CHAPTER 18

743 24 0
                                    

Happy reading, Honeys

4:Am in the morning ,Hera hurriedly put her dress back. Wala siyang ibang maramdam kundi takot.
She need to see her father! She need to tell her father that she remember everything about her past.......

about her dark past.

Nang matapos mag-ayos ay mabilis siyang lumabas sa kwartong kinaroonan niya. Hindi niya rin alam bakit siya nandoon. Nanakit ang buong katawan niya ,lalong-lalo na ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Pero wala siyang pakealam doon. Kailangan niyang makita ang ama.

Patuloy paring namamalisbis ang mga luha sa mga mata niya at nanginginig parin ang katawan niya habang nasa loob siya ng taxi. Wala na siyang naririnig pa'ng iba kundi ang mga pagmamaka-awa niya. Ang dalawang kamay niya ay inilagay niya sa magkabilang tenga. Nagbabakasakaling wala na siyang marinig.

Please stop......pleassee

Ipinikit niya ang mga mata ng mariin dahil para siyang naka-harap sa malaking screen kung saan napapanood niya kung paano siya pinahirapan ng ina. Lahat ng ginawa nila sa kaniya.

Nang huminto ang taxi'ng kinalululanan ,mabilis niyang iniabot ang isang libo at hindi na siya naghintay pa ng sukli. Tumakbo siya papasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ng ama.

Naabutan niya ang ama'ng tila malalim ang iniisip habang naka-tingin sa bintana. Mabilis siyang yumakap dito at humagulgol ng iyak.

"Pa-pa.... pa-pa... andito ka. Hin-ndi ni-yo na ako ii-wan ka-y mo-mmy diba?"

Niyakap niya ng mahigpit ang ama sa takot na iwan siya nito.

"Baby, what happened. Answer me"

Nakaluhod siya habang yakap ang bewang ng ama at hindi niya magawang tumingala sa ama. Baka iwan siya nito. Ayaw niya!

"Please... talk to me"

Nanginginig na ang boses na kaniyang ama.

Humahagulgol na nagsalita siya." I-i-i-... remeber.."

Hindi niya matapos ang sasabihin dahil halos hindi na siya makahinga dahil sa pag-iyak.
Naramdaman niya na lang ang pagluhod din ng ama upang magpantay sila kasabay n'un ay ang pagyakap sa kaniya nito ng mahigpit.

"Daddy's here.. hinding-hindi na kita iiwan"

Napapikit siya dahil sa sinabi ng ama. Sana narinig niya dati iyon sa ama. Sana isinama na lang siya ng ama palagi. Sana hindi siya nito iniwan sa ina.

"Pr-omise- me ,dad"

Ayaw niyang maniwala. Natatakot siya baka mamaya nandyan ang mommy niya at papaluin na naman siya. Baka mamaya andyan na naman ang lalaki ng mommy niya at...at...at...

"I'll take you somewhere ,where you can refresh your mind. You need space and time. Time to heal your wounded heart."

Halos isang oras din silang magkayap ng ama pero  wala parin siya sa sarili. Her mind went plain black. Her heart went cold. Wala siyang maramdaman.
Hindi niya rin namalayan ang pag-alis at pagbalik ng ama. Ang alam niya lang ay sumusunod siya sa kahit saan pupunta ang ama niya.
Hanggang nasa eroplano sila ay walang lumabas na salita sa bibig niya. Gusto niyang magpahinga. Ngayon niya lang naramdaman ang lahat ng pagod at sakit.

Napapaigik siya sa tuwing naalala niya ang ginagawa sa kaniya ng ina. Hanggang ngayon ay damang-dama parin niya ang sakit. Wala ng luhang umaagos mula sa mata niya, marahil ay ubos na ito o di kaya'y napagod narin sa kakabuhos.

Unti-unting tumaas ang eroplnong kinalulunan. Wala siyang maramdamang kaginhawaan kahit pa napakapayapa ng kalangitan. Kahit anong pilit niyang kalmahin ang nanginginig na katawan ay hindi niya mapigilan ang panginginig n'un.
Nagsisimula na namang pumasok sa isip niya ang mga masasakit niyang nakaraan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng ama at doon tila siya kumuha ng lakas. Ayaw na niya! Gusto na niyang kalimutan iyon ulit!

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Where stories live. Discover now