Prologue

9 1 0
                                    

BERNARD'S POV

Dilaw at Pulang liwanag ang bumabaha sa VIP Room ng Absalom Dungeon. Ang dungeon na iba sa lahat ng Dungeon. Makinang, malinis at mabango. It looks like a stage kung saan nag perform ang BTS. But this stage has a dirty theme. I was assigned to dance here in front of the Hypocrite and hidden perverts of the world. I can't imagine na mapupunta ako sa pinakamaduming lugar na ito.
Naghihiyawan sila. Parang mga hyena na naghihintay na lumapa ng Karne. Dati, takot ako na harapin ang mga hayop na ito pero ngayon manhid na ako. Literal na naglalaway silang lahat. I am wearing a tarzan inspired tunic na tumatakip sa nais makita ng mga hyena sa harap ko. I smirk not to show na gusto ko ang nakikita ko. It's a disgusting mock to them. Dumipa ako at pinatakam ko sila gamit ang aking katawan. Isang matapang na pagbibilad.
Nang tumugtog na ang isang techno beat sounds ay nagsimula na umugong ang matinding hiyawan lalo na nang ikabit sa magkabilang tagiliran ko ang harness.
Sabik na sabik na ang lahat sa palabas. Lumipad ako at salamat sa harness. Sumirko sirko sa ere. Habang nasa ere ay nakita ko na si Rendon at Jonas. Nasa magkabilang dulo.
Ginanahan na ako sa aking ginagawa. Matutupad na ang aming hakbang tungo sa kalayaan.
Hanggang sa dumilim ang paligid. Naghiyawan ang lahat at naalarma.
May putok ng baril. Sunod sunod. Wala akong makita. Pinilit kong bumaba pero hindi ko alam kung paano. Nagkakagulo na ang lahat. Hanggang sa may nagpagana na ng harness at bumaba ako mismo sa stage. Mabilis kong kinalagan ang sarili ko.
Nagulat ako nang may tumutok ng baril sa akin.
Duguan ang ulo niya. Galit na galit ang anyo.
"Mamatay ka!
Isang putok ang mariing nagpapikit sa akin.
"Bernard!!!!" Sigaw iyon ni Rendon.
"Bernard!!!!" Sigaw naman iyon ni Antonio.
Umugong ang pangalan ko na ngayon ko lang narinig na pinagsisigaw.
Ganoon ba ang mamamatay? Pangalan mo ang paulit ulit mong maririnig.
"Bernard!" Narinig ko uli ang aking pangalan. The pain and the happiness collides as one. Ang dilaw at pulang liwanag ay lumalabo at unti unting dumidilim.
Naririnig ko pa rin ang pangalan ko. Ang putok ng baril. Ang hiyawan ng mga tao. Ang sakit na pumupunit sa laman ko.
Sa impyernong lugar na iyon na tila maghahatid din sa akin sa impyerno.
Sana ako na lang. Huwag sila na nagnanais ng bagong buhay.
Ako na lang Dios ko.
Sana sa minsan kong pakiusap pakinggan mo naman ako.
Kahit ngayon lang.
"Bernard!!!!!!!!"

Absalom Paradise Where stories live. Discover now