SPECIAL CHAPTER:LITTLE DEVIL

235 5 0
                                    

ENJOY READING, HONEYS🦋

SA LOOB ng conference room, habang may nagaganap na meeting kasama ang mga board of directors ay nakaupo sa kabisera si Clinton Niccolas Donovan, nasa kandungan niya ang kaniyang anak na si Hiro na panay ang paglulumikot. Halos hindi niya maintindihan ang nag-re-report sa unahan panay kasi ang saway niya sa anak na tanong nang tanong sa mga katabi nilang board. Hindi niya naman ito maiwan sa office niya dahil nang huling iwan niya ang anak doon mag-isa ay pagbalik niya, may arts na sa pader ng office niya. Nagkalat din ang mga documents na kailangan niyang i-review at mga contract na kailangan niyang permahan na nauna nang permahan ng anak niya, sobrang laking perma pa nga.

"Daddy?" Tawag na naman ng anak niya sa kaniya dahilan para mapatigil na naman sa pagsasalita ang reporter.

Ikinumpas niya ang kamay. "Continue."

Tumango naman ang reporter at ipinagpatuloy ang report. The reporter is the head in finance department.

Pabulong siyang sumagot sa anak. "What again?"

Tiningala siya ng anak. Ang bilugan nitong mga mata ay may kislap na namang katanungan. His son's eyes always reminds him of his wife's eyes, they were always held in curiosity.

"Can I invest in your company too so that I could gain money?" His son asked with his eyes wide open and full of excitement.

Pabiro niyang piningot ang ilong ng anak. The later pouted. "You're still a kid. When you are old enough we will talk about business and stuff."

Ipinkita na naman ng anak ang apat na daliri. "I'm four daddy! See this!"

Tinakpan niya ang bibig ng anak nang magsimula na naman itong mag-taas ng boses. He smiled apologetically to the people inside the conference room.

"Shhh! H'wag kang maingay, anak, baka palabasin nila tayo rito," banta pa niya sa anak sa mababang boses.

Ayaw sana niyang tanggalin ang palad niyang nakatakip sa bibig ni Hiro pero pigil niya ang mapahiyaw nang kagatin ng anak ang kamay niya. Nalukot ang mukha niya sa sakit.

Umalis ang anak niya sa kandungan niya at naupo sa oblong-shaped na mesa sa harap niya. Ang paa nitong wala na namang sapin ay nakapatong sa mga hita niya. At dahil nasa harapan niya ang anak ay hindi na niya makita ang projector at ang reporter sa harap, natabunan iyon ng kaniyang anak na malusog. Napa buntonghininga siya at akmang sisilip sa harap ngunit hinawakan ng anak ang pisngi niya at pinaharap dito.

"Daddy, we're talking," his son stated in an ordering-like-tone.

Kinunutan niya ito ng noo.

Pinahaba nito ang nguso sabay takip sa bibig ng malusog nitong kamay. "Opps, I didn't mean it." Mababakas ang tinatagong tawa sa boses ng kaniyang anak.

Napahawak na lang siya sa ilong.

"Pero daddy this is your own company, hindi ka nila mapapaalis," pakikipag-argumento ng anak.

"But we are disrespecting the meeting, they have rights to complain—"

"We dare not to complain, Boss," biglang saad nang board na katabi lang nila.

Nakipag high-five naman ang anak niya sa dito. Pagkatapos ay malawak ang ngising humarap sa kaniya. He got almost goosebumps when he saw his son's smirking, para siyang nanalamin.

Wala na siyang sinabi pa. Nakinig na lang siya sa report kahit hindi niya nakikita ang presentation. Nagulat siya nang bigla na lang tumayo ang anak niya sa mesa at nagsimulang maglakad papunta sa harap.

"Hiro!" Malakas ang boses na tawag niya sa anak kasabay nang pagtayo niya.

Napatampal siya sa noo nang makita ang anak niyang linapitan ang supervisor ng kanilang kompaniya. Naupo sa mesa, katapat nang may katandaan ng lalaki.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Where stories live. Discover now