32: Unresolved Issues

Magsimula sa umpisa
                                    

"Baby, she's working, and she's sorry about what you heard" sabi ni Dave. At pinagtatanggol pa niya yung secretary niya.

"Ewan ko sayo Dave, kasalanan mo kapag dinugo talaga ako" sabi ko

"Baby naman---"

"I'm not kidding" banta ko.

"Fine she's out of here, promise" he raised his hands. "Ikaw at ang baby ang masusunod, just relax at magpahinga ka lang dito sa bahay" I felt him kiss my hair. Umiiyak parin ako "Shhh... baby tama na, gusto mo ng water?" I nodded. He reached sa may baba ng bed. At inabot sakin yung opened bottled water. Naramdaman ko narin ang panyo niyang pinapangpunas ng tears ko.

"Baby ka jan? Break na tayo" sabi ko at kinuha yung panyo.

"Wala ba akong special pardon dahil ako naman ang daddy ni Deedee?" kung kutusan ko kaya siya?

"Wala" sabi ko. mainit parin ang ulo ko sa kanya dahil hindi ko parin narinig na she's fired.

"Bakit mo ako pinahanap noon?" I asked him.

"Kasi I wanted to know kung kamusta ka na" sabi niya.

"Right, and you were wondering kung willing akong maging unpaid yaya kay Avie?" I asked him again.

"Well hindi pa, pero noong nasa hospital tayo ayun yung ideyang pumasok sa isip ko noon dahil madali mong napapa sunod si Avie." sabi niya. Pinaayos niya ako ng higa. "Any more questions?"

"How did I become pregnant kung sabi mo walang nagyari noong gabi na yon?" Eto na, gusto ko na tong marinig.

"Uhm.. I wasn't exactly honest, I did--- uhm... entered the premises.. and hindi ko sinabi sayo dahil umiiyak ka noon with the idea na baka buntis ka kaya sabi ko wala" depensa ni Dave.

"So you knew?! And you didn't tell me?!" Namuo nanaman ang galit sa loob ko. Ano bang akala niya? Hindi ko malalaman yung symptoms?!

"Baby, i mean, Dianne wag ka nang magalit, it's bad for Deedee" palusot ni Dave. "Six weeks lang si Deedee, baka mapahamak siya. Hindi na ako gagawa ng kahit anong ikaka-stress mo. Just relax please?" May point siya kaya I calmed myself. Walang kasalanan si Deedee kaya hindi siya dapat madamay.

Pakiramdam ko napagod na ako kakaiyak kaya tumigil na ako. Kinuha ko yung remote at binuhay yung tv.

"May gusto ka pa ba?" he asked.

"Wala na" sabi ko. I just want him to leave. Nasasaktan lang ako lalo kapag nakikita ko siya.

Umiwas ako when he tried to kiss me kaya he just kissed Deedee saka lumabas ng room.

Nakakaumay manood ng tv. Ayun nalang ang ginagawa ko maghapon. Nakakabagot, miss ko na ang hospital. Haay, gusto kong lumabas!!! Grrrr... I only went out of the room to have dinner with Avie, gabi na kasi dadating si Dave. Nakatulog ako, naramdaman ko pang dumating si Dave nung gabi, at ramdam ko rin na yakap niya ako habang natutulog. Kinabukasan maaga akong nagising, "Dave gising na, male-late ka" tinulak ko si Dave hanggang sa mahulog siya sa kama. 

"Aray naman baby, good morning!" He stood up. Naiirita ako sa kanya, ayaw ko siyang makita kaya dapat lumayas na siya.

"Lumayas ka na" sabi ko at tumalikod sa kanya. I heard him come into the bathroom kahit nga nung lumabas na siya hindi parin ako gumalaw. I felt him kiss my hair bago siya umalis. Waley na waley ang buhay ko kung under house arrest ako ng 8 more months.

Ako naman ang boss dito hindi ba? Bakit ako ang kinukulong? I went into the bathroom then nagbihis ako after bathing.

Hindi naman ako pinigilan ng mga guard nung pinakuha ko yung car ko.  

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon