Chapter 4

2 0 0
                                    

TINULUNGAN ni Rendon na gamutin ang mga latay niya. Pati na rin ang putok mg labi niya.
"Sabi ni Primo, may photoshoot ka raw kaya kailangan gumaling ito. Buti nga ikaw ganyan lang sinapit mo."
"Bakit? Sinaktan ka rin nila nang pumalag ka?"
Umiling si Rendon.
"Iyong isang kasama ko sa booking. Si Flynn."
"Sinong Flynn?"
Marahas na huminga si Rendon at napapikit.
"Pinatay siya matapos niyang mapatay ang naging guest niya. Isa lang siya sa mga nasawi dahil sa pag suway sa patakaran ng kasang ito."
Nanginig na lang siya sa galit pero pinigilan niya lang ang sarili.
"Dito na yata tayo mamamatay, Bernard. Malulupit sila. Kahit tumakas tayo ay papatayin nila tayo pati ang mga mahal natin sa buhay. Hindi ko alam kung ano'ng kapangyarihan na mayroon sila kaya sila ganyan. Pinapasadiyos ko na lang ang lahat."
"Kung may magagawa iyang Dios mo. Kita mo hinahayaan tayo maging ganito. Parausan ng mga bakla na walang magawa sa pera niya. Kung wala lang ako dito at baka napatay ko sa suntok ang baklang iyon!"
"Nagalaw ka ba?"
Mariin siyang umiling.
"Swerte mo at naiwas ka. Pero nagmarka ka na kina Sir Benedict. Tiyak na makakarating iyan sa kapatid niyang si Don Anastacio ang boss ng Absalom Paradise."
"Ibig mong sabihin hindi pa ang Benedict na iyon ang Boss?"
"Hindi. Si Sir Benedict ay kapatid ni Boss. Mas doble ang lupit niya kay Sir Benedict. Sigurado kung siya ang nandito at nakita ang ginawa mo. Baka itapon ka na rin diyan sa Dagat."
Hindi nga biro ang pinagsadlakan niya. Makakalabas pa ba sila dito nang buhay o habang buhay na magiging miserable.

NAGISING sina Bernard at Rendon sa mala-sirena ng mobile police na narinig nila. Nairita siya dahil mga tatlo o apat na oras lang siyang tulog.
"Ang sagwa ng tunog parang may sunog o isusugod sa ospital."
Natawang umiling lang si Rendon.
"Lahat ng mga gentleman ng Absalom Paradise ay inaanyahan na tumungo sa Adonis Hall. Lahat ay pumunta doon para sa ating weekly assembly."
May pa-announcement. Ibang klase. Nagulat niyang reaksyon.
"Ngayon makikita mo na ang iba pa nating kasama."
Kita niya na hindi gusto ni Rendon ang announcement.
"You look like you don't like it."
"Aminin ko, oo. Ibang klase ang mga kasama natin dito. Lalo na si Clint."
Naalala niyang nabanggit iyon ni Primo. Ito yata ang pumalit sa kanya kahapon.
"Si Clint ang Primero Hombre ng Absalom Paradise. Siya ang Pinakamabenta. Mayabang at mataas ang tingin sa sarili. Sa lahat dito siya ang pinaka nag enjoy dito."
"May nag-eenjoy sa gawaing ganito."
"Sa maniwala ka o hindi mayroon at si Clint iyon. Hanggat maaari iwasan natin siya. Ayaw ko ang paraan niya ng pagsasalita na para bang dapat sumakay na lang tayo sa nais ng mga sindikatong ito."
Marami pa nga siyang matutuklasan sa lugar na ito. Nakadama tuloy siya ng excitement nang makita ang mga kapwa nila. Pero tinitiyak niya na hindi niya maeenjoy ang mala -impyernong lugar na ito.

ADONIS HALL.

