Chapter 11

1 0 0
                                    

Antonio POV

Naunahan mabaril ni Antonio ang lalakeng nakasita sa kanya bago pa man siya nito mabaril. Nataranta siya dahil tiyak na narinig iyon mula sa loob. Mabilis niyang tinabi ang nabaril niya at hinubaran ang damit nito. Nang tanggalin na niya ang pantalon nito at napangiwi siya at nagulantang.
"Diyos ko walang underwear!"
Tiniis niya na lang at mabilis na sinuot ang damit nito at sinuot niya ang Hoodie niya at pants niya pati ang mask nito. Kinuha na rin niya ang rifle nito.
At dumating na nga ang mga kapwa nito nakahoodie.
"Ano'ng nangyari?" Tanong sa kanya.
"Hindi ko alam. Nanlaban kaya binaril ko." Sagot niya.
"Idispatsa na iyan. Samahan mo siya Leomordo. Mahusay ka ngang bantay kahit bago ka pa lang Hezron."
Hezron pala pangalan nito!
Binuhat na ni Leomordo ang nabaril niya at sumunod dito.
Bakit Armado ang mga ito? At saan namin ito dadalhin?

NAGKAUSAP sina Mino at Primo habang papunta sa theater stage. Abala na nag-lilinis ang mga Utility na naroon.
"Kumusta ang dalawang bago, Primo?"
"Maayos naman. Mga tahimik. Mukha namang matino."
"Hindi kampante si Tatay dahil may impluwensya ang magulang ng isa sa kanila. Kaya tutukan niyo ang mga bago. Sablay talaga itong si Sir Benedict. Kaya hindi mapagkatiwalaan ni Tatay."
"Ay siya nga pala. Ano ba ang iluluto mamaya? Hindi man lang niyo nakain ang mga hinanda namin." Pag-iiba ng topic ni Primo.
"Ipagluto mo na lang ng Filipino at Japanese meal si Tatay. Kayo na ang bahala sa iba. Ihanda mo na lang lahat lalo na ang mga Hombre. Ako na muna bahala sa pag aayos dito. Ikaw na muna sa mga Hombre. Ngayon na."
"Yes po."
Agad na umalis ng theater room si Primo at tumungo sa CCTV room kung saan naroon ang paging system.
"Sa lahat ng Hombre. Maghanda kayo para sa welcome party para sa nag-iisa nating tatay na si Don Anastacio. Kailan fresh at gwapo kayong haharap sa kanya. Alas siyete ng gabi ay nasa Theater Room na ang lahat!"

NARINIG nina Bernard at Rendon ang page na iyon. Tumingin sila sa relo. Mag aalas sais na.
"Nandito na si Satanas."
Kita ang pangamba sa sinabi na iyon ni Rendon.
"Talaga bang dimonyo ang Don Anastacio na iyon?"
"May anghel ba na ikukulong tayo at binebenta tayo para gawing parausan. Mukhang mas mahirap makatakas ngayon nandito na siya."
"Inuutay tayo ni Primo sa mapa. Kung mabuo man yan hindi natin alam ang buong pasikot sikot pa. But don't lose hope. Hangga't buhay tayo umasa ka na makakatakas tayo."
"Sana nga, Bernard. Sana."
Kailangan niya maging matapang pa lalo at maingat dahil narito na ang pinakaulo ng sindikatong ito.

