Chapter 15

2 0 0
                                    

"IWAN mo na kami Ares." Utos ng Punong Bantay. Naiwan sila sa loob. Naiiyak siya. Gusto niyang yakapin ito sa sobrang pananabik.
"Bago ka nga pala. Kapag nandito ako sa loob hindi na ako nagmamamask. Ako lang ito at hindi kayo kasama doon. Kinapos lang ako ng bouncer kaya ikaw ang pinadala sa akin. Magaling ka kahit bago ka palang kaya ikaw ang pinili namin ni Ares. Pero mananatili kang Private army at ganyan ang suot mo. Trabaho mo na bantayan at ingatan ang bagong Hombre ngayon. Utos ni Don Anastacio."
Kuya ....
Hindi niya alam kung paano magpapakilala. Mukhang iba na ito kaysa sa una niya itong nakilala. Kinatatakutan ito. Parang si Hepe. At may kapangyarihan.
"Palaban ang babantayan mo. Ayaw ko na makakaya ka niya gaya ng mga bouncer dito. Ayaw kong mabalitaan na pati ikaw ay kayan kayanan ka!"
"Opo."
Kumunot ang noo ni Kaide.
"Bakit basag ang boses mo? Umiyak ka ba?"
"Hindi po. Nagpapawis lang ang mata ko. Medyo puyat lang po."
"Sige na. Tara samahan kita. Ikaw muna ang ihatid ko sa Primera Kwarto bago ang babantayan mo."
Lumabas na sila ng kuwarto. Ang amoy nito. Ang boses at ang yabag nito. Ito nga ang Kuya Dino niya.
Kung magpapakilala siya ay makokompromiso ang kanyang cover. Nakakalungkot na dito pa niya nakita ang kuya niya. Lalo tuloy siyang na curious sa nangyayari sa lugar na ito at kung paano ang kuya niya ang naging head ng security.

NAHATID na ni Kaide sa harap ng pinto ng kuwarto.
"Hintayin mo ang Bagong Hombre. Bernard ang pangalan niya. Gaya ng sabi ko palaban siya. Gusto ko na hindi siya umubra sa iyo. Gawin mo ang nararapat kapag hindi tumino sa iyo. Huwag mo lang papatayin. Sa loob ng Mansion hangga't walang utos ng nasa itaas walang papatayin. Claro?"
"Opo!" Sagot niya.
Iniwan niya ito at sinundan niya ito ng tingin.
Kuya.....
"Hoy ikaw."
Sa katapat na kuwarto ay may lumabas na lalake. Boxer lang ang suot at may dalang bottled fresh juice.
"Bakit nandito ka? Army ka hindi ba?"
Tanong nito sa kanya.
"Ako ang bantay ng bagong gagamitin ng kuwartong ito."
"Ano? May Gagamitin na ng Primera Cuarto. Hmmm ako lang sa Hombre ang may ganoong pribilehiyo. Bago ka at di mo ako kilala. Ako si Clint. Ang Primero Hombre ngayon. At ngayon may magkukuwarto na rin diyan."
"Gaano ba kaimportante ang kuwarto ito?" Tanong niya na may halong pag iimbestiga.
"Di mo alam. Pwes papaalam ko. Kami ang bumubuhay sa Casang Ito. Tawag sa amin, Hombre. Nagbebenta kami ng aliw dito sa mga hayok sa laman. Hindi lang kami pambansa, international. Global na kami. Ako si Clint at ako ang number hombre dito at milyon na ang naakyat ko sa Casang ito."
Isa itong Male Prostitution Den. Paanong nagkaroon ng ganito sa isang pribadong isla?
"Bago ako maging Primero nauna ang dating may ari ng kuwarto na iyan. Kaso patay na. Nagtangkang tumakas. Kaya ingatan mo ang bantay mo diyan. At balita na nagmumulto pa sa kuwarto na iyan."
May namatay nang lalake dito dahil tumakas. Kailangan ko pa mag-usisa. At ano ang kinalaman nila kuya sa operasyon dito.
"Eh sino Pala ang babantayan mo. Si Jonas ba? Naging primero na rin siya gaya ng pangarap niya."
"Hindi Jonas ang sinabing pangalan. Bernard." Sagot niya.
Kita niya ang pagbusangot ng makisig nitong mukha.
"Bernard. Iyong mayabang na bago. Iyong conyo?"
Natigilan sila nang makarinig sila ng ingay na paparating.
"Ano ba kayo? Bakit kinakaladkad niyo ako? Sasama naman ako sa inyo!"
Agad na pumasok si Clint sa kuwarto nito. Sinalubong niya ang mga ito at nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang kinakaladkad ng mga bouncer kasama ng kuya niya.
Bernard? Bernard de dios?

30 Minutes before

BERNARD'S POV

GISING na si Bernard at Rendon. Nagulat sila sa biglang pagpasok ni Kaide at ng ilang bouncer kasama si Primo.
"Mula ngayon lilipat ka na sa mas maganda at malaking kuwarto. Kaya sumama ka na roon. Ihahatid ni Primo ang ilang mga gamit mo."
"Ano'ng pinagsasabi mo?" Inis na hinarap niya si Kaide .
"Sumama ka na lang!"
Hanggang sa hinila na siya ng mga bouncer.
"Bernard?"habol ni Rendon pero hinarangan ito ng isang bouncer.
"Rendon!"
Nilabas na nga siya ng kuwarto.
"Dalhin muna iyan kay Tatay bago dalhin sa Primera Cuarto." Sabi pa ni Kaide.
At muli silang nagharap ni Don Anastacio. Mata sa mata. Patalasan. Walang gusto magpatalo.
"Bakit ganyan ka makatingin? Para papatay ka?"
Tinapatan niya ang pagkasarcastic nito.
"Puwede ba?"
Naigik siya nang bambuhin siya sa likod ni Kaide. Napaluhod siya at napaubo sa sakit.
"Wala kang respeto kahit kailan! Subukan mo pang bastusin si Don Anastacio at mapapatay kita!" Nanggigil na sabi Kaide.
"Enough of this, Kaide. Sadyang palaban lang talaga ang batang ito. Pero hindi ako basta basta mapipikon gaya niyo ni Benedict." Binaba siya nito at dinukot ang magkabilang pisngi niya.
"Pero kapag napikon ako, ihahatid ko sa ulo ng tatay mong Doktor!"
"Walang hiya ka!!!!" Napasigaw siya sa pagkapikon. Naiyak na siya. Susugurin niya ito pero mabilis siyang naitayo ng mga bouncer at pinigilan siyang magwala.
"Oh hindi ba ikaw ang napikon. Kaya magpakabait ka bata. Marami na akong naipalibing sa lugar na ito kaya umayos ka. Sundin mo lang ako dito at wala tayong magiging problema."
"Pagbabayaran niyong lahat ang ginagawa niyo sa amin. Lalo ka na. Tama nga sila. Satanas ka. Hangga't nandito ako patuloy akong mamumuhi sa inyong lahat. Lalo na sa iyo. May araw ka rin. Pagsisisihan mo ito!"
"Ilabas niyo na iyan!" Sigaw ni Don Anastacio at pakaladkad siyang nilabas.

DON ANASTACIO POV.

SA PAGLABAS ni Bernard ay nakadama siya ng panginginig na ngayon niya lang uli nadama. Agad niyang hinanap ang gamot niya sa medicine box. Nanginginig pa siyang nagsalin ng tubig sa baso at agad agad na nilagok ang gamot.
Bakit mo nasabi iyon, Anastacio? Paano kung siya ang anak mo? Hindi mo na dapat siya pinatulan! Sisi niya sa sarili.
Minasdan niya ito na papunta sa Primero Cuarto. Ang pinakamagandang kuwarto na ginawa nila sa unang Hombre na nagdala sa kanila ng sandamakmak na salapi. Dating kuwarto iyon ni Alvin.
Ang una niyang Hombre na pumuno noon sa pangungulila niya sa anak.
Parang kahapon lang ang lahat.

8 years ago.