HINATID si Bernard at Rendon ng dalawang bouncer. Hindi sila ang nauna sa venue. May mahabang U shape couch doob at doon sila naupo. Iisa sila ng suot. White Polo na walang undershirt o sando. Board shorts at tsinelas. Para silang nasa beach. Binilang niya kung ilan silang lahat. Twenty six. Napansin nila na bakante ang pinakagitnang couch. May palette sa harap na ginawang entablado. May tatlong upuan doon at naligiran iyon ng mga bouncer at nakita niya na may mga baril ito sa bulsa. May mas nahuli pang dumating at sa lahat ito lang ang walang bouncer. Iba ang suot na polo nito. Pula at may sandong itim. May legging at shorts at nakarubber shoes. Taas tingin ito sa lahat. At naupo ito sa pinakagitnang couch.
Ito na marahil ang tinutukoy na si Clint. Hawig ito ni Chris Hemsworth. Itim lang ang buhok at pinabatang version nito. Nagtama ang paningin nila. Matalim ang titig nito sa kanya. Naging mapanuri at agad ding inalis ang tingin sa kanya.
Ang sama tumingin!
At dumating na nga si Benedict kasama si Primo at ang maangas na si Kaide. Mas gigil siya kina Kaide at Benedict. Kung may baril lang sana niya ang dalawang ito ang una niyang pauulanan ng bala.
Lumapit si Primo sa mic stand at nagsimulang magsalita .
"Magandang araw sa inyong lahat. Narito tayo sa ating Weekly Assembly. Pero bago tayo dumako sa ating agenda. Ipapakilala ko sa inyo ang bago sa inyong grupo. Kararating niya lang noong isang araw. Walang iba kundi si Bernard."
Hindi siya natutuwa sa pakilala sa kanya. Nainis pa siya nang magpalakpakan pa ang mga ito.
"Mahiyain pa siya. Hayaan natin at masasanay din siya." Ani Primo.
"Bakit hindi ka tumayo para makita ka ng lahat?" Sita ni Clint sa kanya.
"What for?"salubong ang kilay niyang sagot.
"Ano daw kasunod ng four?" Sabi ng katabi ni Clint.
"Eh di five!" Sabi pa ng isang lalake.
At napuno ng tawanan ang Hall.
Inis na tumayo si Clint at tumalim ang titig sa kanya.
"Kabilang ka na sa amin. Kapag pinakilala ka. Tumayo ka nang may paggalang. Huwag kang bastos!"
Tumaas lang ang kilay niya. Tama nga si Rendon, maangas ito. At ang tipo nito ay kahit kailan ay hindi niya uurungan.
"Am I? What do you think about this assembly? Flag ceremony. Well, if they lead us to sing Lupang Hinirang then I stand and put my right hand on my chest!"
"Boom, Clint! Inglesero. Ilabas mo na rin ang spokening dollar mo." Hiyawan ang lahat at kita niya na lalo pang nalukot ang mukha ni Clint.
"Tama na iyan. Hindi tayo nagtipon para mag -away. Mahiya Naman kayo kay Sir Benedict." Saway ni Primo.
"Ayos lang, Primo. Talagang palaban itong si Bernard. Inglesero ka pala. Mukhang ikaw ang ipapakilala ko sa mga foreign guest natin. Pero ngayon manahimik ka muna kung ayaw mong isako kita!"
Inis na napatingin na lang sa gilid si Bernard.
"Tama na Bernard. Huwag mong pikunin sila. " Saway ni Rendon.
Nagpatuloy na sa pagsasalita si Primo.
"Ngayon ipapakita ko sa inyo ang inyong mga kinita."
Pinakita sa malaking TV Screen ang Bar graph. May larawan ng mga lalake ng Absalom Paradise na may kanya kanyang percentage. Nangunguna doon si Clint na may 87 percent. At may kita ng 370k dollars. Malayo sa mga kasunod nito at si Rendon ang pinakahuli na may 12 percent na may kita na 7000 dollars.
Wala pa siya sa Chart na iyon.
"Palakpakan niyo si Clint na hanggang ngayon ay nangunguna. Dahil diyan ay nakatanggap siya ng incentive na 10000 dollars at luxury outfit from head to foot with accessories and jewelry.
Magpalakpakan ang ilan maliban sa kanila ni Rendon. Ngiting tagumpay si Clint. May monitoring ng kitaan pala sa ganito trade at may motivation pa. Napailing na lang siya.
"At dahil na hit natin ang quota. Kaya lahat tayo ay magsi celebrate. Nagpahanda kami ng  Meat lovers  Meal buffet para sa inyong lahat!"
Naiinip na si Bernard sa assembly na iyon. Kaya nang matapos na ang assembly nais na niyang magpahinga.
"Pwede na ba akong bumalik sa silid ko?" Paalam niya sa bouncer.
"Bakit hindi ka muna kumain. Masarap at especial ang mga pinahanda na pagkain " narinig siya ni Primo na nasa likuran niya.
"Wala akong gana." Prangka niyang sagot.
"Gusto mo dalhan ka na lang namin sa kuwarto mo."
"At bakit gagawin mo iyan, Primo?"
Ang papalapit na si Clint.
"No need . I just want to rest."
"Rest, napagod ka ba? Eh wala namang nangyari sa inyo ni Alaine. Ako ang sumalo ng booking mo." May sarkasmo sabi ni Clint.
"Being tired is not only in physical. And who are you for me to say to you what I want to do?"
Kumunot ang noo ni Clint at tinulak siya .
"Ang yabang mo kanina pa ingles ng Ingles ah!"
Umawat na ang mga bouncer sa kanila.
"Tama na iyan. Walang aalis sa assembly. Dito ka lang hanggang matapos!" Napikang sabi ng bouncer sa kanya.
Nairita siyang umalis sa mga ito at tumungo kay Rendon na kumukuha na ng pagkain.
"Tara na kumain na tayo." Yaya ni Rendon.
"Nakakainis, hindi ako pinayagan bumalik sa kuwarto. At saka hindi ako mahilig sa karne. Ano bang buffet iyan?"
"May pasta naman sila. Iyan na lang kainin mo. Huwag ka nang maarte. Nakita ko na nagkakainitan na kayo ni Clint. Baka ikahamak mo iyan."
"Bakit? Porke siya ang number 1 male bitch dito ay maangasa na siya."
"Shut up. Baka marinig ka."
"The hell I care. Ano, may statistics at motivation pa sila. Ano ito? Enhancing the Sex trade industry? Hindi ako natutuwa na nandito ako at kahit gawin nilang glamorous ang mga eksena dito, I won't buy it." Pigil ang gigil niyang sabi.
"Control yourself. Please. Baka tuparin nila iyang gusto mo na mawala rito. Ang mga ayaw na rito ay pinapatay nila. So please habang hindi ka pa nakakaisip ng paraan kung paano ka makakaalis ay makisama ka muna."
Natahimik siya sa sinabi na iyon ni Rendon. May punto ito. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi pa niya nalalaman kung sino ang tatay niya. Hindi pa siya nagiging sikat na basketball player.
Kailangan nga niyang sumabay sa bayo ng malakas na alon na pinapaanod silang lahat.
Kailangan makapagplano siya kung paano makakatakas.

Absalom Paradise Where stories live. Discover now