NAGTIPON na ang lahat sa Adonis Hall.
Lahat sila ay pinasuot ng floral polo na may white sando sa ilalim, board shorts at flip flops. Lumalaban din sa ganda ng katawan ang mga bouncers nila na nakasuot naman ng itim na polo shirts. Naroon din ang mga ilang staff at nasa harapan si Primo. Hanggang sa pumasok na nga ang hinihintay ng lahat. Hindi niya inaasahan na hindi matanda ang lalakeng naliligiran ng mga bouncers at kasama ni Sir Benedict. Matangkad ito. Makinis ang mukha. Hindi ito mukhang Don. He looked young. Sa dami ng pera nito hindi impossible na retokado ito. Bilugang mga mata. Gaya niya ay mahaba ang nose bridge nito at matapang ang labi. He walked like he doesn't care. Haring hari ang dating. Lalo siyang nairita. Kita ang takot at pangingimi ng ilang hombre. Kapansin pansin na sinalubong ito ng yakap ni Clint. Close ba sila? Tumapik lang ito at humarap na sa kanilang lahat.
"Welcome back po Don Anastacio!" Sabay sabay na bati ng lahat.
Maliban sa kanya na matalim ang titig dito.
Pero bakit iba ang pakiramdam niya habang nakatitig dito. Parang may sasabog sa loob ng dugo niya. Galit? Poot? Hindi niya alam. Ngayon niya lang naramdaman ito sa taong ngayon niya lang nakita. At nang magtama ang paningin nila ay lalo iyong nag-igting. Lalong bumilis ang pintig ng kanyang dibdib, ng kanyang dugo pati ng kanyang pulso. Matagal silang nagtitigan. Parang gusto niyang maluha nang hindi niya maintindihan pero pinigilan niya.
Bakit ako naiiyak? Dapat siyang kapootan? Siya ang dahilan kung bakit ako nandito?
Kinakabahan pa siya lalo nang lumapit ito sa kanya. Hanggang siya na ang umiwas ng titig dito.
Baka pag-initan niya ako. Ayaw kong mapikon sila sa akin. Hindi pa ako nakakaisip ng paraan para makatakas.
"Kung makatitig ka ay parang lalamon ka ng buhay?"
Hindi siya sumagot. Hindi na niya ito tinitigan.
"Ganyan talaga yan kuya. Hayaan mo na." Ani Benedict.
Kinuha nito ang baba niya at pinihit paharap dito. Muli silang nagkatitigan.
Napansin niyang nagulat ito habang nakatitig sa kanya.
Bakit? Bakit ako naman ang tinitigan niya na parang ako ang kakainin niya ng buo?
"Ano nga uli pangalan nito, Benedict?"
"Bernard. Siya si Bernard kuya?"
"Bernard. Tatandaan kita. Sa susunod na titigan mo ako ng masama. May kalalagyan ka sa akin!" Marahas nitong binitawan ang baba niya. Sa unang pagkakataon ay napaiyak na siya. Sa mga banta na natanggap niya ay ito na yata ang pinakamasakit. Umakyat na ito sa paleta at hinarap silang lahat. Pinigilan niyang maiyak. Nagtataka siya sa sarili kung bakit siya nasasaktan. Takot ba ito? Hindi siya matatakutan pero ang isang ito talagang nakadama siya ng takot na ngayon niya lang hindi maipaliwanag.
"Kumusta kayong lahat. Sa tagal kong nawala may mga nagbago pero hindi magbabago na nasa ilalim kayo ng aking pangangalaga. Dito sa paraisong ito, kayo ang bida. Kayo ay may pera at kayo ay sinasamba. Alam ko na karamihan sa inyo dito na lumaki at dito na umangat bagay na Pinagkait sa inyo ng mundo. Oo, wala tayo sa kanila pero tayo ay angat na sa kanila. Nakakatulong na kayo sa inyong mga pamilya at nabibigyan ng magandang buhay kahit nandito kayo. Kaya lalo lang tayo magsipag lalo nasa mga Hombre ko."
At tumuon na ito sa kanila. Iba pa rin ang pakiramdam ni Bernard sa presenya ni Don Anastacio. Pero nagtataka pa rin siya na bakit masyadong hero ito sa karamihan dito. Kailangan pa rin niyang makabalik sa huwisyo. Hindi ang isang ito ang makakapabagsak sa kanyang loob.
"Wala na tayong atrasan dito. Patay kung patay. Kaya gawin niyo lang ang pinapagawa namin sa inyo. Kami na ang kasama niyo dito. Kami na ang pamilya niyo. Ako na ang tatay niyo. Kung ayaw niyo. Sabihin niyo lang madali akong kausap." Sabay tingin sa kanya.