Maingay ang alarm. Hudyat na may tumakas na Hombre. Agad na lumabas siya para harapin kung sino iyon.
Nakita niya na tinutukan ng baril ng mga private army sa harap ng Mansion.
Si Alvin.
Suot pa nito ang regalo niyang Balencia shirt at jeans nito. Nakasuot ng backpack.
"Bumalik ka na sa silid mo Alvin." Kalmado pa niyang pakiusap.
"Sa pagkakataong ito hindi na kita susundin. Napapagod na ako. Para saan pa ang lahat ng ginagawa ko kung hindi naman ako malaya. Kaya ngayon hinihingi ko na ang kalayaan ko."
"Alam mo na higit pa sa lahat ng yaman dito ang kapalit ng hinihingi mo. Kaya hanggat nasa huwisyo pa ako bumalik ka na."
"Hinihingi ko na ang kalayaan ko. Tatay. Kung anak talaga ang turing mo sa akin. Ibibigay mo ang nais ko na tunay na magpapaligaya sa akin. Ang maging malaya."
Nakangiti pa ito bago pa ito tumalikod at iyon na nga ang hudyat na binaril na ito ng mga army.
"Alvin!!!!!"

WALONG taon na pero patuloy pa rin na minumulto si Don Anastacio sa sinapit ng paborito niyang alaga at tinuring na anak.
The reason why Absalom Paradise become a stealth hit. Dinalaw niya ito sa libingan nito. Alam niya wala na itong pamilya kaya dinadalaw niya ito kapag naaalala niya ito.
"Patawad at hindi ko nabigay ang matagal mo nang nais. Ngunit marami pa sa mga kapatid mo na inaasahan na lang ang buhay dito na pinagkait ng mundo sa labas. Mainam na nawala ka sa kamay namin kaysa mamatay ka na nilalamon ng lupit ng realidad ng buhay sa tulad natin mga ulila at mahirap."
Nag ring ang phone niya. Si Mino.
"Tay, We need to talk." May paghangos sa tinig na iyon ni Mino.
"Papunta na ako diyan."
Sa tono na iyon ni Mino ay mukhang may haharapin na naman siya.
More challenging than the other.

"SASAMA ako huwag niyo na ako kaladkarin! Literal na ginagawa niyo akong kaladkarin lalake!" Napipikang kalas ni Bernard nang marating na nila ang harap ng Primera Cuarto. May lalakeng nakaface mask at parang muslim na may scarf pa. Hindi ito bouncer at may hawak itong rifle.
"Ikaw na ang bahala sa kanya, Hezron. Bambuhin mo ng rifle kapag nagligalig."
Matapos siyang ihatid at pumasok na sila sa loob. Nanatili lang ito sa pintuan.
Pumasok na siya sa loob at nagulat siya sa ganda at kinang ng loob. Walang wala ito sa kuwarto nila ni Rendon at sa kuwarto niya sa bahay. At sa VVIP Room.
Ang laki ng couch na kulay pula at ang laki ng flat screen tv. Antigo tingnan ang  ilang mga muwebles at may bar pa na kita ang malaking ref at ilang mga makikinang na gamit sa kusina. At ang bintana ay may balcony style at kita ang dagat sa labas. Nabawasan ang inis at lito niya sa soothing na hangin na humahalik sa hampas ng hangin.
"Anong klaseng kuwarto ito. Tinalo pa ang mga 5 star room."
May pintuan sa gilid at mukhang doon ang bedroom. May napansin silang malaking picture ng isang lalake sa carpeted wall.
Ang guwapo nito. Nakasuot ng black tuxedo at may hawak na rosas.
"Siya ba ang dating may ari ng kuwarto na ito? Hindi ko siya nakikita dito?"
Hindi umiimik ang kanyang bantay. Bumalik lang ito sa pinto at umarte na parang estatwa.
"Bakit nakaface mask ka?"
Hindi pa rin ito umimik pero nakatitig lang ito sa kanya.
"Sana hindi ka pipi. Dahil nasanay ako na may kausap. Wala na akong roommate. Ewan ko sa trip ng mga iyon at dinala ako dito. Oo maganda , malaki at maaliwalas dito pero nasanay na ako na may kasama. Ano na kaya ang nangyari kay Rendon."
Nag-aalala siya dahil mag-isa na lang ito at hindi ito kasing tapang niya.
Dios ko, ingatan mo rin si Rendon. Bigyan niyo siya ng tapang na makaya niya ang lahat kahit di na kami magkasama.

Absalom Paradise Where stories live. Discover now