Characters

12 0 0
                                    

Bernard de Dios

-The Disturb Guy.

Lumaki na sakit ng ulo ng kanyang pamilya. Nag-iisang anak pero uhaw sa pagmamahal at aruga. Kahit na anong yaman at kisig na mayroon siya ay hindi matapalan ang lungkot ng kanyang buhay. Magbabago ang lahat nang mapadpad siya sa isang Isla na hindi niya alam na mayroon. Ang isla na bumaboy sa kanya at nagpalasap sa kanya ng impyerno. Ang Absalom Island . Ngunit nakatakda siyang mabuo at sisira sa Isla ng kamunduhan. Ano ang kanyang mga magiging hakbang? Paano kung ito rin ang wawasak sa kanyang pagkatao?

Antonio Vargas

-The Police Guy

Ang Pulis na matagal nang hinahanap ang nawawala niyang kuya. Naging pulis at umasa na mahahanap niya ang kapatid niya na nawawala at walang nakakaalam kung nasaan ito. Nang hawakan niya ang Kidnap Case ni Bernard De Dios dito siya ilalapit sa kanyang hinahanap. Na kahit makompromiso ay gagawin niya makita niya lang ang katarungan hindi lang sa kapatid pati sa mga kalalakihan na nag-nanais na lumaya sa Absalom Island.

Clint Hermoso

The Island Star

Ang pinakaguwapo, matipuno at talentadong lalake ng Absalom Island. Mabenta. Kinababaliwan at napakahusay magpaligaya. His stardom was shattered when a new guy came in. He will do anything to maintain the fame and fortune that he has and no one can make him number 2 guy in Absalom Island.

Rendon Salvador

The Shy Guy

Ang kasama ni Bernard na dinukot at dinala sa Absalom Island. Ang pinakabata at tinuring na bunsong kapatid ni Bernard sa Absalom Island. Matalino pero mahina ang loob. Susubukan maging matapang kahit na hirap at nalugmok.

Jonas Placido

The Street Guy

Lumaki sa hirap. Walang wala maliban sa guwapong mukha. Dahil sa kalagayan ng kapatid ay napilitan ibenta ang sarili at humantong sa pagtungo niya sa Makasalanang Absalom Island. Tanggap na niya ang kanyang kapalaran. Handang malublob sa apoy ng impyerno maihatid lang sa langit ang kanyang mahal sa buhay.

Don Anastacio Amoroso

-The Owner
Ang may ari ng Islang makasalanan. May misteryong bumabalot sa kanya. Malupit. Ganid at tinaguriang Satanas ng Isla. Ngunit mababago ang kanyang pananaw nang makilala niya ang Bagong mukha sa isla. Mukha na yayanig at magmumulto sa kanyang Kasalukuyan.

Kaede Elizondo

-The Main Guard

Ang bantay at kanang kamay ni Don Anastacio. Matapat at istrikto. Handang gawin lahat para kay Don Anastacio.

Benedicto Amoroso

Kapatid ni Don Anastacio. Ang manager ng Isla. Napakalupit at walang pakialam sa nararamdaman ng mga lalake sa Isla.

Blanca Villagracia de Dios

Ang ina ni Bernard. Masipag ngunit walang sapat na oras para sa nag-iisang anak. Isang nakaraan ang pilit na itinatago pero pinapaalala ni Bernard kaya halos ayaw niya ito tingnan at makasama. Ngunit sa pagkawala ni Bernard nakadama siya ng pagsisisi sa pagtrato dito.

Eligio De Dios

Ang mapagmahal na ama ni Bernard. Ang tanging tao na nakakaunawa at sumusuporta kay Bernard. Labis na naapektuhan sa pagdukot kay Bernard.

Primo Primavera

Ang head errand man ng Absalom Paradise. Mabait at maasikaso. Mapagmahal sa mga hombre na tinuturing niyang mga alaga.




Absalom Paradise Where stories live. Discover now