kaniya; lagi naman.

"Tatapusin ko lang po ito-- "

Mabilis na dumapo sa pisnge niya ang malutong na sampal galing sa ina.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na ayaw kong makita ang pagmumukha mo? AKYAT!"

Nagkukumahog na tumakbo si Hera palabas sa kusina at mabilis na umakyat sa kaniyang kwarto.
Masaganang umagos ang kaniyang mga luha habang nakadapa sa kaniyang kama.

"Daddy, uwi ka na kasi" munting hiling niya dahil kapag nandyan ang ama niya,hindi siya sinasaktan ng ina pero hindi rin naman siya pinakikitunguhan ng mabuti ng ina. Pero sapat na iyon batsa ba't hindi siya nabubugbog pag nasa bahay ang ama.

Kailan kaya siya ngingitian ng ina? kailan kaya ang araw na yayakapin siya njto? May nagawa ba siyang mali sa nanay niya? Lagi naman siyang humihingi ng tawad kahit wala naman siyang kasalanan.

Hindi na namalayan ni Hera na umiiyak na pala siya. At dahil don ay nakatulog siya kahit maaga pa.
Nang magising siya ay tanghali na,mabilis siyang naligo at nagdamit dahil nagugutom na siya. Siguro kukuha na lang siya ng pagkain tapos aakyat siya ulit sa kwarto niya para hindi siya pagalitan ng mommy niya.

Nasa hagdan pa siya ay may kakaibang ingay na siyang naririnig mula sa sala. Dahan-dahan siyang bumaba at natulos siya mula sa kinatatayuan nang masaksihan ang ginagawa ng ina at ang lalaking nagngangalang Archie. Naka-hubad ang dalawa habang nakapatong ang kaniyang ina sa kandungan ng lalaki.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon