“Saan ka galing, ha? Kanina pa kita hinihintay rito!” anito pagkalapit ko roon. Kilig na kilig naman ang mga tsismosa naming schoolmate sa paligid. Kung umasta naman kasi ito’y kung hindi parang boyfriend ay parang daddy ko.

“Bakit ang OA mong magtanong?” irap ko sa binata.

“Sabi mo kasi’y titikman natin iyong bagong milk-tea-han do’n sa labas.”

“Napatambay kasi ako kina Ate Jen.” Sabay tingin sa relong pambisig. “May oras pa naman, tara na!” yaya ko kahit busog na busog na ako sa kinain ko. Promise is a promise kasi ang isa sa mga rules namin.

“Ayoko na, ang haba na ng pila. Hmmp!” simangot nito.

“E bakit mo pala ako hinintay kung ayaw mo nang pumunta?”

“Malay ko ba na mamaya ka pa?”

“May oras pa nga kaya tayo na!”

“Mahaba na nga ang pila!”

“Ang arte mo! May mens ka ba ngayon?” malakas kong tanong na ikinatawa ng mga tao sa paligid. Pulang-pula naman ang mukha ni Dale.

“P-pauline...ikaw lang talaga ang sumisira ng reputasyon ko rito!” ang paiyak nitong saad na ikinahagikgik ko.

Hinila ko siya sa kamay at hindi na ito nakapagreklamo pa nang kaladkarin ko siya palabas ng school.

THREE days pa lang nag-o-open ang milk tea-han na iyon kaya gusto naming tikman. Pero tama nga si Dale. Pagsapit namin doon ay pila na ang mga estudyenteng bumibili. Puno na kasi ang customer sa loob kaya nagkasya na lang kami sa pagsingit sa mga tao.

“Kasalanan mo kapag nangitim ako!” paninisi ko sa kaibigan habang ipinapaypay ang panyo sa leeg.

“Ako pa ang may kasalanan? Kung ‘di mo inuna ang tsismis ay kanina pa sana tayo nakabili niyan!”

“Umbrella please!”

“Wala akong dala!”

Nainis ako sa binata. Ang init naman kasi talaga sa pwesto namin.

Nang igala ko ang tingin sa pila ay natuwa ako nang makita sa mga iyon sina Xian at Allyson. Tamang-tama nasa unahan sila.

Si Xian ay nakababatang kapatid ni Xyren at si Allyson naman ay anak ni Kuya Harry. Mga high school graduating student sila sa pinanggalingan namin. Konti lang ang tanda ko sa mga ito pero hindi ko sila masyadong ka-close lalo na si Allyson.

“Xian, may favorite pamangkin!” bati ko sa binata nang lapitan ko siya hila si Dale sa isang kamay.

“A-auntie?”

Napasimangot ako sa itinawag nito sa akin. Pero agad ding ngumiti nang maalala ang pakay.

“Hi, Elle!” kaway ko pa kay Allyson. Tulad ng dati ay pokerface lang ito. Si Allyson ang pinakatahimik at misteryosa sa aming pamilya at tanging si Xian lamang ang kinakausap.

“Nakapila rin kayo?” tanong ni Xian. Kabaligtaran ng ugali ni Xyren dahil suplado ito at may sariling mundo kaya nga sila magkasundo ni Elle. Younger version ito ng daddy ko kung kilay ang at talim ng mata ang pag-uusapan.

“Nasa dulo pa kasi kami,” medyo hininaan ko ang boses. “Baka pwedeng pasa-buy?”

“Ha? Nakakahiya ang haba ng pila—”

“Shhhhh...” Tinakpan ko ang bibig ni Dale nang mag-react ito. Sabay ngiti sa mga taong nakapila. Dahil maganda ako ay ngumiti rin ang mga ito sa akin.

“Ito ang pera namin. Ibili n’yo na rin kami. Hihintayin na lang namin kayo sa may kanto, okay?”

“P-pero—”

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now