"Akin na kayo at sa inyo ako. Sabayan tayo sa pag-angat. Tandaan niyo ito. Hindi kayo mga ordinary sex traders. You are all exclusive, high class, highly paid Male Entertainers. Hindi kayo basta bayaran lang. You are all worthy. Mas mahal pa kayo sa sinumang mga bayaran sa labas ng islang ito. Taglay niyo ang yaman at kakisigan na kailan man hindi magkakaroon kahit mga artista at mga prinsipe. Kaya mabuhay kayo dito at sumunod para sa kinabukasan ng lahat."
Ang sinabi na iyon ni Don Anastacio ay pagmumukha sa kanila kung gaano sila kababa. Mga lalakeng puta. Sigurado na siya na napopoot na siya dito. Hindi siya naaamaze sa nais na i-groom nito sa kanila.
Hindi siya si Clint na hero ang tingin dito. Hindi rin siya si Rendon na matatakot lang dito basta basta.
May araw din kayong lahat! Lalo ka na, Anastacio!
Matapos magsalita ni Anastacio ay naupo na ito sa likuran at humarap sa kanina ang isang lalakeng payat na kasama ni Don Anastacio. Ngayon niya lang ito nakita.
"Sino iyan?" Tanong niya kay Rendon.
"Si Mino. Assistant ni Don Anastacio."
At nagsalita na nga ito.
"Malapit na ang kaarawan ni Don Anastacio. At sa kaniyang kaarawan sine celebrate natin ito sa isang malaking party na kasama ang lahat. At muli ay bibida rito ang pinakamamahal niyang mga Hombre. Simula bukas ay magkakaroon tayo ng paghahanda simula sa mga palabas na inyong lalahukan at dadaluhan ng mga Prime Guest ng Absalom Paradise. Kaya humanda na kayo mga Hombre. Mamaya Pipiliin namin ang mga lalahok natin sa program. Isang magandang palabas ang ating ise serve and this event will me memorable and extraordinary as it should be!"
"Ano'ng pinagsasabi niyan, Rendon? May idea ka ba?" Untag niya kay Rendon habang patuloy na nakikinig kay Mino.
"Wala pero sa sinabi niya malinaw na isang birthday event ang tinutukoy niya."
Nagpatuloy sa pag sasalita si Mino.
"We have a theme for this birthday event. It's a Magic Mike Event. And All of you will dance and perform as hot as the Magic Mike Dancers."
"Ano ang Magic Mike?" Tanong uli niya.
Mukhang lahat walang idea. Hanggang sa may pinanood sa kanila sa malaking flat screen TV.
Kilala niya ang Artista sa clip na pinapaanod.
Si Channing Tatum.
Hindi niya maiwasang malaswaan dahil sa malaswa at sensual na sayaw na iyon.
Iyon ang tema. Magiging mga stripper sila. Sasayaw ng macho dance. Napailing siya dahil alam niya sa sarili niya na walang hilig ang sayaw sa kanya. Mukhang sila Clint lang ang natutuwa.
"You can do more than that, Boys. Sabi mga ni Tatay. Kaya bigyan natin sila ng magandang palabas!"
Humiyaw ang grupo nila Clint.
Napakamot siya kahit hindi makati ang ulo niya.
"Kailan ang practice?" Tanong ni Clint.
"Sa makalawa. Mamaya after this assembly pipiliin namin nila Tatay kung sino ang isasali namin ang opening dance at sino sa inyo ang isasalang sa Hot seat bidding."
Hot seat bidding?
"Sigurado ikaw na uli ang hahakot ng pera sa hot seat bidding Clint." Ani Jonas.
Nakangiting kumibit balikat lang si Clint pero napalis agad pagkakita sa kanya.
"Now, you may go back to your room. And later i aannounce namin ang mga list na sasali sa opening dance at sa hot seat bidding."
Umalis na nga sila. Nagpadulo sila ni Rendon para bigyan daan sina Clint at mga kasama nito. Nang madaan sila nito at hinintuan sila nito at matalim na humarap sa kanya.
"Galingan mo at tiyak na malalampaso kita!"
Napangisi lang siya sa pagyayabang nito.
"Ikaw na. Kung basketball ang laban di ako papatalo. Ikaw na ang panalo dito!"
"Basketball? Hinahamon mo ba ako?"
"Bakit marunong ka ba? Kung marunong ka maging magaling ka muna? Huwag kang mag-alala ikaw na ang pinakamagaling sa amin dito. Di kita kakalabanin."
"Siguraduhin mo lang."
Bigla itong kumalma at dumeretso nang makita na palabas na rin sina Don Anastacio. Matalim ang titig nito sa kanya habang papalapit ito.
"Sumama ka sa opisina ko ngayon din!"
Lahat sila ay nagulat sa paanyaya na iyon. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa mga ito.
Ano ang gagawin nila sa akin?

Absalom Paradise Where stories live. Discover now